Chapter 29: The UnderGround World

9.1K 298 29
                                    

Chapter 29: The UnderGround World

Someone's POV

Ang UnderGround World ay isang lugar kung saan ang mga masasamang tao at mga may lihim na galit kay Prince Hephaestus Kristofides ay doon naninirahan.

Hindi naman nakakatakot sa lugar na iyon dahil parehas lang sila ng Crystal World na may mga magagandang tanawin at lugar.

Ang pinagkaiba nga lang nilang dalawa ay ang UnderGround World ay may mabigat na atmosphere at aura which means ramdam mo talaga na hindi maganda ang ugali ng mga taong nakatira doon while sa Crystal World ay magaan lang at ramdam mong mabuti ang mga nakatira doon.

Alam ng lahat ng mga nakatira sa Crystal World na si Prince Vulcan Kristofides ang namumuno sa UnderGround World dahil siya mismo ang nag anunsyo at nag bigay babala sa lahat na kayang kaya niyang durugin ang buong Crystal World in a snap of his finger.

Kung sa Crystal World ay may apat na kontinente na binubuo, ang UnderGround World ay mayroong dalawang kontinente na pinangalanan nilang Yin Kingdom and Yang Kingdom.

Ang Yin Kingdom ay binubuo ng mga taong naging mabuti noon pero nababalutan na ng kasamaan ngayon sa kadahilanan galit na galit sila kay Prince Hephaestus dahil hindi nito umano pinakinggan ang kanilang hinaing ukol sa problema nila.

Samantala, ang Yang Kingdom ay binubuo ng mga taong pinanganak na talagang masama at mamamatay na gumagawa pa rin ng masama sa kapwa.

Hindi mo sila kakakitaan ng mabuting asal, maliban na lamang kung magpapanggap sila para sa sarili nilang interes at kagustuhan na maloko ka.

Kung ang Crystal World ay may Crystal Academy, ang UnderGround World ay may paaralan rin na pinangalan na Black Blood Academy.

Ang mga estudyante na nag aaral diyan ay tinuturuan ng mga guro nila tungkol sa dark spells and dark magic.

Masasabing mahuhusay ang mga estudyante dito lalo na pagdating sa paggawa ng mga armas at lason dahil hindi naman lahat ng nakatira sa UnderGround World ay may mga kapangyarihan, kalimitan ang mga nakatira doon ay sanay sa pang pisikalan na lakas kaya gumawa sila ng paraan kung paanong mas mapapahusay ang kanilang kalakasan at doon ay naisip nila na gumawa ng sariling armas at lason upang doon nila sanayin ang kanilang mga sarili.

Hindi rin pwedeng mawala ang mga namumuno sa bawat kontinente.

Sa Yin Kingdom ang namumuno ay sina King Zeus Inosuke and Queen Selena Inosuke, mayroon silang dalawang anak na nagngangalang Princess Victoria Inosuke and Prince Shawn Inosuke.

Sa Yang Kingdom naman ang mga namumuno ay sina King Levi Sanders and Queen Eunice Sanders, mayroon din silang dalawang anak na nagngangalang Prince Ryusuke Sanders and Princess Norika Sanders.

Kung titingnan mo ang buong kapaligiran nila ay maiisip mong para ka pa ring nasa Crystal World, ang kaibahan nga lang nila ay ang mga taong makakasalamuha mo.

Abala ako sa pag aayos ng aking sarili nang maramdaman kong may pumasok sa kwarto ko.

Nilingon ko ito at kalaunan ay nginitian.

Si Mommy pala yung pumasok at nakangiti ito habang nakatingin sakin.

"What's with that face, Mom?" Pagtatanong ko.

"I'm glad na maayos kitang napalaki, I don't wanna lose you hon, so please be safe everyday hmm?" Paglalambing nito.

Yep.

You read it right.

Kaming dalawa na lang ni Mommy ang nakatira sa malaking bahay na 'to because my Dad has passed away few months ago.

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon