Chapter 43: Extreme Training (Part 3)

7.6K 231 7
                                    

Chapter 43: Extreme Training (Part 3)

Kate's POV

Dinner time na and napagdesisyunan ni Ae na sagot niya ang dinner namin lahat dahil narinig niya kay Jewel kanina na nagcacrave daw ito sa japanese foods.

Mabagal lumipas ang oras ngayong araw dahil babad kami sa training.

Ramdam ko na ang pag sakit ng katawan ko dahil hindi naman ako sanay sa ganoong kabigat na training.

Although nage-exercise din naman ako pero mas nakakapagod ngayon dahil pinaghahandaan namin yung para sa annual maze runner with a twist daw.

"Buti pa si Jewel, naka japanese cuisine ngayong dinner." Nakalabing sagot ni Rain.

"Oh heto tempura, alam ko namang paborito mo 'yan." Nakangiting sabi ni Jewel sabay lagay ng limang tempura sa plato ni Rain.

Nakita kong kuminang kinang ang mga mata ni Rain at ngumiti ito ng malapad kay Jewel.

"Salamat, Jewel! The best ka talaga." Masaya nitong sabi.

"Sana naman kapag ako yung naunang matapos sa sunod na task na ipapagawa ni Ae ay hayaan niya kong matulog ng isang buong araw." Pagpaparinig ko kay Ae.

"Hindi pwede yung gusto mo, Kate. Last day ang napagkasunduan natin na rest day niyo." Nakangising sagot ni Ae.

"Ang daya naman." Nakaismid kong sagot.

Nagpatuloy ang masaya at masarap naming dinner dahil mas nakakausap na namin ng maayos si Ae, unlike noong libro pa lang siya ay medyo awkward nga naman talaga.

Napagkamalan rin namin siyang lalaki kaya nakakagulat noong malaman namin na isang magandang babae si Ae.

"Bakit pala nasa katauhan ka ng isang libro, Ae?" Curios kong tanong.

"Isinumpa kasi ako at ang tanging paraan para maibalik ako sa dati ay kung darating ang lalaking magmamahal saakin ng totoo which is malabo siya sa panahon ngayon dahil kumplikado ang kapaligiran natin." Malungkot na sagot ni Ae.

"Mala cinderella pala ang peg mo, Ae. Pero bakit nakakausap mo kami in your human form? Hindi naman kaming apat ang prinsepe mo." Pagtatanong naman ni Skye.

"Iba kasi kayo sa lahat ng tao, Skye. Espesyal kayo at importante sa akin kaya pwede niyo akong makausap in my human form pero kung hindi ko kayo kilala at hindi kayo espesyal sa akin ay mananatili lang akong isang libro sa inyo." Paliwanag ni Ae.

"Sana all special." Pagsabat ko sa usapan nila.

"After ng dinner niyo ay may training pa kayo. You still have two tasks to finish. Everyday ay kailangan niyong matapos ang iba't ibang set ng limang tasks na binibigay ko and dapat may improvement na kayo like mas bumilis kayo kumilos, mas lumakas kayo, mas naging wais kayo, mas matagal kayo mapagod and so on." Mahabang paliwanag ni Ae.

"Kailangan ba talaga namin maipanalo yung annual maze runner, Ae?" Pagtatanong ko.

"If I were you, mas maganda kung maipanalo niyo iyon dahil mas malilipat kayo sa karapat dapat niyo na section. Hindi lang kayo basta bastang estudyante ng Crystal Academy, mas malakas kayo kumpara sa mga ibang estudyante na nag aaral at nag sasanay dito. 'Di hamak na mas malakas kayo kaysa sa mga kaklase niyo and who knows, na baka mas malakas pa kayo sa mga anak ng Royalties." Nakangising sagot ni Ae.

"Susubukan namin maipanalo Ae para worth it lahat ng training at pagod namin sa mga pinapagawa mo. Pero kung ako ang tatanungin, I'm aiming for fun and learning kasi ayokong mapressure sa annual maze runner na iyon. Mas gusto kong isipin na isang laro lang iyon at marami akong matutunan sa lugar na iyon." Pagsabat ni Rain.

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon