Prologue

1.7K 46 1
                                    

Naalimpungatan ako. Alas dos y medya pa lang ng madaling araw ng may narinig akong mga kaluskos sa salas.. Kaya dahan dahan akong bumangon sa higaan ko at binuksan din ng dahan dahan ang pinto ng aking kwarto.

Sinadya kong hindi buksan ang ilaw para hindi makatawag nang pansin o para mapagsino ko kung saan nagmumula ang mga kaluskos at kung sino ang tao o hayop ba na nag-iingay nang ganitong oras. Hindi ako lumabas pero sinilip ko kung anong meron sa salas.. Kumurap kurap ako para sanayin ang mga mata ko sa kadilimang tumambad sa akin. Hanggang sa nasanay na ang aking mata, nahagip ko ang isang anino na nagmamadaling lumabas nang bahay.. Kumunot ang noo ko at nakaramdam ng kutob.

Imbes na matakot na baka magnanakaw ang may-ari ng anino na 'yon ay inusisa ko pa para mapagsino ko ang mapangahas na taong iyon. Kinapa ko sa gilid ng hagdanan ang pamalo at pa tiptoe akong lumabas nang bahay.  May namataan  akong dalawang pares ng anino na nagmamadaling pumasok sa kubo sa likod bahay. Anong meron sa likuran at parang madaling madali pa silang magpunta roon? Anong nagaganap sa likuran?

May halong kaba at kuryosidad kaya nilakasan ko ang loob ko para sundan sila. Dahan dahan pav akong naglakad takbo para hindi makagawa ng ingay, para hindi nila ako mahalata na sinusundan ko sila.

Ang lakas ng kutob ko kaya gusto ko talagang malaman kung sino ang dalawang nilalang na 'yon. Pagkarating ko agad ngayon ay naghahanap agad ako ng p'wedeng masilipan kung anong ganap sa loob ng kubo. May nakita akong butas sa pinakagilid ng dingding ng kubo. Kaya walang pag-alinlangang dumungaw ako. At tamang tama lang ang kinapwestuhan ko dahil kitang kita ng dalawang mga mata ko sa sinag na nagmula sa ilaw ng lampara ang dalawang pares na naghahalikan.

Nagragasa ang samo't saring emosyon sa aking damdamin ngayon; galit, lungkot, paninibugho, katanungan, pagkasuklam, pagkamuhi at pangamba na hindi ko matukoy. Mahirap ipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.  Pero imbes na sugurin ko ang dalawang nilalang sa loob ng kubo na naglalampungan ay mas pinili kong hindi umimik. Parang naumid ko ang dila ko. Parang may bumabara sa aking lalamunan habang pinanuod ko sila. Pinanuod ko ang kababuyan at kataksilang ginagawa nila.

Natanong ko na lang sa sarili ko kung bakit, ano bang kulang sa akin? Ano bang pagkakamaling nagawa ko? Bakit sa dinarami rami  pa ng mga taong gagawa sa'kin neto ay sila pa na tinuturing kung malapit sa buhay ko? Bakit sa lahat ng tao ay ang pinakamamahal ko pa at pinagkakatiwalaang tao ko pa ang makakagawa sakin neto? Bakit hanggang ngayon ? Bakit kung kailan na ako natutong magtiwala ulit  nang buo? Bakit kung kailan handa na akong kalimutan ang nakaraan? Bakit lagi na lang ako ang napiling masaktan? Bakit hindi niya pa rin ako tinatantanan? Puro bakit nalang, napakaraming bakit.  Hanggang sa hindi ko nalang namalayan ay nabasa na ang kwelyo ng robang suot ko dahil sa mga luhang nag- uunahan at hindi ko mapigil pigilan sa pagpatak. Paimpit akong umiyak. Durog na durog ang puso ko sa ginawa nilang dalawa.

Kaya dahan dahan akong umalis sa kubo..
Naglalakad pabalik ng bahay habang umiiyak.

Pagkarating ko ay pumasok agad ako ng bahay. Naghihinang pumasok sa loob ng kwarto, kinuha ang travel bag at nag-alsa balutan. Dinala ko lahat ng gamit ko at nagmamadaling  lumabas ng bahay na dala-dala ang bigat at sakit ng damdamin. Umiiyak pa rin ako habang naglakad papuntang labasan.

Lilisanin ko na ang lugar na 'to. Iiwanan ko na ang mga masasakit na ala-ala ko rito.
Pansamantalang, magpakalayo-layo para makalimot. Gusto kong makalimutang ang masalimoot na nangyare ngayon. Hangga't maari ay ayoko nang maalala ang lahat ng ito.

Siguro sa pagbalik ko, lahat ng katanungan ko ay sana mabigyan na ng tamang kasagutan. Mga kasagutan na walang labis at walang kulang.

Sinipat ko ang aking de pulsong orasan,  pasado alas kwatro na ng madaling araw.  Mahigit isang oras ko rin palang pinanuod ang dalawang nilalang na sumira uli ng aking buhay. Ang dalawang nilalang na sa mga oras ngayon ay  nakarating na siguro sa rurok ng kanilang pinagsaluhang kaligayahan.

Huminga ako ng malalim, inayos ang sarili at pinahid ko ang mga luhang hindi maubos-ubos at hindi mapigil pigilan sa pagpatak.

"Kaya mo 'to, " pampalubag loob ko sa sarili ko. " Laban lang." Huminga ng malalim.

Saktong may paparating na pedicab, pinara ko agad ito  at nginitian ako ng driver. "Sa sakayan ng bus po kuya. Tinanguan lamang niya ako at sumakay na agad ako..

Ang sakit pala, walang kasing sakit. Parang pinupunit ang puso ko ngayon ng isang daang libong beses. Napakasakit pero mas lalo sigurong sasakit kapag nanatili ako sa lugar na ito.

Kaya paalam muna, hanggang sa muli. Kung magkikita pa tayong muli.

THE BIRTHMARKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon