Chapter 9: Welcome To Crystal Academy (Part 1)

14.1K 450 9
                                    

Chapter 9: Welcome To Crystal Academy (Part 1)

Rain's POV

"Welcome To Crystal Academy." Pagwewelcome saamin ni Austin.

Agad kong iginala ang aking paningin sa buong kapaligiran.

Sa katunayan ay nandito pa kami sa labas ng Crystal Academy.

Sobrang taas ng mga pader dito at sa taas noon ay may mga barb wires na sobrang tulis.

Sigurado ako na walang magtatangka na tumakas dito dahil sa sobrang taas ng pader at samahan mo pa ng mga matutulis na barb wire.

Lumapit si Austin sa isang pader at tinapat nito ang kamay niya.

"Aita."

Naguluhan ako kung bakit "aita" ang sinabi niya.

Ang tinutukoy ba niya ay iyong mga katutubo na nakatira sa kabundukan?

Kung "oo" Anong kaugnayan ng "aita" sa mga pader?

Biglang bumukas ang malalaking pader at lumabas dito ang maliliit at kulay asul na mga ibon.

Mayroong mga naglalakihang mga sakura tree at sa gitna nito ang isang malaking puting fountain.

Nakakamangha ang itsura ng lugar na ito.

Naglakad lakad pa kami ng kaunti at mayroon nanamang isang pintuan na kulay itim.

Sa taas nito ay ang malaking pangalan ng paaralan.

💫 К Р Й С Т А Л А К А Д И М Й 💫
💫 C R Y S T A L A C A D E M Y 💫

Biglang bumukas ang malaking pinto at bumungad naman dito ang mga estudyanteng palakad lakad.

Sa bawat sulok ng lugar na ito ay mayroong naglalakihang mga gusali.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa nakarating kami sa isa sa mga naglalakihang gusali.

Nakasunod lang kami kay Austin na tahimik na tinatahak ang daan papunta sa kung saan.

Huminto kami sa isang elevator at agad na pumasok sa loob nito.

Masyadong mabigat ang atmosphere sa loob nito.

Pinagmasdan ko ang mga kasama ko sa loob at doon ay nagkasenyasan kami sa kung ano mang pangyayari ang posibleng mangyari.

"Transferees ba ang mga ito?"

"Mukha namang mahihina, Tiyak na kaya natin sila."

"Mukhang malalandi, Kasama pa nila si Prince Austin."

Hindi ako makapaniwala na nabasa ko kung ano ang iniisip ng iba pa naming kasama sa loob ng elevator.

Kaya pala kanina pa masama ang tingin nila saming apat nina Kate.

*Ting*

Nang lumabas si Austin ay sinadya kong apakan ang paa nung babaeng nagsabi na malandi kami.

"Ouch." Maarte nitong daing.

Serves you right bitch.

Agad akong lumabas at sumunod sa mga kasama ko.

Napadpad kami sa isang pintuan na kulay tanso.

Pinagmasdan ko ito ng mabuti at may naka engraved doon na

"Head Master's Office"

at sa baba naman noon ay may pangalan na

"Mr. Edward Macrus"

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon