Chapter 17: Preparing For The Duel

991 31 0
                                    

Chapter 17: Preparing for The Duel

Kate's POV

Umuwi na kami ng mga kaibigan ko sa dorm namin at sabay sabay kaming naupo sa couch.

"Guys? Paano na tayo sa duel bukas? Baka malampaso tayo doon." Natatakot kong tanong.

"Magtiwala tayo sa mga sarili natin bukas, tsaka may naririnig ba kayo na boses sa isip niyo?" Pagtatanong ni Jewel.

"Oo." Sabay sabay namin sagot.

"Narealize ko kasi na kapag gipit na yung sitwasyon, naririnig ko sila. Binibigyan nila ako ng instructions sa kung ano ang dapat kong gawin para maligtas ko sarili ko." Paliwanag ni Jewel.

"So you're saying na bukas ay may possible na marinig natin yung boses na yun and they can help us to surpass the duel?" Nagtatakang tanong ni Skye.

"Yap, pero huwag tayo umasa sakanila. May sarili tayong utak at katawan, we should know how to protect ourselves." Seryosong sagot ni Jewel.

"Kung si Psycho nga nalagpasan natin ng ilang beses, ito pa kaya na duel? Magtiwala lang tayo sa mga sarili natin." Nakangiting sabi ni Rain.

"Guys, may sasabihin ako tungkol sa libro na kinuha ko sa library kanina." Pagkuha ni Jewel sa atensyon nila.

"Oo nga, Jewel. Ano bang libro yun?" Nagtatakang tanong ni Skye.

"Well, napaisip ako sa ability na mayroon si Ma'am kanina kase diba, kita niyo naman na kakaiba yung lakas niya." Pagsagot nito.

"So, I found this book entitled— ABILITIES & POWERS" Dagdag pa nito.

"I found out na Ma'am has a Strong Flexibility Ability na according sa book na 'to ay yung mga atake nito ay masyadong malakas at pwedeng mamatay ang opponent nito kung sakaling mapuruhan." Seryoso nitong sagot.

"So it means, si Chavez may chance na mamatay?" Gulat na tanong ni Rain.

"Yap and according sa book na 'to, those people who have this ability was belong to the Royalties. Which means, Ms. Yamasaki is not an ordinary teacher, she has the power and ability." Makahulugan na sagot ni Jewel sabay ayos sa salamin nito.

"So, dapat talaga na maghanda tayo para bukas. Baka mapaaga pag punta natin sa langit." Kinakabahan na sabat ni Skye.

"Well, goodluck talaga saatin bukas." Nakangiting sagot ni Jewel.

Napabuntong hininga ako.

Pakiramdam ko mapapasabak talaga ako sa gyera.

Pumasok na ako sa kwarto ko at dumiretso sa bathroom.

Pinuno ko ng tubig yung bathtub, gusto kong magrelax muna bago mastress bukas.

Alam ko naman kasi sa sarili ko ba mahina ako at walang kakayahan.

Ordinaryong tao lang naman kaming apat at wala kaming alam sa mga patakaran sa lugar na ito.

Nang mapuno na yung bathtub ng tubig ay naglagay ako ng bathbomb para bumango at bumula ito.

Unti unti kong hinubad ang damit ko at nilublob ko ang katawan ko dito.

Napakasarap sa pakiramdam.

Nakakarelax.

Naisip ko na magpakatotoo na lang bukas, kung anong kaya ko iyon na lang ipapakita ko.

Alam ko naman sa sarili ko na hindi ako magaling sa mga atake at depensa na yan.

Sana talaga hindi ako mapuruhan bukas.

Dahan dahan kong pinikit ang mga mata ko at dinama at maligamgam na tubig sa bathtub ko.

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon