TB 20: Ang legal, at ang mga illegal.

296 11 0
                                    

Sorry kung maraming characters na singit. Mas mapoportray ko kasi kapag hindi lang puro side ng bida ang mababasa ninyo.

Anyways, enjoy reading. Always late ang update ko kasi busy sa work.

****

Sherine:

Nathan calling..

"What can I do for you sweetie?" Namiss ata ako neto at napatawag kaya sinagot ko agad..

"Nas'an ka?" Seryosong tanong niya sa kabilang linya.

"Nasa pad ko. Why?" Namimiss ata talaga ako ng loko. Kinilig ako bigla.

"Where's Kamille?" Seryoso pa ring sagot niya.

Sus! Akala ko pa naman ako ang kailangan. I heaved a sigh.

"Wala ba diyan?" I seriously ask him too. Hanapan ba ako ng mga nawawala? Hay naku talagang babaitang 'yon. Saan na naman kaya nagpupunta ang babaeng 'yon? Ang paalam niya sa akin ay uuwi na siya.

"Magtatanong ba ako sayo kung nandito na siya?" Medyo iritado ang boses niya. Aba, napakaimpatiko.

"Aba, malay ko. Nagpaalam kasi siya kanina na uuwi." Napipikang sagot ko sa kanya. Ikaw na nga 'tong nagtatanong, ikaw pa 'tong galit!

"Update me kung magpaparamdam na siya ha," Medyo kalma na ulit ang boses niya.

"Teka, whats happening ba?" Confused na tanong ko sa kanya. Kagigil.

"Basta just update me. " At pinatay na niya 'yong tawag.

Kainis! May lovers quarrel ba sila? I doubt it. Never in my entire life na nabalitaan kong nag-aaway sila.

Napaisip tuloy ako. Naku, siguro tama ang hinuha ko. Baka 'yong babae sa kabilang linya ang dahilan. Tsk! Ito na nga ba ang sinasabi ko.

Tapos nagring ulit ang cellphone ko.

Besh Kamille calling..

"Saan ka ba ngayon?" Inunahan ko na agad siyan ng tanong. "I thought you were going home."

"Nah. I'll explain to you later. Are you free tonight?" Mabilisang sagot niya. I really smell something fishy.

"Oo dear, why? Where are you?" Mabilisang sagot ko rin sa kanya.

"Magkita tayo sa Morato mam'yang 10pm." Aba, anong meron at iba ang awra ng besty ko ngayon..

"Huh? Where in Morato?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Parang nakakapanibago naman itong besty ko.

May problema si inday. Bar hopping ata trip. Bet ko. Finally, akala ko abnormal 'tong babaitang 'to.

"Sa Envy. Sa taas ng starbucks. Scout Lazcano." Dire-diretsong sagot niya. For the first time talaga. Nakatapak ba ng tae 'to.

"Okay dear. See you later."
At pinatay na niya agad ang tawag.

Mukhang exciting 'to mamaya. Kaya napagpasyahan kong maliligo na.

Nakita ko kasi sa wall clock ay past 8 na.
Baka matraffic ako sa daan. Nasa fairview pa naman ako.

After taking a bath ay nakita ko na nagmessage si Kamille.

"Samahan mo ako. Mag-inom at kilatisin ang kabit ni Jonathan." 'Yan ang text ni Kamille. Napaawang ang bibig ko.

Sa isip ko, baka may ramble na magaganap mam'ya.

"Hala dear, for real?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Baka kasi pinaprank niya lang ako.

Medyo kabado ako kunti at medyo na-e-excite rin. Gusto ko rin kasi makilala kung sino pa ang other girl sa buhay ni Nathan, maliban sa akin. Oh yes! Akala kasi ni Kamille matino ang boyfriend niya.

THE BIRTHMARKDonde viven las historias. Descúbrelo ahora