TB 24: Mga Totoong Taksil

293 9 1
                                    

Kamille:

All my life I'd been looking for answers.
And ito na sa mismong harapan ko.

Actually, pakunti- kunti pa lang talaga ang naalala ko sa past ko. Big help, na rin iyong ibinalita nila sa akin. Atleast, may idea na ako.

Small world. I can't really imagine that my fiancee's mistress is also the girl who ruin my life before.

Good thing, I'm not the mapaghigante type of person. I just want to know the truth.
Gusto ko lang malaman bakit niya nagawa sa'kin lahat ng iyon.

Hayaan ko na muna si Nathan. Unahin ko muna itong buhay ko.

"Oh? Sounds interesting." Kunwareng amaze ako sa nalaman ko. "Care to share?" Ulit kong wika kay Tonette.

"I mean what happen to the girl in the picture? What happen to your face before? " Sunod sunod na tanong ko sa kanya.

Hindi naman siya naging madamot sa katotohanan.

"Okay. Since mukha naman mapagkatiwalaan kita. Makinig ka ha." Nawala ata ang kalasingan ni Tonette.

"Akala ko dati ay ulilang lubos na ako. Sa bahay ampunan kasi ako nakatira. Then, one day may nagpakilala sa akin, ang sabi niya ay Tita ko raw siya. Naniwala naman ako, kasi nga gusto ko na makaalis sa bahay ampunan. Okay na ang lahat e. Sabi niya aampunin niya ako after two years kaya naghintay ako, then biglang dumating itong girl na kasama ko sa picture. And everything has changed. Nalaman ko kasi na siya 'yong napiling ampunin ng kinikilala kong Daddy ngayon. Kaya d'on na nagsimula iyong inggit ko sa kanya. Simula kasi ng dumating siya ay palaging nasa kanya na lahat ng atensyon ng iba without doing some efforts, while me, need ko pa mag- effort para mapansin nila ako. Kaya kinaibigan ko siya kahit ayaw ko sa kanya and nakagawa ako ng isang trahedyang ni sa sarili ko ay hindi ko maisip na kaya kong gawin. Hindi ko rin naman pinagsisihan 'yon. I know she's good. Wala naman siyang kasalanan. Late ko nga nalaman na dalawa pala kaming aampunin nila Tita Mommy. Alam ko ngang nakaligtas siya at alam ko rin na siya 'yong totoong anak ni Daddy. Pero nilihim ko lahat iyon. Kaya inuusig na ako ng konsensya ko. Hindi na ako pinatahimik. Kung mabigyan pa ako ng isang pagkakataon. Gusto ko humingi ng tawad sa kanya. Kahit ano man ang maging desisyon niya ay buong puso kong tatanggapin." Mahabang salaysay niya sa'kin. Maluha-luha pa siya habang nagkukwento sa akin.

"I'm sorry to hear that." 'Yon lang ang nasabi ko.

Pero sa isip isip ko ay willing naman akong patawarin siya pero hindi pa sa ngayon.
Kaagaw ko siya kay Nathan at sobrang sakit sa part ko na ang pinakamamahal kong si Nathan ay naagaw niya sa akin ng gan'on lang kabilis.

Nakauwi na lang ako sa bahay ni Wacky ay lutang pa rin ako. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nalaman ko.

Pero thankful na rin ako na may idea na ako diba? Wait ko nalang talaga na lubusan ng bumalik yung alaala ko.

*****

After six month..

Nagkapatawaran ulit kami ni Nathan.

Pero pina-cancel ko muna 'yong plano naming pagpapakasal.

Nagkita kami ulit ni Antonette sa birthday ni Aunt Eliza. Siya pala ang fling girlfriend ni Wacky.

Kinuntsaba ko ang mga Aunties ko na h'wag muna ipaalam sa kahit na sino ang real identity ko.

Sa tamang panahon..

Nasa SherVin Fresco Gozar Resort kami ngayon. Isang resort na pagmamay-ari ni beshy at nang boyfriend niya.

