TB 28: Planadong Pagdukot

280 11 0
                                    

Kamille:

Pagkabalik namin ng Manila, naghanda na naman ulit ako para sa Bakasyon Grande namin nila Papa at ng mga Aunties ko with Wacky, of course.

Sobrang nag-enjoy talaga ako ngayon. Nandito kasi kami sa Italy. Nakasakay sa bangka habang tinatawid namin ang Venice Grand Canal. Tawanan kami toda max ng biglang may bumangga sa aming isang bangka rin. I don't know kung saan galing iyon. Hindi na namin napansin. Mabuti nalang at safe kaming lahat at expert din ang bangkero dito.

After namin maglayag sa Grand Canal, nagpunta naman kami sa pinakasikat na sementeryo ng Rome. The Vatican Church of our Lady of Mercy; Teutonic Cementery.

Creepy siya pero dinadayo rin ng mga turista.

Pagkaliko namin sa gawing side na may mga maraming halaman ay may namataan akong isang familiar na bulto ng isang tao. Actually, kanina ko pa siya napapansin na nagmamasid sa amin.

Tama, nakita ko na siya d'on sa mismong bangka na bumangga sa bangka namin kanina. Akala ko nung una ay kahawig lang niya pero hindi lang pala basta kahawig niya iyong nakita ko kanina kundi siya rin talaga mismo 'yon. Ano kaya ang ginagawa niya dito?

Nakikita ko na siya na papalapit sa'kin at hindi ako nagkakamali, si Tita Margarette nga.

"Nandito ka lang pala iha, kanina pa kita hinahanap. Anyways, pinasunod ako ng Papa mo dito iha para sunduin ka, kasi nauna na sila sa sasakyan." Nakangiting wika niya. Sa lahat pa talaga ng mga magsusundo ay siya pa talaga.

"Kelan pa po kayo nandito?" Pag-iiba ko nang topic.

Medyo kinakabahan kasi ako. Ewan ko ba pero ang lakas ng kabog nang dibdib ko. Hinahagilap ko sila Auntie sa gilid ng mga mata ko pero hindi ko sila mahagilap. I smell something fishy. Hoping mali iyong iniisip ko.

" Kanina lang Iha. Your Daddy Theodore called me to join your tour. Ayoko nga sana e, kaso sayang din. Europe din 'to e. " Simpleng kwento niya habang naglalakad kami.

" Ah ganoon po ba. Mabuti po't natuntun niyo agad kami." Matipid kung sagot sa kanya. Grabe na ang tahip ng dibdib na nararamdaman ko ngayon.

"Madali lang naman kayong tuntunin Iha." Parang may kakaiba sa mga kinikilos niya ngayon. At parang iba ang dating ng huling mga katagang binitawan niya.

Finally, nakarating din sa labas. Pero ang ikinapagtataka ko ay wala sila Papa. Naalarma agad ako. Parang may hindi tama.

"Tita, akala ko po nandito na sila Papa?" Medyo nagpanic na ako pero hindi ko muna ipinahalata sa kanya.

"Wait, tatawagan ko." Kalmadong sagot niya sa akin. At kinuha niya ang cellphone nya para kontakin si daddy.

"Honey, where are you? Andito na kami. What? Ah okay sige, papunta na kami diyan. Bye, see yah later." 'yan ang narinig ko sa pakikipag- usap niya sa cellphone.

"Ano po ang sabi ni Daddy?" Tanong ko agad sa kanya.

" Nasa restaurant na raw sila Iha. Pasensya na daw at nauna na sila, ihing- ihi na raw kasi ang Aunt Eliza mo." Aywan ko ba pero kinikilabutan ako sa paraan nang pagkangiti niya sa akin. Parang ngiti ng isang matagumpay na pusa dahil nakabingwit ng isang daga. Pilit ko nalang iwinaksi sa isipan ko iyon. Kahit palakas ng palakas ang kabog sa dibdib ko.

Tumango lang ako sa kanya at sumakay sa kotse niya. Habang nasa byahe kami ay nakita ko sa mirror sa taas 'yong kakaibang ngiti sa mga labi niya. Parang may binabalak na hindi maganda.

Napahikab ako. Bigla na lang ako nakaramdam ng antok.

Naalimpungatan ako ng biglang may malakas na kalabog akong narinig. At isang pabalyang pagbukas nang pintuan. Pagdilat ko ng mata ay isang familiar na kwarto ang bumulagta sa akin.

Ganitong ganito iyong kwarto na lagi kong napapanaginipan kung saan ko nakita si Mama.

"Hello Vanessa, buti at nagising ka na. Hellcome to your new home!" At isang nakakarinding halakhak ang ginawa niya. Sinasabi ko na nga ba.

"Nagustuhan mo ba ang surprise ko sayo?" Parang mapupunit na ang mga labi niya sa paraan ng pagngisi niya.

Akmang tatayo na sana ako kaso, ngayon ko lang napansin na nakatali na pala ako.

"Anong ibig sabihin neto, Tita ?" Nahihintakutang tanong ko sa kanya. Hindi ko lubos maisip na ganito ang gagawin niya sa'kin.

"Well, hindi pa ba obvious, Vanessa? Just like what I did to your mom before! Like mother like daughter, mga utuin." At humahalakhak na naman siya nang malakas.

"Hayop ka! Tama pala sina Auntie, ikaw ang nagpa-ambush sa amin ni Mama!" Pasigaw kung sagot sa kanya. Naiinis ako na naiiyak sa nangyari sa akin ngayon. "Napakaitim ng budhi mo!"

"You got it right dear. Ang talino mo sa part na 'yan. Yes! ako at wala nang iba." Nakangising sagot niya.

"Pero bakit? Anong kasalanan namin sa inyo?" Naguguluhang tanong ko sa kanya. Wala namang akong ginawang masama sa kanya.

" Kasalanan?! Inagaw niyo lang naman si Theodore sa akin! He's mine bago umeeksena ang Mama mo!" Tumatawa na naman siya na parang nababaliw. O baka baliw na talaga siya.

"Mahal na mahal ko si Theodore! Siya lang ang bukod tanging lalaking minahal ko ng ganito. Pero inagaw niyo siya sa akin! Kaya lahat nang humadlang sa mga plano ko ay nilalayo ko sa kanya!" Nakangisi pa rin siya. Hindi ko maimagine na kaya niyang gumawa ng ganito dahil sa sobrang pagka-obsess niya kay Daddy.

May sa baliw ata ang babaeng ito. Hindi ako umimik. Nag-iisip ako ng paraan kung papano ako makatakas dito. Patuloy pa rin siya sa pagkukwento.

"Alam mo ba si Abbygail ko. Kapatid mo 'yon. Siya 'yong bunga nang pagmamahal ko sa Papa Theodore mo. Pero hindi niya ako pinanagutan dahil mas pinili niya si Elvie!" Ang hitsura ni Tita Marga ngayon ay katulad na katulad ng isang payaso, nagkalat ang make-up sa buong mukha niya. "Akala ko kasi n'ong inakit ko siya at may nangyari sa amin, ay magiging kami na, pero nagkakamali pala ako. Kaya idinispatsa ko kayong dalawa ng Mama mo. Saka ko kinuha si Abbygail sa bahay ampunan. Hindi ba kilala mo si Abbygail ko? " Paiba- iba na ang emosyong pinapakita niya. Para na talagang siyang baliw.

"Kaya ikaw, dito ka muna ha," hinahagod niya ang buhok ko. Biglang umamo ang hitsura niya. Parang nang-aalo siya ng isang batang paslit.

"Saka ka na bumalik kapag naikasal na kami ni Theodore at mailipat na ang apelyido ng daddy mo kay Abbygail ko. Oo, tama, susunugin ko ulit ang pisngi mo para hindi ka na ulit niya makilala katulad ng dati n'ong sinunog ko ang kaliwang pisngi mo! " At tumawa na naman siya.

"Saan mo dinala si Mama?!" Nanggagalaiting tanong ko sa kanya.

"Ewan ko! Basta ang alam ko, ay dito ko rin siya iniwan noon pero may umampon na ata sa kanya. Hindi ko alam. Ba-bakit mo ba naitanong?!" Medyo galit niyang turan sakin.

"Palabasin mo na ako dito. Pangako, kakausapin ko si daddy na maikasal kayo sa madaling panahon. Please!" Pagmamakaawa ko sa kanya. Lumuhod pa ako nagbabakasakaling pumayag siya.

Iniisip ko kasi na maaring buhay pa si Mama. Malaking posibilidad iyon.

"At 'bat ko naman gagawin iyon? Hindi ako baliw noh!" Parang bata niyang sagot sa akin.

"Akin lang si Theodore!" Nandidilat ang mga matang nakatitig ito sa'kin bago niya ako tuluyang iniwan dito sa madilim na kwartong ito.

Kapatid ko si Abbygail kay daddy? Sobrang pagka-obsess naman niya kay daddy para gawin ito.

Pa'no ba ako makaalis dito?

Mahirap makahingi nang tulong sa lugar na hindi mo rin naman alam kung saan. Napasandal nalang ako sa isang sulok habang
unti-unti namang tumutulo ang mga luha ko.

Panandaliang ligaya lang pala iyong nangyari sa akin. Akala ko ay magiging masaya na ako.

Kailan ba matatapos itong kalbaryong ito.

----

Whoaa.. dito muna. Kunting push nalang tayo. Malapit na matatapos. Yeheyyy. 4 or 5 chapters left. Till next time. Goodnight readers.

--
Viva 😘😘

THE BIRTHMARKWhere stories live. Discover now