TB 7: Ang Panaginip

529 17 0
                                    

Kamille:

Nandito na naman ako, sa isang pamilyar na kalsada, naglalakad.

Hindi ko alam ang lugar na gusto kong puntahan pero ang mga paa ko ay nagpatianod sa kung ano mang mahika na ginamit ng sinuman kaya hinayaan ko na lang.

Tumigil ako sa tapat ng isang napakalaking mansiyon..

At.. sa hindi kalayuan ay may nakita akong isang dalagita  na sa hinuha ko ay mga nasa labing limang taong gulang na.

Ang mahaba na mala-telepono niyang buhok ay nililipad sa hangin na binabagayan ng kulay na burgundy. Nakasuot siya ng lumang navy blue na dress na hanggang hita at isang pares ng sandals. Hindi ko makita ang kanyang buong mukha kasi nakatagilid lang siya at parang may kung ano siya sa pisngi niya.

Naglakad siya. Lumapit sa gate ng mansiyon at nag- aabang.

Pinagmasdan ko lang siya. Parang naka-glue ang mga paa ko, habang hinihintay ko ang susunod na mangyayari.

Naghintay ako ng 5 minutes..

30 minutes...

Pero hindi pa rin umaalis ang dalagita sa tapat ng gate ng mansyon.

Matiyaga akong nag- antay. Sinipat ko ang aking relong de pulso.

Sakto naka- isang oras na akong nakamasid sa kanya, hanggang sa may nagbukas ng main door at may lumabas na isang dalagita rin.

Sa hinuha ko din magkasing edad lang sila.

Itim na itim ang tuwid at mahabang buhok neto.

Nakasuot siya ng kulay peach na dress.

Hindi ko masyadong makita ang mukha neto kasi medyo malayo ang kinatayuan kong pwesto.

Nagmamadali siyang lumapit sa dalagita sa labas ng gate. Nakita kung pinaalis niya ito.

"Bakit ka nandirito? Diba sabi ko sayo ay 'wag ka ng bumalik pa dito!" Taboy niya sa isang dalagita.

"Hindi ako aalis hangga't hindi ko nakikita si Daddy!" May diing sagot ng dalagitang naka navy blue.

"Akala mo ba makikilala ka pa niya  sa lagay mong iyan? Tingnan mo kaya iyang pagmumukha mo. Kung anong sagwa ng balat mo sa mukha dati ay mas malala pa ngayon! Kaya huwag ka ng umasa pa." Ngiting nang-uuyam na wika ng nakapeach na damit  na dalagita.

"Alam ni Daddy na ako 'to. Hindi mo siya maagaw sa akin Abby!" Sigaw ng dalagita sa labas.

"HAHAHAHA! Too late. Wala na silang ibang paniniwalaan kundi ako." Humahalakhak ang dalagitang tinawag na Abby.

"Hindi! Hindi maaari! Hindi ako makakapayag na angkinin mo ang hindi mo pagmamay- ari!" Sigaw ng dalagita sa labas.

"Ddddaaaaaaddd! Daaaaadddyyy! Daaaaadddyyy! " Kalampag ng dalagita sa gate.

Humahalakhak lang ang may pangalang Abby. Ngiting aso siya habang nagwawala sa labas ng gate ang dalagita sa labas.

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam din ako ng matinding galit. Akmang dadaluhan ko na sana ang dalagita sa labas ng may patakbong lumabas ng main door.

"Anong kaguluhan dito?  Baby? Anong nangyayari? At sino itong babae ito?"  Palipat lipat ang tingin niya sa dalawang dalagita.

Si Abby na nabigla from tawang aso to nag iinarteng inaapi.

"Mommy, ginugulo po ako ng babaeng yan. Pinagbibintangan ako ng kung ano-ano." Pekeng iyak ni Abby.

"Ikaw! Sino ka ba at ang lakas ng loob mong pumunta dito at manggulo, ha?!" Sigaw nang mommy ni Abby.

Natulala ang dalagita sa labas.

"Tita, Ako po ito. Si Vanessa!" Humihikbing sagot ng dalagita.