Yes, may boyfriend na siya na ipinakilala sa'min at nakapangalan sa kanilang dalawa ito.

Mukhang seryoso sa kanya talaga ang boyfriend niya. Nagdouble date kami ngayon dito. May taste rin sa boyfriend si beshy.
Tall, dark and handsome rin ang mga hilig niya. Medyo may pagkakahawig ni Jericho Rosales na parang Daniel Matsunaga. Ito siguro 'yong lalaking lagi niyang kinikita noon.

Nag-inuman kaming apat sa labas, natuto akong uminom simula n'ong time ni Antonette at Nathan pero hindi naman ako naging alcoholic. Moderate drink lang ang kaya ko. Nang lumalim na ang gabi ay saka pa kami nagsipasok sa kanya- kanya naming mga cottage.

Pero hindi pa siguro gaanong katagal na nakatulog ay bigla akong naalimpungatan. May maingay kasi sa sala. Kaya nilingon ko si Nathan sa tabi ko.

Bakit wala siya? Siguro siya 'yong maingay sa salas. Basta nakarinig lang ako ng pagbukas at pagsara ng pintuan. Kaya bumangon ako para i-check. Pa tiptoe akong lumabas ng kwarto.
Sumilip muna sa bintana. Nakita ko si Nathan na nagmamadaling pumunta sa likod ng cottage. Nagtaka ako kung anong gagawin niya doon. Ang alam ko may isa pang bakanteng cottage doon.

Kaya naghintay muna ako ng 15 minutes. Akmang lalabas na sana ako sa pinagtataguan ko ay may dumaan ulit na anino at sa iisang direksyon din ang punta.

Kaya kinutuban na ako. Kaya pa tiptoe ko silang sinundan. Nang makarating ako sa cottage.

Nandoon sila pareho sa loob ng cottage nang taong hindi ko alam kung sino.

Sinilip ko ang bintana na gawa sa kahoy.
Binuksan ko ng kunti. Ang maliwanag na apoy ng gazebo lang ang nagsilbing mata ko sa loob ng cottage.

Iginala ko agad ang aking paningin at nahagip ko ang dalawang nilalang.

Ang dalawang nilalang na malapit sa akin.

Ang dalawang nilalang na pinagkakatiwalaan ko.

Ang dalawang nilalang na bahagi ng buhay ko.

Bakit?

Bakit nila nagawa sa akin ito?

Hindi ko lubos maisip. Planado ba ang lahat ng 'to?

Kung kailan okay na ang lahat. Kung kailan natuto na ulit akong magtiwala.

Bakit sila pa?

Ano bang kasalanan ko para parusahan nila ako ng ganito.

Hindi ko na namalayan na nangilid na ang mga luha ko, na naghahabulan sa pagpatak.

Kitang kita ng mga mata ko ang dalawang nilalang na naghaharutan, naglaplapan sa loob ng cottage.

Dalawang nilalang na sumira ng bago kong buhay.

Ang bestfriend ko at si Nathan.

Narinig ko pa na namimiss nila ang isa't isa. So matagal na pala nila akong ginagago. Matagal na nila akong niloloko.

Front lang ba lahat ang kay Antonette?
Kasi ang totoong mga taksil ay sila pala. Nagngingit ang puso ko sa galit. Mga hayop sila!

Hindi ko na kinaya ang katotohanang bumungad sa akin. Kaya nagmamadali akong bumalik sa cottage namin. Nag- empake nang mga gamit ko. Lilisanin ko na ang lugar na ito at magpakalayo layo.

Pagkakita ko sa tricycle na dumaan.
Pinara ko agad iyon.

"Sa sakayan ng bus Manong." Mabilis kong wika.

Habang nasa byahe ako. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napahagulhol ako ng paimpit. Sobrang sakit. Walang kasing sakit. Sobra- sobra na talaga.

This time. Goodbye Nathan na.
At goodbye friendship na rin.



THE BIRTHMARKWhere stories live. Discover now