TB 15: Rebelasyon

362 11 0
                                    


Kamille:

Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng mga hiyawan. Pagmulat ko ng aking mata ay puro usok ang nakikita ko sa buong paligid.

Nagpanic ang diwa ko,"nasusunog ang pad ni bes?"

Nagmamadali akong bumangon. Nilinga ko ang buong paligid. "Bakit iba ang nandito?" Baliktanong ko sa sarili. Nagtatakang kinilatis ang buong paligid ko pero hindi ko pa rin matukoy kung nasaan ako ngayon.

"Nasaan ba ako?" Bulong ko sa isip ko.

Naglakad ako. May mga nakakasalubong akong mga bata. Maraming bata na nagmamadaling nagtatakbuhan. Papunta sa tinatahak nilang sementadong sahig, patungo sa kung saan na hindi ko matukoy kung ano. May mga batang umiiyak, habang hila-hila ng mas malalaking bata.

Sumabay ako sa kumpulan nila nang may mapansin akong isang pigurang pamilyar sa paningin ko.

Pinipilit kong alalahanin kong saan ko siya nakita.

"Aha. Tama, siya iyong dalagitang nasa loob ng isang mansyong malaki."

"Pero anong ginagawa niya dito?" Baliktanong ko sa isip ko. Kaya para mapigil ako sa kakatanong sa sarili ko ay lumihis ako ng daan at nagmamadaling maglakad para maabutan ko siya. Hindi ko siya nilubayan ng tingin. At nang medyo malapit na ako sa kanya. Bigla siyang lumihis sa kumpulan ng mga bata.

"Aba! Saan kaya siya pupunta?" Sinundan ko pa rin siya. Hindi naman niya halatang may nakasunod sa kanya kasi nagkagulo na ang mga bata dito sa kung anong lugar man ito.

Nakita ko siyang naglakad patungo sa isang pasilyo.

Nilinga- linga ko ang paningin ko. Sa hinuha ko isa itong dormitoryo. Sa desinyo kasi ng kabuuan ng establisyamentong ito.

Dire-diretso pa rin siyang naglalakad.

Gan'on din ang ginawa ko. Medyo malayo-layo na kami sa mga nagkukumpulang mga bata.

Nang bigla syang tumigil.

Dali- dali akong nagkubli sa gilid ng isang kabinet ng mga aklat.

Nakita ko siyang nagpalinga- linga sa paligid.

Tinititigan kong maigi ang pintuan sa harapan niya.

Gabay Opisina ang nakapaskil na pangalan.

Tahimik lang akong nagmamasid. Hanggang sa may maulinigan akong kalampag sa loob ng pintuan.

"Tulo--ng! Tulungan ninyo ako! Parang awa niyo na!" Sumisigaw na boses ng isang dalagita.

"Abb--y, palabasin mo ako dit--o!" Palahaw nang dalagita sa loob ng Gabay Opisina.

"Hel--p me! Pleas--e help me!" Iyak sigaw ng dalagita sa loob.

Nakita ko lang na nakatayo ang dalagitang sinusundan ko sa labas. Hindi man lang siya natinag sa kinatatayuan niya.

THE BIRTHMARKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon