TB 26: Gate Crasher

302 10 0
                                    

Kamille:

3 months after...

Unti-unti ng naghihilom ang sugat ng kahapon. Hindi ko pa rin maimagine na iyong taong halos ituring ko ng kapatid ay 'yon pala ang taong tutuklaw sa akin.

Wala na akong balita kay Nathan..

Si Sherine naman ay nag migrate na sa Canada..

Ayon kay Wacky, weeks after nang nagpaalam ako sa kanilang magbakasyon sa Ilo-ilo ay pumunta doon si Sherine. Hinahanap ako at humihingi nang kapatawaran, na bago raw siya umalis sa ibang bansa ay magkausap kami ng masinsinan. Pero hindi pa kasi ako handa para patawarin siya.

Highschool palang kasi kami ay may gusto na talaga siya kay Nathan which is hindi niya sinabi sa akin. I was her bestfriend. Edi kung alam ko n'ong una pa lang na type niya si Nathan ay nag- give way na sana ako.

Si Felix kasi talaga ang crush ko n'ong highschool. Siya iyong class president namin before pero dahil hindi ko pa naman kilala pa masyado ang sarili ko noon, kaya hindi ko napagtuunan ng pansin and then I met Nathan at sa kanya na umikot ang mundo ko. N'ong mga panahon na nasa stage ako na paghe-healing ng mga nakaraan ko.

***
Isang araw, ay isang bisita ang hindi ko inaasahang dumating. Kasama siya ng mga Aunties ko with Wacky of course.

Gaya nila Auntie Eliza and Aunt Tine ay mangiyak-ngiyak din ito ng makita ako.

I was clueless. Familiar kasi sa akin ang hitsura niya. Kaya lang, hindi ko siya matandaan. I don't know where did I met him. Yes, you heard it right. It's a him. He's an old man, about 50's I guess. My heart suddenly melt when he called me, "MY DAUGHTER."

Ang taong kaharap ko ngayon ay walang iba kundi si Daddy Theodore ko. We hugged each other tightly. Undaunted tears falling..

I'm so happy. Superb happy. Wala na atang mapagsidlan ang tuwang nararamdaman ko ngayon.

"You really look like your Mom," puno ng pagmamahal na hinaplos niya ang pisngi ko.

"Surprissseeee!" Sigawan nila Auntie.

"Happy Birthday Vanessa." Sabay-sabay ulit silang sumigaw. Oo nga pala. Birthday ko pala ngayon. I almost forgot my birthday.

Nasurprisa talaga ako. Maski ako nakalimutan ko na birthday ko na pala ngayon. This is the best birthday of my life.

At talagang pinaghandaan nila. May mga cakes at balloons pa silang nilabas sa kung saan nila itinago. May mga regalo rin silang bitbit. Iniisa-isa nilang nilabas iyong mga foods. Masyadong marami para sa aming lima.

Walang sawang kwentuhan. Kinukwento ni Papa kung gaano ako ka cute dati. Kung gaano sila kasaya dati ni Mama n'ong dumating ako sa buhay nila. Ang dami naming pinag-uusapan. Nagplano pa nga kami kung kaylan kami papasyal at syempre kasama iyong dalawang Aunties ko at si Wacky.

Sa kalagitnaan ng selebrasyon, lahat kami napalingon sa pintuan ng makarinig kami ng mahihinang katok.

"May iba pa po ba kayong inimbitahan sa birthday ko? " Tanong ko kay Aunt Eliza.

Iling lang ang sagot niya sa'kin at tiningnan si Aunt Tine.

"Wala naman akong ibang pinagsabihan. Ikaw ba Wacky?" Baling ni Aunt Tine kay Wacky.

"Wala po Tita. Hindi ko pa naman naipakilala si Vanessa sa mga kaibigan ko. At mas lalong hindi ko siya inimbitahan kasi sabi ni Vanessa sa akin ay h'wag ko muna pa ipaalam sa kanya ang totoo." Mahabang sagot ni Wacky samin.

"Hindi kaya si Sherine, Ate?" Tanong ni Aunt Tine kay Aunt Eliza.

"O baka si Nathan." Maiksing sagot ni Aunt Eliza.