"Ha! Impossible ang sinasabi mong babae ka! Wag ka ng magpanggap. Matagal ng patay ang inaanak kong si Vanessa." nahihintakutang anas nang mommy ni Abby.

"Hindi pa po ako patay Tita. Totoo po ako. Please Tita, maniwala po kayo sakin. Parang awa niyo na po." Hagulhol ni Vanessa.

"Hindi maaari. Six years na ang nakalipas nang mamatay si Vanessa kaya hindi ka totoo. Umalis ka na dito kung ayaw mong ipakaladkad kita sa mga guard sa labas." Hindi mapakali ang mommy ni Abby.

"Tita! Please parang awa mo na! Believe me please! Daaaaadddd, Daddddyyy!" Walang tigil na pagsigaw ni Vanessa.

"Umalis ka na sabi eh!" Paasik ni Abby.

"Abbygail, bakit hindi mo sabihin  kay Tita Margaret kung sino talaga ako?!" Sigaw ni Vanessa.

"Abbygail? Sino si Abbygail, baby?" Takang tanong ng mommy niya.

"Hindi ko po kilala Mom." nakayukong sagot niya.

"Kilala mo ko Abby, wag kang magsisinungalinggggg!" Hiyaw ni Vanessa.

Ewan ko ba kung bakit ako nakaramdam ng poot sa nakikita kung eksena.

At sino ba 'tong mga 'to? Anong koneksyon nila sa buhay ko?

Ramdam na ramdam ko ang bawat kirot na sinapit ni Vanessa.

Hindi ko maintindihan at namalayan ko nalang na umiiyak na pala ako at naging blurred na ang paligid.

Biglang nagbago ang paligid ko. Namalayan ko na lang na nasa loob ako ng isang kwarto.

Isolated na kwarto. Medyo creepy siya.

Dim lang kasi ang ilaw neto.

Kumukurap ako sa bagong mundong napasukan ko. Ewan kung nasaan ako.

Nang medyo nasanay na ang aking mata sa paligid. Naging mapagmatyag ako. Pinaikot ko ang aking paningin. Tumambad sa akin ang makakapal na kurtina...

Kasunod neto ay ang isang higaan.. Isang puting higaan. Isang bakanteng puting higaan..

Nakakaramdam ako ng kaunting pagkabog ng aking dibdib.. Parang may nagmamasid kasi sakin mula sa kung saan..

Palakas ng palakas ang bawat pintig nang puso ko.

Unti- unti ko rin pinaglalakbay ang paningin ko at biglang  may nahagip ang aking mga mata. Nakita ko ang isang taong kalbo na  nakaupo at nakasuot ng damit pang-hospital.

Nakatungo lang siya kaya hindi ko alam kung ito ay babae o lalaki.

Sa kanya napako ang paningin ko. Unti- unting nawala ang pagkabog ng dibdib ko at napalitan ng kakaibang emosyon.

Mga kalahating oras akong nakatitig sa taong kalbo na nakayuko, nang bigla syang nag- angat ng ulo.. Nakaramdam ako ng bahagyang saya o tuwa na ewan.

Isang pamilyar na pakiramdam na matagal ko ng hindi nararamdaman.

Nakapikit lang sya kaya malaya akong tinitigan ang  hitsura niya.

Hapyas ang mga pisngi niya, halatang hindi nakakain ng maayos, matangos ang ilong, maninipis ang tuyot na maputlang mga labi niya, At...Bigla siyang nagdilat ng mga mata.

Tinitigan niya ako at  kitang kita ko sa mukha niya ang galak at pangungulila..

Ang mga mata niya... 

Isang pares ng mga mata na familiar sa akin. Isang familiar na emosyon ang aking nararamdaman pero..

"Beshie? Kamille gumising ka!" Bulyaw sakin ni Sherine ang nabungaran ko ng magdilat ako ng aking mga mata.

Nakaramdam ako ng kirot sa kaliwang bahagi ng pisngi ko. Gulat akong napatingin sa kanya. Pero mukha ng nag-aalalang kaibigan ang nakita ko.

THE BIRTHMARKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon