TB 4: Ang nakaraan

656 23 0
                                    

A/N: please h'wag po kayong maconfused sa kwento ko.

Flashback

Taon 2005

"Dodoblehin ko, ang ibabayad ko sa inyo basta gawin n'yo ang lahat ng inyong makakaya para matagpuan ninyo ang aking mag-ina.

Wala akong pakialam kung maubos ang aking kayamanan basta mahanap niyo lang sila." Pagsusumamo ni Theodore sa mga alagad ng batas.

Parang pinunit ang puso ko ng makita ko ang kalagayan ng bestfriend kong si Theodore.

Walang suklay na buhok, nangangayayat, malalim at maitim na mga mata dahilan sa ilang gabi at buwan na walang tigil sa kakahanap kay Elvie, ang may bahay niya.

Dalawang taon mahigit na rin kasi ang nakalipas simula ng mawala si Elvie at ang siyam na taong gulang nilang anak na babae.

Hindi ko rin naman siya masisisi. Highschool sweetheart niya kasi si Elvie.

Saksi ako sa pagmamahalan nilang dalawa kaya siguro ganyan na lang ang pagkalugmok ng bestfriend ko. Hindi pa rin niya matanggap na wala na ito. Mahigit two years na at hindi pa rin namin ito nakikita.

Kaya hindi siya dapat nagpabaya sa sarili niya..

Pati 'yong tungkulin niya bilang isang doktor ay napabayaan na rin niya nang dahil sa nawawala niyang mag-ina.

Pero bakit pa niya hinahanap iyon. Kung tutuusin ay nandito naman ako.

Bakit hindi na lang niya sa'kin ituon ang atensyon niya?

Kaysa hanapin ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang iwanan siya. Kung buhay man si Elvie ay noon pa sana ito bumalik. Kaso wala kahit anino nito ang lumitaw. Kaya bakit pa ba siya magsasayang ng oras sa taong matagal ng wala.

Nandito naman ako.

Handa akong i-alay ang puso't kaluluwa ko sa kanya at punan lahat ng pagkukulang ni Elvie bilang asawa niya.

"Umuwi na tayo Theodore. Ipagpabukas na lang natin ang paghahanap. Malalim na ang gabi." Pang -aalo ko sa kanya. Nakakasawa na ang ganitong eksena pero hindi ko siya magawang iwanan. Hindi ko siya kayang pabayaan.

"Ayoko! Hindi akong pwedeng matulog na lang at basta basta na lang uupo na walang ginagawa! Habang ang mag-ina ko---- no! hindi ko alam kung nasaan na. Kung nakakatulog ba sila ng mahimbing sa gabi, nakakain ng maayos, kung nasa mabuting kalagayan ba sila. Huhuhuhu." Hagulhol ni Theodore.

"Ano ba Theodore! Nakikita mo na ba ang sarili mo sa salamin?! Mukhang zombie ka na! "Asik ko sa kanya. Naiirita na naman ako sa katigasan ng ulo niya.

"Onga po Sir, tama po si Ma'am. Kami na po ang bahala sa paghahanap. Hindi naman po tumitigil ang mga staff ko na halughugin lahat ng pwedeng mahalughog para mahanap lang po namin ang mag-iina ninyo." Pagpapaunawa ng police.

"Huhuhuhuhuhuhu! Margaret, hindi ko na alam ang aking gagawin. Nasan na ba kasi si Elvie? Ano na kayang nangyayari sa kanila ng anak ko? Ligtas lang kaya sila?" Paninibugho ni Theodore. Nakakahabag ang hitsura niya ngayon.

"Shhhhh.. tahan na bes. Don't stress yourself too much. I'm here, I'm always here when you need me or not. As of now, let's go home and rest. You need to sleep. You badly need it. Look at yourself, nabawasan na ang kagwapuhang taglay mo, ang kakisigan at ang masayahing Theodore." Pang-aalo ko ulit sa kanya. Kailangan na talaga namin umuwi.

Tiningnan niya ako ng pagsang- ayon at tumango. Salamat naman at tumalima na siya.

Lumabas kami ng Police station. 'Hayst, Finally, makapagpahinga na rin. Sana makalimutan na ni Theodore si Elvie.' Sa isip ko.

Sa loob ng sasakyan..

Ako ang nagmamaneho kasi aasa pa ba ako dito sa kasama ko, e parang pinagkaitan ng langit at lupa na 'to e.

Katahimikan na naman sa loob ng sasakyan.

As usual, nakatulala na naman siyang nakatingin sa kawalan.

Ginagap ko ang kamay nya. Nginitian ko sya. Pero sandali lang iyon kasi ibinalik ko agad ang tuon ko sa pagmamaneho.
Pero hindi ko pa rin binitiwan ang pagkahawak ko sa kamay niya.

Tiningnan niya ko.

Nginitian ko ulit siya. This time ngumiti sya. "H'wag kang mag-alala dito lang ako Theodore. Ang kalungkutan mo ay kalungkutan ko na rin. Mahal kita bes, kaya please fix yourself for me. Nasasaktan ako ng sobra kapag nakikita kitang nagkakaganyan. Please.." pagsusumamo ko sa kanya.

"Sisikapin ko Margaret pero hindi ko pa rin alam. Masakit pa rin para sa akin ang biglaang pagkawala nang mag-iina ko. Mababaliw ata ako. Salamat at hindi mo ako pinababayaan. " sagot niya.

At sabay salikop sa kamay kung nakahawak sa kamay niya.

Napangiti ako. Sana magtuloy tuloy na 'to Theodore. Sana makalimutan mo na siya ng tuluyan. Ayokong mawala ka ulit sakin ng dahil pa rin sa babaeng 'yon. Mas hindi ko na makakaya pa kapag ikaw ang nawala. Mga salitang hindi pa panahon para i-open. May tamang panahon para sa mga bagay bagay. Sa ngayon gagawin ko ang lahat para makalimutan mo lang siya. Kung ibibigay ko ulit ang katawan ko sayo ay gagawin ko basta sa'kin na matuon ang buong atensyon mo. Sa akin lamang. Ako lang dapat ang mahalin mo Theodore. Ako lang!
Hindi na ako makakapayag na maagaw ka pa ulit ng iba sa akin. Sakim na kung sakim pero nakapagdesisyon na ako at buo na ang desisyon ko. Napangiti ako ng nakakalokong ngiti.

Sinulyapan ko si Theodore habang nakapikit at may ingat na hinaplos siya sa pisngi.

"Mahal ko, nandito na tayo." Nagmulat s'ya bigla ng mata at tinitigan akong mabuti.

Nangungusap ang kanyang mga mata.

Tinititigan ko siya na namumungay ang mga mata. "Tara na sa loob at ng makapagpahinga ka na," Malambing kung pagkasabi ko sa kanya.

Nagmamadali akong umibis ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto. Tinititigan pa rin niya ako na nangungusap ang mga mata.

Hinila ko siya at nagpatianod siya sa paghila ko sa kanya.

Ito na ang magiging simula ng lahat.. At, hinding hindi ko na hahayaang papalampasin pa ang pagkakataong ito..

THE BIRTHMARKWhere stories live. Discover now