Epilogue: Happy Ending

574 12 4
                                    


6 months later..

"How was Tita, sissy?" Bungad ni Vanessa Kamille sa akin.

"The usual. Stable naman ang kalagayan niya but matatagalan pa siya bago mareleased. Kung sakaling gagaling na siya ay sa presinto agad siya diretso." I answered heavily. Kailangan panagutan ni mommy ang ginawa niya.

"I'm sorry sissy but it was Daddy's decision. Para sa safety nating lahat." Hinging paumanhin sa akin ni Vanessa.

"It's okay sissy. Maski ako, ay 'yon din ang desisyon na gagawin ko. " I smiled at her.

Kagagaling ko lang sa pinagdalhan ni Mommy after the incident.

She was confined. Hindi kasi stable ang pag-iisip niya. Ang love niya kay Daddy turned into obsession. And unfortunately, harmful na siya. Maski ako na anak niya ay nakaya na niyang saktan. How much more Vanessa and Tita Elvie.

Nagkapatawaran na kaming lahat. And I'm getting married na. Do you know Vince Ang? My stepbrother's brother. Yes, it's him. Jonathan.

Walang happy ending kay Nathan at Vanessa. Kasi Sherine came home. Bringing Nathan's son.

Vanessa forgive them and she's also engage with Felix, her highschool crush.

Ang dami kong mali sa buhay na naituwid ko na at looking forward sa pagbabago.

Ang saya pala kapag hindi ka nagtatanim ng galit sa kapwa mo, na walang bahid ng inggit. Iyong kapag nakikita mong umaangat ang mga tao na nasa paligid mo, imbes na pairalin mo ang inggit sa katawan mo ay maging masaya ka  at suportahan mo pa sila.

Ang gaan sa pakiramdam, na napatawad ka na ng mga taong ginawan mo ng mga mali dati. Sobrang sarap sa pakiramdam. 'yong tipong hindi ka na binabangungot dahil napalaya mo na ang sarili mo sa masalimout na kahapon. Ang dating madilim kung mundo ay naging makulay na ngayon.

2 years passed..

"Mabuhay ang bagong kasal!" The crowd shouted in chorused.

It was Vanessa's wedding. I already accepted the fact that she's more beautiful than me but mas gorgeous ako sa kanya. Accurately gorgeous.

Ang ganda niya sa suot niyang traje de boda. Katabi niya si Felix 'yong Korean Spanish sa school namin.. Ubod ng gwapo at kisig din ito. Walang panama ang kapogian ni Kuya Nathan sa kanya.

Si Aunt Celestine ang maid of honor niya.

Walang bridesmaid sa kasal niya, kasi piling pili lang ang imbitado sa kasal nila. Knowing Vanessa, masyadong tahimik at mapribado.

Si Nathaniel Shawn ang ring bearer nila na anak ni Sherine at Nathan.

Ang anak naman ni Joaquin na si  Althea Berenice ang isa sa mga flower girl at ang baby angel kong si Veronica Gaile.

Masayang masaya ang lahat ng tao dito.

Syempre masaya rin ako. Lalo na't, teka, bigla akong napahawak sa tiyan ko. Napangiwi ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Napahawak ako ng mahigpit kay Vince.

"Babe, are you okay?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.

Imbes na sagutin ko siya ay napapikit na lang ako at napahawak sa tiyan ko. Akala ko mild lang ang sakit na nararamdaman ko ngayon kaya pinipigilan ko ang sumigaw. Pero nahihirapan na talaga ako.

Medyo nakatawag na kami ng pansin sa mga ibang dumadalo.

Nagpanic kasi si Vince at ako naman ay napahiyaw sa sakit na nararamdaman ko.

"Ouccchh! Manganganak na ata ako babe!" Impit kong pigil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

Tagaktak na ang pawis ko. Hindi ko na alam kung anong hitsura ko. Basta ang alam ko ay masakit ang tiyan ko.

I can't imagine myself na imbes moment nina Vanessa ngayon ay ako pa ang agaw atensyon ng lahat. At wala na akong pake doon. Kayo ba maglelabor na. Iisipin niyo pa ba 'yon? Lalo na't dalawa ang nasa sinapupunan ko.

After 5 hours..

Nagising ako sa sabayang iyak nang mga sanggol. Dahan dahan kong idinilat ang maganda kong mga mata at bumungad sa akin ang chinito kong asawa na si Vince na karga-karga ang isang cute na bata.

Sa tabi ko ay may isang cute din na bata. Napaiyak ako sa aking nakita. Thanks God they're safe.

"Babe, may masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong ni Vince sa akin.

Umiling lang ako.

"Bakit ka umiiyak?" Nagtatakang tanong niya.

"I'm just happy babe." At dinampian niya ako ng halik sa noo.

"Good to hear you're fine babe. Look at our baby oh." Inilapit niya sa akin ang baby na hawak niya.

Nakita ko na ang pinakamagandang nilalang sa tanang buhay ko. Ang pisngi ng anak kong babae ay katulad na katulad ng pisngi ko dati. May balat din sa mukha ang anak ko. Hinaplos ko iyon. Walang dudang mga anak ko sila. Hinding hindi kita ikakahiya anak. Mamahalin kita ng higit pa sa pagmamahal ng kung sino.

"Gusto kong name niya ay Beatrice Nicole at ang baby boy naman natin ay  Claude Isaias  ." Nag-uumapaw sa sayang saad ko.

"As you wish babe." Nakangiting turan ni Vince sa akin.

Sobrang saya ko. Nahanap ko na at natagpuan ako ng taong hindi ako huhusgahan sa kung ano pa man ang naging past ko. Na may isang taong mamahalin ako ng buong buo. Hindi lang sa panlabas na kaanyuan ko kundi pati na rin sa kung sino ako.

The End.

---

A/N: Super thankyou sa mga nagbabasa ng tahimik. Naappreciate ko po. Walang joke. Thankyou. Tinapos ko na po ang kwentong ito kasi 3 years na rin kasi mahigit e.  Masyadong madrama at may bagong kwento akong ginagawa. Keep on reading. Feel free to vote and comment. Thanks advance.  Lovelots, Viva.

THE BIRTHMARKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon