TB 6: Temptasyon

557 23 0
                                    

Jonathan:

Pagkatapos, naming mag- usap ni Antonette sa intercom ay nakarinig agad ako ng mahinang katok sa pintuan. 'Whoa, Ambilis ah.' Sa isip ko. "Pasok! Bukas yan!" Sabi ko sa kanya.

Narinig ko ang pagpihit ng doorknob at biglang pagluwa ng ulo ni Antonette sa pintuan. "Ano nga ulit ang kailangan mo?" Tanong ko sa kanya.

Sinadya kong hindi siya tingnan pero lingid sa kaalaman niya ay sinimulan ko nang kilatisin ang suot niya ngayon. Suot- suot niya ang T-shirt ko na pinaparesan niya ng maiksing shorts ni Kamille. 'Hmmm, infairness ang ganda ng hugis ng mga hita niya, halatang halata na nag gym siya. At hindi rin lingid sa akin ang pasimpleng pagtitig niya sa katawan ko. Nakaboxer shorts lang kasi ako ngayon, laptop lang ang tanging nakatakip na nakapatong sa ibabaw ng mga hita ko.

"Ah e kako kung may extra charger ka ba?" sagot niya sa akin sabay pasok sa kwarto ko.

"Kunin mo lang dyan sa cabinet." Mahinang sagot ko na hindi siya tinapunan ng tingin.

Tinungo niya ang cabinet. Naghalungkat na nakatalikod sa akin. Ang ganda talaga ng bikugang hugis na mga hita niya. Ang puti. Makinis kaya 'yan kapag hinawakan ko? Tsk, ano ba tong mga iniisip ko?'

Bigla siyang nagsalita. "Alin dito ang ipapahiram mo?" Malambing na wika niya. Ewan ko ba pero parang biglang nagtunog sweet ang boses niya ngayon.

"Kahit alin dyan." Mahinang sagot ko sa kanya. Pinipilit ignorahin ang presensya niya.

Katahimikan ulit ang pumagitan sa aming dalawa. Tinutok ko na ulit atensyon ko sa pagbabrowse ng laptop ko, nang bigla na lang tumili si Antonette at sa bilis ng pangyayari ay hindi ko na naagapan, bigla nalang siyang naglanding sa ibabaw ng laptop ko.

Sa gulat ko, " Anak ng tipaklong naman oh!" Hindi pa rin siya kumikilos.

"Napakaclumsy mo naman!" Iritadong wika ko sa kanya. Kunwari naiinis ako.

"So--sorry." Namula ito ay todo ang paghingi nito ng paumahin sa akin.

At walang pasabing hinawakan ko siya bigla sa balikat niya gamit ang isang kamay ko at ang isang kamay ko ginamit ko naman sa pang- angat ko sa kanya. Kaso sa kasamaang palad nang inangat ko na siya ay bigla nalang niya ako tinukuran sa puson kaya agad-agad ko siyang nabitawan. Napatihaya siya sa ibabaw ng hita ko.

Tumigil nang panandalian ang pag-ikot ng oras. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa maamong mukha niya, pababa ang mga mata ko papunta sa mga hita niya. Nagtagal ang mga mata ko sa bilugan at mapuputi niyang mga hita paakyat papunta ulit sa maamong mukha niya. 'Hayst,' pinilig ko ang aking ulo. Ano ba itong nangyayari sa akin?' Yare ka talaga kay Kams, Jonathan! Pagkastigo ko sa isipan ko.

Bigla kasing nagbago ang temperatura sa loob ng kwarto ko. Parang umiihip ang napakainit na hangin at kumalat sa buong katawan ko. Sobrang naiinitan ako bigla kaya pilit kong nilalabanan ito.

" Ano? Wala ka na bang balak tumayo?
At feel na feel mo pa ang pagkahilata dyan sa hita ko? Uy babae, para malaman mo na ang bigat-bigat mo kaya, para kang kumakain ng bato sa sobrang bigat mo." Asik ko sa kanya.

"So--sorry." Medyo nauutal niyang sagot. Namumula na naman ito.