"Pero impossible, hindi naman nila alam ang lugar na 'to. Maliban nalang kung naisama mo na sila dito Vanessa." Sabay-sabay silang napatingin sa akin.

"Naku po, wala pa po akong ibang pinagsabihan na may bahay tayo dito." Clueless kong sagot sa mga tanong nila.

"Ang mabuti pa ay buksan natin ang pinto, para hindi na tayo magtanungan pa kung sino ang unexpected guest natin." Nagpresenta na si Aunt Eliza na siya na ang magbubukas ng pinto.

Pero 1 minuto nalang ang lumipas ay hindi pa nakabalik si Aunt Eliza.

Kaya susundan na sana namin si Aunt Eliza nang may isang ginang ang biglang pumasok. Nasa likuran niya si Aunt Eliza, tahimik lang ito.

Hindi ko siya kilala. Pero kung makatingin siya sa'kin ay parang kilalang-kilala niya na ako. Sa tindig at pananamit pa lang niya ay napaghahalataan mo na isa siyang elitistang matapobre. Halatang peke ang mga ngiti sa labi niya ngayon.

Tiningnan ko ang reaksyon nila Aunt Tine at Wacky. Walang kahit ni isa sa kanila ang umiimik. And then Papa came out from the kitchen at nakita ko ang pagkagulat sa hitsura niya.

"Pa'no mo nalamang nandito ako?" Gulat pa ring tanong ni Papa sa babaeng kaharap namin.

" I heared from my sources na buhay pa pala ang unica hija mo. That's why I'm here. Gusto ko rin siyang makita, ni hindi mo man lang sinabi sa akin." May himig pagtatampo sa boses neto.

"Pasensya na Marga, ayoko na sana kitang abalahin pa, kaya mas inuna ko munang makasama siya saka ko na sana siya ipakilala sayo ng personal after namin magbonding." Parang hindi natutuwa si Papa na nandito siya.

Si Tita Margaret pala ang babaeng 'to. Ang gate crasher sa birthday ko.

"Well! Hi hija, Happy Birthday. Welcome back to the family." Bati niya sakin at nakipagbesohan.

I could sense na fake lang ang ngiti niya sa'kin. Obviously, pati iyong mga nandito ay hindi rin natutuwa sa presence niya. Biglang nag-iba ang kinikilos ng mga kasama ko. May ilangan ng nagaganap.

"Thankyou po, " matipid kung ngiti sa kanya. Ambigat kasi ng loob ko sa kanya. Mahirap ipaliwanag.

At inabot niya sa'kin ang regalo niya. Isang mahabang box. Napakalaki naman neto. Ano kaya ang laman neto?

"Open your gift Iha." Napakaplastic talaga ng mga ngiti niya.

Binuksan ko isa-isa ang mga gift nila sakin.

Ang regalong binigay ni Tita Marga muna ang inuna ko, dalawang gown ang laman neto na may kasamang stilettos na magkaparehas ng kulay.

Ang regalo ni Wacky naman sa'kin ay running shoes na color gray na may halong red.

Shoulder bag naman ang gift ni Aunt Eliza sa akin at isang hand-made na wallet ang binigay ni Aunt Celestine. At kay Papa naman ang pinakabongga sa lahat, binigyan niya ako ng ticket for 5 Tour to Europe.

Grabe ang dami naman neto. Sobrang saya ko na sana ngayon kundi lang dumating si Tita Marga.

"I want you to wear those gowns on your welcome party and by the way, Theodore please say no to this because I already prepared everything. Triple celebration." Aba, nagpaplano siya ng siya-siya lang. Ni hindi man lang niya hinayaan si Papa na makapagreak.

"I'm expecting you three to come. " Mataray niyang turan sa mga Aunties ko at kay Wacky. Puro tango lang ang tugon ng mga ito sa kanya.

"Teka po, bakit triple celebration?" Takang tanong ko.

" Welcome party mo at kay Abbygail, she's coming home from nowhere and me, of course. Thanksgiving party because your alive! " Nakangiting sagot niya.

"Parang too much naman po. " Honestly, ayoko nang party. Mas okay ng kami -kami nalang sana.

"No, my decision is final!" Medyo may diing wika niya..

THE BIRTHMARKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon