Chapter 32: Cambria Twins

8.3K 255 3
                                    

Chapter 32: Cambria Twins

Rain's POV

Kasalukyan kaming nag aalmusal ngayon sa dining area nila Jewel.

So far, wala pa namang kakaibang nangyayari habang nandito kami and mamaya ay papasok na kami sa school.

It's our first day and second semester na sa Gem Academy ngayon.

Nang matapos na kaming kumain ay inilagay na namin sa lababo ang mga hugasin dahil si Ate Kris na raw ang bahala doon.

Sinukbit na namin sa mga balikat namin ang shoulder bag namin tsaka kami lumabas ng bahay nila.

Habang naglalakad kami papunta sa school ay hindi ko mapigilang magtanong.

"Tingin niyo, kaklase kaya natin ang Cambria Twins?" Pagtatanong ko.

"Sana, para hindi na tayo mahirapan na kumbinsihin sila." Pagsagot ni Jewel habang nakatingin sa daan.

"Parang hindi yata kakayanin ng isang linggo na makuha ang loob nila." Nakakunot noong sabat ni Skye.

"Basta maiuwi natin sila ay ayos na." Napabuntong hininga si Kate sa sinabi nito.

Nandito na kami sa malaking gate ng Gem Academy at nakita namin na bumakas ang gulat sa mga mukha ng estudyante.

Sinong hindi magugulat saamin, tatlong buwan kaming nawala sa paaralan na 'to at wala ring paalam.

Good thing ay nakapasok pa rin kami ngayon, hindi ko nga lang alam kung paano ginawa ni Mr. Macrus iyon.

"Mas maganda ka pa sa umaga Kate!"

"You're beautiful as ever Jewel!"

"Buo na araw ko kasi nakita na kita Rain."

"I can now live because Skye is here."

Ilan lang iyan sa mga narinig namin habang naglalakad kami papunta sa classroom namin.

Napapailing na lang ako dahil sa mga naririnig kong pagbati nila.

Kung hindi niyo kasi naitatanong ang tawag kasi sa grupo naming apat ay...

"The Four Princesses."

Ewan ko ba sa mga kapwa namin estudyante at ganyan ang tawag nila saamin.

Hindi naman kami prinsesa tsaka isa pa isa lang rin kaming normal na estudyante na nag aaral dito sa Gem Academy.

Nang makapasok na kami sa room ay naagaw namin ang atensyon nila.

Nagsimula ang mga bulung bulungan at dahil ayaw ni Jewel iyon...

"Can you please shut up?" Pagtatanong nito habang nasa harap at nakapamewang.

Hay.

Typical Jewel.

Agad na nagsitahimikan ang mga estudyante.

Pumunta na kami sa usual place namin which is sa likod at malapit sa bintana.

Ibinaba ko na ang bag ko at prenteng naupo sa tabi ni Kate at Skye.

Biglang may pumasok na guro and as far as I know this is Ms. Maureen Marasigan, ang aming Practical Research 2 Adviser.

"Ehem." Pagtikhim nito.

Iginala niya ang kaniyang paningin sa room at hindi ko alam kung bakit tumigil ang paningin niya sa pwesto naming apat.

"We have four new transferees here. Please introduce yourself here." Paguutos nito.

Kahit naguguluhan ay tumayo kaming apat papunta sa harap tsaka nagsimula magpakilala.

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon