TB 23: Bagong Rebelasyon

276 14 0
                                    


Kamille:

Hindi pa rin ako makapagmove- on sa nalaman ko. Kaya pala ramdam na ramdam ko 'yong nararamdaman n'ong batang babae sa panaginip ko.

Ngayon ay alam ko na.

Nang pinakita nila sa akin ang mga pictures. Napatigil ako sa isang picture.

Isang napakagandang babae na kulay abo ang mga mata.

"Siya nga 'yon!" Sabay turo ko sa picture ng babae.

"Ang alin iha?" Takang tanong ni Aunt Eliza.

"Iyong babaeng kalbo sa panaginip ko," diretsong sagot ko.

"Ah siya ba? Hindi mo rin ba siya natatandaan?" Tanong ni Aunt Tine.

Napailing lang ako.

"Pero lagi ko siyang napapanaginipan." Maiksing sagot ko.

"Siya si Elvira. Siya ang iyong tunay na Mama." Tumaas ang balahibo ko sa narinig kong pasabog ng mga kasama ko ngayon.

"Sa kanya mo nga namana ang kulay abo mong mga mata." Sagot ni Wacky na kanina pa tahimik.

"At si Sister Tine o Celestine naman ang nakababatang  kapatid niya." Nagsalita ulit si Aunt Eliza.

"Anong koneksyon ko kay Abbygail?" Pag-iiba ko sa usapan.

"Ahh. Si Abbygail ay ang batang nakasama mo sa bahay ampunan. Sabay kayong ipinasok doon. Ngunit, mas nauna siyang makilala ng mga bata roon. Siya 'yong batang may totoong balat sa pisngi. Siya rin iyong batang babaeng pinaghihinalaang nagsunog nang bahay ampunan. Sa nakalap kong balita; anak siya sa pagkadalaga ni Margarette. Kaya nga siya inampon ni Margarette para tuluyan nang mailipat ang pangalan niya sa batang iyon na matagal na niyang itinago-tago." Mahabang litanya ni Aunt Eliza. Napatango ako sa nalaman. Siguro iyon ang dahilan kaya nawala ang memorya ko.

Tinitigan ko ng  maigi ang pagmumukha niya.
Parang may kahawig siya. Hindi ko lang matandaan kong saan ko siya nakita.

"Buhay pa ba siya?" Turo ko kay Abbygail sa picture.

"Oo iha, buhay pa siya. At nakakasalamuha rin namin siya hanggang ngayon. " Sagot ni Sister Celestine este Auntie Tine.

"Ang totoo Kam's, ay kilala ko siya." Halos pabulong na sagot ni Wacky.

Napakunot noo ako sa sinabi niya.

"Actually, ka fling partner ko siya." Hindi naman tunog mayabang pero nagulat ako sa inamin niya.

Whoa, mga lalaki talaga. Sa isip- isip ko.

Makikilala mo rin siya Kam's next month.
Birthday ni Ate Eliza e. Pupunta siya dito.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa batang babaeng muntikan ng sirain ang buhay ko. Pero let's see, ibinulsa ko ang picture naming dalawa ni Abbygail.

Kahit papano naging friends pa rin naman kami kahitvpuro evil things ang ginagawa niya sa akin.

Medyo gumaan ang pakiramdam ko na makilala ang tunay na ako pero syempre hindi pa naman totally bumalik ang ala-ala ko, pero atleast ngayon ay hindi na ako ganoon na nangangapa sa past ko.

Hindi ko pa muna kinuwento kay Sherine.
I still don't have the guts. Mas safe na kami munang apat ang nakakaalam.

Natigil ako sa pagmuni-muni nang nagring ang cellphone ko.

Si Antonette tumatawag. I rolled my eyes bago ko sinagot ang phone.

"Hello?" Pinipilit kong pakalmahin ang sarili habang sinagot ang tawag niya.

THE BIRTHMARKWhere stories live. Discover now