Nagkatitigan kami, parang may nais iparating sa akin ang paraan ng pagkatitig niya sa akin kanina. Kaso parang nasaktan ko ata siya sa mga nasabi ko sa kanya ngayon, pero dapat lang sa kanya iyon dahil kailangang mapigilan ko ito, dahil hindi ito tama.

"Pasensya na ha at salamat dito,"sabay angat nito ng charger na hawak.

"Sige, next time h'wag na maging clumsy ha. Sayang maganda ka pa naman." Hindi ko napigilang sabihin sa kanya iyon. Uhmm, teka bakit ko ba nasabi 'yon? Ay naku Jonathan. Ano ba 'tong pinagsasabi mo? Sita ko sa sarili ko.

"Kala ko hindi mo napapansin." Kinikilig niyang sabi.

Tsk. Mukhang umasa pa si ate. "Okay." matamlay kung sagot.

Nakababa na si Antonette. Pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang eksenang nangyare dito kanina. Parang gusto ko na siyang magstay dito sa bahay. Nakakalungkot kasi walang makausap at makayakap. Sabagay mukha naman type ako ni Antonette. Sa paraan ng pagkatitig pa lang niya sa akin kanina at iyong kilig niya nang sinabihan ko siyang maganda, e halatang halata na type niya ako. At may naglalaro sa isipan ko, total isang buwan namang wala si Kamille ngayon.

Sana hindi na muna umuwi si Antonette.

Ay mali, malaking pagkakamali itong mga naisiisip ko pero bakit ko ba naiisip ang mga ganitong bagay. Malaking pagtataksil kay Kamille itong mga pinag- iisip ko. *reprogram* muna utak ko. 'Erase, erase. Napabuga ako ng hangin. Makababa na nga lang at makakain dahil baka dala lang ito ng gutom.

Dali- dali akong nagbihis at agad- agad pumunta sa kusina pero bago pa ako makababa sa hagdanan ay sumalubong na sa akin ang aroma ng masarap na pagkain. 'Hmmmm, ang bango ah.' Nagutom tuloy ako lalo.

Dumaluhong na agad ako sa kusina at hindi nga ako nagkakamali. Hindi lang amoy ng pagkain ang nakikita ko na masarap din pati na ang magluluto nito. Pilit ko iwinaksi ang nasa isipan ko pero mas nanaig ang pagkalam ng sikmura ko. Umaatake na naman ang pagiging patay gutom ng mga alaga ko sa tiyan. "WOW! Sarap naman neto." Palatak ko at dumalo na sa mesa.

"Patikim ha?" Kahit hindi pa nakasagot si Antonette ay diretso dampot na ko sa pagkaing niluluto niya.

"Hmmm, hindi lang ang amoy ang nakakatakam mas lalo pala kapag natitikman na. Sobrang sarap nga. Pahingi pang isa ha," Kumuha ulit ako.

"Ano nga ulit ang work mo?" Biglang tanong ko sa kanya habang ngumunguya.

"Bakit?" Balik tanong niya sa akin na abala pa rin sa pagluluto.

"Kung wala kang work, pwede ba kita i-hire na tagaluto ko?" Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Taga-luto lang ba need mo?" Nang-aakit na tanong niya ulit sakin.

"Bakit may iba ka pa bang gustong work na applyan sa akin?" Medyo naexcite ako sa takbo ng pinag-uusapan namin ngayon.

"Part time housewife mo." Walang prenong sagot niya habang nakatitig nang makahulugan sa'kin na may kasamang ngiting malagkit.

Napaubo ako sa tinuran niya. Mabilis naman niya akong inabutan ng tubig.

"Mas lalo ka palang gumagwapo kapag namumula ka." Hirit papuri niya sa akin.

Ewan ko ba kung bakit niya sinabi sakin iyon pero ito namang sarili ko ay hindi ko rin mapigilan ngumiti. Ang gaan agad ng loob ko sa kanya.

"Kain na tayo." Dahil naubusan ako ng maisagot sa kanya.

Hindi naman sa bawal akong kiligin kaso mali diba? Taken na ako at hindi ko pa kilala ang babaeng ito pero ewan ko ba kung bakit ang gaan ng loob ko sa kanya. Parang matagal na kaming magkakakilala. Sa tingin ko ay mabilis kaming magkakasundo.

THE BIRTHMARKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon