TB 16: Ang Kapalit

314 10 3
                                    


Antonette:

Isang haplos sa mukha ang nagpagising sa akin.

"Goodmorning," malumanay na bati sa akin nang nakatunghay na poging nilalang.

"Morning. Ngayon ka lang ba dumating?" Nagtatampong tanong ko kay Nathan.

"Actually, nope. Kaninang madaling araw pa. Hindi na kita ginising. Binuhat na lang kita para ilipat dito sa kama para makatulog ka ng maayos." Malambing na sagot niya sa akin.

"Gan'on ba?" Tinatamad na sagot ko sa kanya.

Inaya na niya ako para kumain sa kusina. Nagsusuboan pa nga kami. Tapos ang ayaw kong marinig na sasabihin niya sa akin ay iyong kinukwento niya sa akin ngayon mismo.

"Uuwi na si wifey bukas. Uhm, gusto ko pa sana ma-extend ang pagstay mo dito." Tinitigan niya ako ng seryoso sa mga mata. Hinihintay siguro kung ano ang magihing reaksyon ko.

"Ano pa nga ba?" Bumuntunghinga ako ng malalim. Nakatunog ata si Kamille.

"I have to leave because your real love is coming home," I gave him a heavy sigh.

"Kung alam mo lang babe, pero you really need to go." Mabigat na sagot niya sa'kin. Huminga rin ito ng malalim.

"Do I have a choice?" Pangongonsensya ko sa kanya baka maawa.

"Fix your things at ihahatid na kita ngayon." Seryosong sagot niya sa akin.

"Huh? Akala ko ba bukas pa?" Naalarmang sagot ko.

"Ngayon na.. Sabi ng friend ko ay baka magbago ang isip n'on at bigla- bigla na lang susulpot dito. Mabuti ng safe tayo," Seryoso paring wika niya.

"Okay, Sige. I'll just take a bath then we'll leave." Matabang kung sagot sa kanya.

Habang naliligo ay hindi ko pa rin maiwasang mainis sa sitwasyon ko ngayon. Akala ko kasi ay one week pa bago uuwi si Kamille pero bakit napaaga ata.

Ang lakas naman ata ng radar niya na gumagawa ng milagro si Nathan, which is true.

Kaya heto ako at itsapwera na, but hindi ako makakapayag na gan'on na lang ako bitawan ni Nathan. I'll make sure na babalik balikan niya ako.

Hindi sa gan'on na lang kabilis magtatapos ang lovestory namin. Gagawan ko ng paraan.

Binilisan ko ng maligo at nag- ayos nang mga gamit.

Nagbihis at nagsuot nang fitted dress na halter top. Lubos lubusin ko na 'to.

Lumabas ako ng kwarto na bitbit ang mga gamit ko.

Nakita ko si Nathan na nakaupo sa sofa. Nakabihis na siya. Isang simpleng V-neck shirt lang ang suot niya at pinaresan ng jogger pants. Samantalang, ako ay bihis na bihis.

Naramdaman niya ata ang presensya ko at mabilis na lumingon.

Pinasadahan niya ng tingin ang buong katawan ko. Dumako ang mga mata niya sa hita ko. At biglang titig sa'kin sabay ngisi.

Inirapan ko lang siya. Pilyo talaga.

Kinuha niya ang mga dala ko at iginiya ako pasakay sa sasakyan niya..

Nakaupo kami pareho sa front seat.

Ang isang kamay niya ay nasa manibela at ang isang kamay naman nakadapo sa isang hita ko.

Hinahayaan ko lang siyang hagod hagurin ito.

Tapos bigla ko siyang hinalikan sa labi.
Lumaban siya ng halikan. Pero tumigil din.

"Hatid muna kita ha. Maya na natin tapusin." Ngising inilayo niya ang mukha sa akin.

"Okay babe." Maiksing sagot ko sa kanya habang hinihimas himas 'yong braso at kamay niya na nakahagod sa hita ko.

THE BIRTHMARKWhere stories live. Discover now