TB 5: Palyadong pang-aakit

596 24 0
                                    

Antonette:

Pagkatapos kong magbihis, chineck ko agad iyong bag ko. Kinalkal at kinapa-kapa ang nais kapahin, at ng nakapa ko na.

Dali-dali kung pinindot ang switch button at malas sa lahat ng malas ay drain ang battery ko. "Hayst, ano ba yan. Wala pa naman akong dalang charger." Inis na wika ko. Kung kailan kailangang kailangan ko saka naman hindi ko madadala.

Makahiram nalang kay pogi mamaya. Hmm, ngayon nalang para habang kumakain ako ay magkaro'n na siya ng battery.

Tumayo agad ako at lumabas ng kwartong tinutuluyan ko.

Lumapit sa ref at inabot ang switch sa taas neto at nagsimula ng magsalita. Akala mo switch ng ilaw pero intercom pala.

Nagulat ako ng may biglang magsalita. "Anong kailangan mo?" Boses ni pogi.

"Ahh e, a--no.." nauutal kong sagot.

"Inuulit ko, Anong kailangan mo sa'kin?" Halatang iritado ang boses ni pogi. Mukhang nadistorbo ko ata siya sa ginagawa niya..

"Ano kasi.. Ahm, Ano may extra charger ka ba dyan?" Nag-aatubiling sagot ko sa kanya.

" Meron. Bakit?" Iritado pa ring sagot niya sa akin.

"Pahiram naman kung pupwede. Need ko kasing tumawag sa'min e. Baka nag-aalala na si Nanay sakin." Kailangan kong galingan ang pakikipag-usap dito dahil mukhang pinaglihi ata 'to sa kasupladohan.

"Okay. Kunin mo dito sa taas," naiiritang sagot niya.

"Okay. Sige, papunta na ako dyan." Kinapalan ko na talaga ang pagmumukha ko.

Pagkatapat, ko sa pintuan ng kwarto niya ay kumatok agad ako. Nakatatlong katok ba ako ng biglang siyang nagsalita.
"Pasok! Bukas iyan, " mahinahon pero ma-awtoridad ang boses niya.

Pinihit ko ang doorknob at sumilip sa awang ng pintuan ng kwarto niya. Tumambad sa akin ang isang queen sized bed at si pogi na nakasandal sa sandalan ng higaan na nakaboxer shorts lang.

Oh my! Ang ganda ng katawan niya. Naghuhurumintadong sigaw ng isip ko.

Sa lap neto nakapatong ang laptop. Sobrang busy ito sa kaka-scan ng kung ano, ni hindi man lang ako matapunan ng pansin.

Nilapitan ko siya at nakita ko ang mabalbon niyang mga hita at napalunok ako. Mabalahibo rin ang chest niya.

Napahanga ako sa ka sexyhan ni pogi. Ang sarap sigurong makulong sa mga bisig neto. Sobrang lapad. Naglakbay na ang aking diwa kakatitig sa katawan niya ng bigla siyang magsalita.

"Ano nga ulit ang kailangan mo?" Sabi niya na hindi pa rin nag -aangat ng tingin sa'kin.

Napatigil ang pagpantasya ko sa katawan niya at, "Ah, eh kako kung may extra charger ka," pagpapacute na sagot ko sa tanong niya. Baka mabighani siya sa'kin.

"Kunin mo d'yan sa ilalim ng drawer ng cabinet na nasa gilid mo," simpleng sagot niya na hindi man lang ako matapunan ng tingin.

Agad-agad ko binuksan ang drawer at may nakita akong dalawang charger sa loob neto.

"Alin dito ang ipapahiram mo sa akin?" Nagpapapacute ko pa ring tanong sa kanya.

"Kahit alin dyan," Hindi pa rin siya nag-a angat ng tingin.

Medyo nakaramdam ako ng pagkainis sa kanya kasi hindi man lang ako matapunan ng pansin ng lalaking ito. Napakamanhid naman nito.

Kaya may naisip akong tiyak na magugustuhan namin pareho. Kaya ang ginawa ko.

Pagkakuha ko ng charger, isinara ko ang drawer tapos kunwareng haharap ako sa kanya at nagkunwari akong medyo na out of balance at syempre maski ako nagulat kasi napasobra ang ginawa kung pag-ikot at," Ayyyyyyy!" Dumiretso ang landing ko sa ibabaw ng laptop niya.

Napadapa ako. "Anak ng tipaklong naman oh," inis na sabi niya. Malamang nadistorbo ko lang naman ang ginawa niya.

Hindi ako makakilos, napasubsob kasi ang mukha ko sa kama at 'yon pang ibabang part ng katawan ko ay nasa ibaba ng kama niya.

Ang isang kamay ko nasa tiyan niya at ang isa nakadagan sa takip ng laptop..

"Ang clumsy mo naman kumilos," naalibadbarang sigaw niya.

At ang kasunod niyang ginawa, hinawakan niya ako sa balikat gamit ang isang kamay niya at ang isang kamay niya ay pinailalim at hinawakan ang kabilang balikat ko, sabay angat sa akin.

Hindi ako nakapaghanda sa ginawa niya kaya napatukod ako sa puson niya at sa pangalawang pagkakataon, bigla niya akong binitawan at kunot noong tinitigan.

Napatihaya ako sa ibabaw ng lap niya.

"So--sorrryy." Hinging paumanhin ko sa kanya. Ang epic naman ng ginawa mo 'tonette, kastigo ko sa sarili ko.

Hindi niya ko inangat ulit pero hinayaan lang niya ako sa gano'ng posisyon.

Nagkatitigan kaming dalawa. Hinagod niya ako ng tingin mula sa mukha ko hanggang sa hita ko at pabalik sa pagmumukha ko. Bigla niyang ipinilig ang ulo niya at huminga ng malalim at tinitigan ulit ako. Bakas sa expression ng pagmumukha niya ang pagkairitado pero kakaiba ang sinasabi ng kanyang mga mata. Hindi ko matukoy pero may something dito na pilit niyang tinatago. Mga ilang minuto rin kaming nagkatitigan, nang bigla ulit siyang nagsalita.

"Ano? Wala ka na bang balak tumayo dyan? At feel na feel mo pa ang pagkadagan mo sa mga hita ko? Uy babae, kung hindi mo alam ay ang bigat mo, para kang kumakain ng bato sa sobrang bigat, kaya bumangon ka na. " may diing lait niya.

"Ah eh, babangon na." Napahiya ako sa pang-iinsulto niya sakin kaya nauutal akong sumagot sa kanya at agad agad na bumalikwas ng bangon.

"So--sorry ulit." Panay tungo ako sa harapan niya. Pumalya ang plano ko. Napakamanhid naman kasi ng lalaking ito.

"Okay next time. H'wag kang pa-clumsy clumsy kong kumilos. Sayang maganda ka pa naman." Aba, kanina lang ininsulto niya ako tapos ngayon pupurihin naman niya ko.

Hindi ko mapigilang kiligin. Nag-angat ako ng mukha at nginitian siya.

"Salamat, Akala ko hindi mo napapansin." Pangising sagot ko sa kanya. Pero hindi pa rin siya ngumingiti.

Tinitigan niya lang ako. Ako naman ay medyo nailang sa ginawa niyang pagkatitig sa akin. " Bababa na ako. Salamat dito." sabay angat ng charger at
nahihiyang tumalikod na sa kanya.

"Okay. Susunod na rin ako sayo mamyang kunti." Mahinahon niyang pahabol na wika sa'kin.

"Ha?" Wala sa sariling sagot ko sa kanya.

"Ang sabi ko, ay bababa na rin ako at ligpitin ko lang itong mga gamit ko at nang makapagluto na. " diing sabi niya.

"Ah, oh. E sige, magsaing na ako at ikaw na ang bahala sa ulam mamaya." Nakatalikod kong sagot sa kanya.

"Sige." Mahinang tugon niya.

Pagkarinig ko sa maikling sagot niya ay nagmamadali na akong lumabas ng kwarto niya.

THE BIRTHMARKWhere stories live. Discover now