TB 31: Hostage

275 12 0
                                    

Antonette:

Dahan- dahan kaming humakbang ni Karen o Vanessa papunta sa sasakyan ko.

Saktong kaka-andar lang  ng sasakyan ko ng makarinig kami ng malakas ng pagbunggo sa bumper.

Halos maalog ang utak ko sa lakas ng impact ng pagkabunggo.  Pareho kaming nakasubsob ni Vanessa sa harapan.

May sugat siya sa kilay niya. At ang sakit ng noo ko. Kinapa ko ito at may malapot na likido akong nakapa mula rito. Pagbaba ko ng kamay ko ay may nakita akong dugo.

Takot akong bumaba ng sasakyan kasi baka pagbaba ko ay si Mommy na ang bubungad sa akin.

Nakita ko si Vanessa na takot na takot na itinuro ang sasakyang nasa likuran namin.

If I'm not mistaken it was Mom's car who bumped us. Nadali na talaga kami.
Nagmamadali akong pumasok sa loob ng sasakyan at akmang paandarin ko na sana ang kotse ko ng may marinig akong kalabit ng baril na nakatutok sa leeg ko.

Pagtingin ko sa rearview mirror, I saw a guy holding a gun. Siya rin 'yong nagtututok ng baril sa akin. At nilingon ko rin si Vanessa. Pati siya ay may nakatutok din na baril sa kanya.

"Where do you think you're going ladies?" Boses ni Mama ang narinig ko.

Walang kahit ni isa sa'min ni Vanessa ang umimik.

"Mom what's going on? Bakit mo kami pinatutukan ng mga baril?" Maang maangan na tanong ko sa kanya. Hindi ko lang alam kung maniniwala ba siya.

"Stop that crap baby. I know, you already know who's this lady beside you!" Sobrang sama ng tingin ni Mommy sa akin. Kung nakakamatay lang ang tingin baka kanina pa ako nangisay.

"Of course I do Mom. She's my friend. She called me last night because she's into trouble so I went to fetch her." Pangguguyo ko kay Mommy baka makalusot.

"And besides I did'nt know you we're up into something with her." Dugtong ko pa. And acted like clueless talaga ako sa nangyayari ngayon.

Biglang umamo ang mukha ni mommy.

"Ako ng bahala sa kanya baby. Malaki ang kasalanan ng babaeng ito sa akin."Napatiimbagang si Mommy.

"Kasalanan? Anong kasalanan Mom?" I naively asked her. Gusto ko rin malaman kung anong totoong motibo niya kung bakit niya kinidnap si Vanessa.

"Stop asking questions!" Sigaw ni Mom na ikinagulat ko. Biglaang pagbabago ng mood niya.

Kitang kita ko si Vanessa na nanginginig. Ramdam ko ang takot niya kay mommy.

"Mag-isip ka Antonette kung paano kayo makatakas." Kausap ko sa sarili kong isipan.

"But Mom, I have the right to know kung anong kasalanan niya po sayo. Maybe I could help." Ngisi ko kay Mommy, gusto kong iparamdam sa kanya na kakampi niya ako. Baka malingla ko pa siya sa paraang 'yon.

"Her Mom is your Daddy Theodore's mistress. Inaagaw nila ang daddy mo sa akin. Nakuha mo ba baby?" Naiiyak na syentimento ni Mommy sa akin.

"What?? How could you?!" Hila ko sa braso ni Vanessa..

Sinadya ko 'yon para maiangat ko ang mukha niya at matitigan ako.

Gusto ko sakyan niya ako, na umarte rin siya na hindi kami magkakampi, na niloloko ko lang siya. At nakuha naman niya agad ang ibig kong ipahiwatig. Habang niyuyogyog ko siya.

Hikbi lang ang itinugon ni Vanessa sa akin. Hindi ko nga alam kung nakuha ba niya ang gusto kung iparating.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin Karen? I've trusted you pero tinitira mo na pala ako patalikod. You bitch!" Sampal ko agad sa kanya.

"H'wag ka maniwala sa kanya. Si Mama ang totoo at unang asawa ni daddy." Iyak sagot ni Vanessa sa akin.

Isang sabunot ang sagot ni Mommy  kay Vanessa. Naawa ako sa kanya. Dahil alam ko kung gaano kasakit ang paghila ni mommy sa buhok niya. At medyo napalakas pa ang pagsampal ko sa kanya.

"Shut up idiot! Hindi namin tinatanong ang opinyon mo!" Asik ni Mommy sa kanya.

"Parating na ang mga police at si daddy! Malalaman din nila ang totoo. Ililigtas nila ako." Pagmamatigas ni Vanessa kay Mom.

Isang sampal lang ang itinugon ni Mommy sa kanya.

"Wish mo lang dear. " I smirk and sounded like as if I'm with my Mom's side.

"You and your Mom would suffer. " Ngisi ko kay Vanessa.

Tinatahak nang sasakyan namin ang way papuntang Batangas na. Alam ko ang daang ito.

Papunta ito sa resthouse ni Mom. It was located in an isolated islet of Batangas. Yes, sasakay pa ng bangka bago makarating doon. Hindi matao ang islang iyon. May mga naninirahan dito pero iilan lang din because it's a private property.

Habang nasa byahe kami ay pasimple akong nagbigay ng location namin kay Daddy. Para madali nila kaming ma-track.

They're heading towards us naman na. All I had to do is to make Mommy believe  na kakampi niya ako.

May nadaanan kaming convenience store. I beg Mom that we need to buy foods first because I'm already starving and I badly need to pee. Hindi naman siya nagtanong pa at tinanguan lamang ako.

Pagdating ko ng comfort room ay bahagya kong binuksan ang pinto ng CR. I took photos and send agad to Daddy.

Nakuha nila agad iyong location. Sinadya ko talagang magtagal sa CR pero kinatok ako ng isa sa mga bodyguard ni Mommy.

"Señorita, aalis na po tayo." Madiing pagkasabi ng bodyguard. Halata sa boses nito ang pagkainip.

"Wait. I'm about to finish." Kunwaring flush ko.

"Pakisabi naman na I need to buy foods first." Nginitian ko ang body guard na seryosong seryoso ang pagmumukha. Hindi man lang nito magawang ngumiti sa'kin.

"Basta bilisan niyo lang po,"

"I will!" Taas kamay ko bilang nanunumpa.

Dumiretso agad ako sa convenience store.

Ikot ako ng ikot doon. Pasimple ko ring sinulyapan ang phone ko. Malapit na malapit na sila Dad.

Saktong nagbayad na ako sa cashier ng makarinig ako ng mga putok ng baril. Paglingon ko sa labas. Mga pitong sasakyan ang nakita kong pinapalibutan ang car ko.

Nakita ko si Mom na hila-hila palabas ng kotse si Vanessa at nakatutok ang baril neto sa sintido ni Vanessa habang papasok sila sa  convenience store.

Nagtilian ang mga staff doon at nagsikanya- kanyang dapa.

Nasa loob na rin ang dalawang bodyguards ni Mommy.

Kanya-kanyang hila sila ng isang staff doon at ginawang hostage.

"Mom ang dami nila. Bakit hindi nalang tayo sumuko. " I helplessly shouted on her na nakapwesto siya sa bandang  gilid ng counter.

I was on the front door. Ready na para sumuko. Akmang bubuksan ko na sana ang glass door ng convenience store ng nakarinig ako ng isang nakakabinging putok ng baril na bumasag sa glass door na bubuksan ko sana.

Nanginig ako sa pagkabigla. Masyadong mabilis ang pangyayari. Bigla akong  nakaramdam ng pagkahilo. Wala na akong narinig na sigaw o kung may kasunod pang mga putok.

My vision become blurred lalo na't may likidong pumatak sa sahig. I saw blood..

Hindi ko alam kung mom shoot me or ang mga bubog ba ng glass door ang sanhi kaya ang daming dugo sa katawan ko.

"Mom how could you do this to me," yan ang huling salitang lumabas sa bibig ko.

Hindi lang ako sigurado kong naririnig pa ba niya ito o sadyang mahina nalang ang pagkasabi ko.

Halos pabulong na..

At unti- unti na akong nawalan nang malay..

THE BIRTHMARKWhere stories live. Discover now