TB 8: Koneksyon sa buhay.

455 12 0
                                    


Sherine:

"Insomnia sucks! " pagrereklamo ng isipan ko. Kanina pa ako hikab ng hikab pero hindi pa rin ako dinadalaw nang antok. Kung ano- ano na lang ang ginagawa ko, nagbasa nang libro, nanuod nang movie, hindi naman ako uminom ng softdrinks at kape para lang makatulog pero walang epekto pa rin.

Sinipat ko ang orasan sa dingding ng aking kwarto, past one na pala ng madaling araw.

Daig ko pa ang nakahithit ng katol. Nauurat na ako. I forced myself to sleep. I slowly closed my eyes. Medyo naglight ang pakiramdam ko at parang inaanod na ang katawang lupa ko sa ibang mundo ng bigla akong makarinig ng mga mahihinang ungol, pinakinggan ko ng mabuti kasi iniisip ko na baka hallucination ko lang iyon o nag- iimagine lang ako dahil medyo groogy na ang pakiramdam ko kasi hindi pa rin ako dinadalaw ng antok pero palakas nang palakas ang ungol na naririnig ko.

"Tsk!" I groaned. At naalala ko na nandito pala si Besty.

"OMG! Binabangungot si Kams." Late na nag sink in sa utak ko at napabalikwas ako ng bangon sa higaan ko. Diretso takbo agad ako sa kabilang kwarto at walang pakundangang sinipa ko ang pintuan ng tinutulugan niya.

"Plakda ang beauty ko sa sahig. Walanghiya naman oh, hindi pala nakalock ang pinto. Ang engot ko sa part na 'yon." Natatawang wika ko sa sarili ko.

"Anak ng patis Kams! Besty gisinggg!" Niyugyog ko na siya pero hindi pa rin siya nagigising

"Besty! Sorry, sana mapatawad mo ako sa gagawin ko pero wala na akong ibang paraan para magising ka sa bangungot mo." Kausap ko sa kanya kahit alam kong hindi niya ako naririnig.

" Kams, gising! " Isang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya sabay sigaw. At nagmulat siya ng mga mata.

"Hayst, finally nagising ka rin. Hooo! Ano ba besty tinakot mo ako ng sobra. " Simangot ko sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag.

"Sorry besty, pero." Hinging paumanhin ni Kams sa akin.

Napatigil siya sa pagsasalita.

"Besty? Uy! Gising ka na ba talaga?" Untag ko kay Kams.

"Ha? Ah eh. Ano nga ulit ang sinasabi mo?" Wala sa sariling sagot niya.

"Blema mo? Tahimik ka na dyan. Ano ba napapanaginipan mo't napapadalas na 'yan ah." Nag- alalang sabi ko sa kanya.

Imbes na sagutin niya ako ay nakatulala lang siya. Naku, ano bang nangyayari sa babaeng ito. Nababahala na talaga ako. Kung ano- ano pang binabanggit niya. Naweweirdohan na ako kay Kams. Hindi ko rin alam kung anong bumabagabag sa isipan niya at lagi ko siyang nahuhuling nakatingin sa kawalan. Parang may malalim na iniisip. Na sa sobrang lalim nito ay nahihirapan na ata siyang umahon.

"Besty? Best, kung may bumabagabag man sa isipan mo, ay sabihin mo naman sa akin oh. Ang hirap mangapa ng hindi ko alam kung anong kakapahin ko o may dapat ba talagang makapa, " pagsusumamo ko sa kanya. Naguguluhan kasi ako sa kanya. Nahihirapan akong basahin ang mga kinikilos niya. Hindi ko na nga alam kung papano ko siya icomfort.

Nilingon niya ko at tinititigan. Ito na naman siya at tagos sa akin ang mga titig niya. Gloomy talaga ang mala-abo niyang mga mata ngayon. Sayang naman at mabaliw siya, e ang ganda ganda kaya niya. E teka baliw? Nababaliw na ba si Kams? Whoaaaaa! O ako na siguro ang nababaliw kakahula kung anong nangyayari sa kanya? Naku, h'wag naman sana.

"She," mahinang sambit niya sakin.

"Oh? Kams bakit?" Halos pabulong ko ring sagot sa kanya.

"Na-a-alala mo pa ba?" Pabiting sagot niya sakin.

"Ang alin?" Nakakunot noong sagot ko sa kanya.

"Iyong lageng kinukwento ko sayo dati," parang wala sa sariling wika niya.

"Ang dami kaya n'on. Alin ba d'on?" Medyo iritadong sagot ko sa kanya.

" Iyong lage kong napapanaginipan." Maikling sagot niya pero parang nahihiwagaan ako sa inaasta niya ngayon.

"Ahh 'yon ba? Iyan ba 'yong laging naghahaunt sayo ngayon sa panaginip mo?" Curious kung tanong sa kanya.

Nag nod lang siya sakin. Tapos.. makikita mo sa hitsura niya na hindi siya mapakali.

Naiinis ako kasi hindi ko siya magets. She's so unpredictable. Lately, I find it hard to read what's on her mind or what was happening with her.

"May bago akong napanaginipan She," mahinahon pa ring wika niya.

"Ano? Nakaharap mo na ba ang dalagita sa panaginip mo? Anong hitsura? Sinong kamukha niya? Kilala mo ba siya?" Sunod sunod kung tanong sa kanya.

Bumuntong hininga lang siya. Tapos umiling.

"Napakasarap mong kausap noh?" Nagsmirk ako habang kinakausap siya.

"Pero..." pabiting sagot ni Kams.

"Pero ano besty?" Naiinis na ako talaga.

"May mga bagong tao akong nakikita sa panaginip ko." Pabitin na namang sagot niya sakin.

"Sino- sino sila besty? Anong mga hitsura nila?" Naging mas interesante na ang mga pabiting kinikwento niya sa akin ngayon. Parang palabas sa television, maraming kapakapanabik na mga eksenang dapat kung abangan.

Tumingin siya sakin. Parang nangungusap ang mga mata niya.

"Haler?! Besty naman! Nakakapanibago ka na ha. Nakadrugs ka ba? Ibang iba 'yong aura mo ngayon!" Inis kung salita sa kanya.

Tumawa siya ng pagak.

"Sorry, but it seems that they're connected with my past. I could feel the pain, how the lass in my dream feels.. Familiar sa'kin ang mansyon. Ang naka-peach na dalagita at ang tinatawag niyang mom at meron pang isa," Pambibitin na naman niya.

"Sino naman ang isa?" Tanong ko ulit sa kanya.

" I couldn't remember where we've meet before but ewan ko ba parang matagal ko na siyang nakilala. Parang may something sa kanya na hindi ko maipaliwanag.." Nakatungong sagot ni Kams. Tila nag-iisip, pinipilit niya siguro alalahanin ang bagong karakter na lumabas sa panaginip niya.

"Kung mapapanigipan ko ulit siya. Marami akong gustong itanong sa kanya. Feeling ko kasi marami siyang alam sa buhay ko. The way she stare at me, I could see longingness in her eyes. Parang may gusto siyang sabihin sakin. Nagising lang kasi ako e." Parang may himig na panghihinayang sa paraan ng pagkwento niya.

"Wow Kams ha. Parang naninisi ka pa na ginising kita. Ungol ka kaya ng ungol. Binangungot ka kaya. Tapos sasabihin mong bakit nagising ka pa? Ano kaya 'yon?" Pagtatampong sagot ko sa kanya.

"Sensya ka na besty. Ang gulo ng isipan ko ngayon." Nangalumbabang sagot niya sakin. Ang moody talaga ng kaibigan ko.

"Don't worry best, dito lang ako sa tabi mo when you needed me. Okay? " pang- aalo ko sa kanya.

Tango lang ang isinagot niya.

"Sino kaya ang mga tinutukoy niya? Sumasakit kilay ko kakaisip sa mga kinukwento niya sa'kin.

Simula pa noong mga highschool pa lang kami ay laging ganyan ang mga panaginip niya at ngayon hinahaunt talaga siya. Siguro may koneksyon ito sa naging past niya. Ni hindi pa kasi siya nagkwento sa akin about sa kabataan days niya. Oo magbff kami, pero hindi ko rin inuungkat ang mga bagay na 'yon sa kanya. I respect her privacy. Hinayaan ko na lang sya na baka balang araw ay magkaroon siya ng lakas ng loob na magkwento sa'kin ang tungkol doon.

Sa ngayon ay matutulog na muna ako kasi iinform ko pa bukas si Nathan about sa kalagayan ni Kams.

---
A/N: Goodnight readers. Kung meron man. hihihi. Sana hindi maputol 'to.

THE BIRTHMARKWhere stories live. Discover now