Chapter 41: Extreme Training (Part 1)

7.1K 249 9
                                    

This chapter is dedicated to you blairbratz Nainspired ako mag update dahil alam kong may nag aantay na matapos ang kwento na ito. Salamat :>

Chapter 41: Extreme Training (Part 1)

Rain's POV

Day One of our Extreme Training ayon kay Mr. Book, si Mr. Book kasi ang magbibigay ng heavy tasks saamin and siya na rin ang magiging trainor namin para sa paghahanda namin sa annual maze runner with a twist.

Its 3AM in the Morning kaya nakagayak na ko, medyo pupungas pungas pa akong nagpunta sa comfort room para magsipilyo at maghilamos.

Kagabi ay kinausap kami ni Mr. Book at binigyan kami ng magiging gawain namin ngayong araw at kung anong oras namin ito gagawin.

Matapos kong maghilamos ay nagpalit na ako ng damit ko pang work out, mamaya na lang ako maliligo kapag tapos na dahil pagpapawisan rin naman ako.

Nang makalabas na ako sa aking kwarto ay nadatnan ko ang tatlo kong kaibigan na nagkakape.

"Wala pa tayong breakfast?" Pagtatanong ko.

"Its too early, Rain. Maybe later? Ako naman magluluto eh." Pagsagot ni Jewel.

Tumango ako bilang sagot.

Kumuha na lang muna ako ng cereals at nilagyan ko ito ng freshmilk para may energy naman ako kahit papaano sa magiging training namin.

Nang matapos kaming mag light breakfast ay lumabas na kami at nagsimulang magjogging sa training hall, we need to finish a 10 lap jogging para lumakas daw ang mga paa at binti namin and also para hindi daw kami mabilis mapagod.

Nagkukwentuhan kamk habang nagjojogging nang makasalubong namin ang Cambria Twins na nagta-training.

Kumaway na lang kami sa kanila bilang pagbati habang patuloy kami sa pagjojogging.

Nakasalubong namin si Eurydice at may kasama itong babae.

It must be the new student na hindi namin naabutan dahil nasa mission kami.

Nginitian kami ni Eurydice pati noong babae kaya awkward akong ngumiti sakanila, nung nalagpasan namin silang dalawa kinalabit ako ni Kate.

"Napangiwi ako nung nginitian ko silang dalawa." Natatawang sabi ni Kate.

"Same, parang nung nakaraan lang minamanman natin siya kasi nahuli natin siya sa dorm natin." Pagsagot ko.

"Lalo naman ako." Nakangiwing sagot ni Jewel.

"G na g ka pa naman noon, Jewel." Natatawang sabat ni Skye.

Natapos ang jogging namin kaya nagpahinga kami ng ilang minuto bago kami nag push up na ayon kay Mr. Book ay kailangan namin ma-accomplish ang one hundred push ups and fifty sit ups para makainom kami ng tubig.

"Nauuhaw na ko." Pagrereklamo ko.

"Konti na lang, Rain." Hinihingal na sabi ni Kate.

Nung natapos na kami sa push ups and sit ups ay napahiga ako sa damuhan.

Inabutan ako ni Jewel ng tubig kaya ininom ko iyon at yung tira ay binuhos ko sa sarili ko dahil naliligo na ko sa pawis.

Binato ni Skye sa mukha ko ang towel kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Nag peace sign lang ito bago magpunas nang kaniyang sarili.

Its 5AM in the morning kaya napagdesisyunan namin na magpahinga muna sa dorm namin.

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon