TB 2: Unang Pagkikita

928 37 10
                                    

Jonathan:

"Hay, Salamat naman at nakaraos din, bakit ba kasi kapag napadaan ako sa lugal na 'to ay lagi nalang ako nakakaramdam nang pagputok ng pantog. Buti na lang may mga puno rin sa lugal na 'to. Mabuti nalang walang pinagbabawal umihi rito na nakapaskil."

Nagmamadali kung tinungo ang kotse ko na nakapark sa gilid ng kalsada.

Tsinek ko muna bago sumakay. Sinarado ko 'yong compartment ko, na ewan ko ba kung bakit nakaawang at pagkatapos ay sumakay na agad dito.

Saktong, pagkaupo ko palang sa sasakyan ay nakita ko ang mga basagulerong halang ang kaluluwa na hinihingal na papalapit sa kotse ko.

Palinga-linga pa sila na parang may hinahanap.

Narinig ko pa ang sabi nang isang balbas saradong lalaki na mataba. "S'an na nagpunta 'yong bebot? Sayang jackpot sana tayo doon!"

Napailing na lang ako. Mga walang magawa talaga sa buhay, mabuti naman at hindi nila naabutan ang babaeng tinutukoy nila at baka may mababalita na naman ditong nirape.

Buti nga sa inyo't natakasan kayo. Hi di ko nga alam kung bakit hindi sila naglalagay ng bantay sa lugar na ito. Kadalasan pa naman sa ganitong lugar nagkakaroon ng halayan.

Masasayang lang ang oras ko sa mga basagulerong ito. Kaya nilisan ko na ang lugar na 'yon. Masisira lang ang araw ko kapag patuloy ko pang makita ang mga pagmumukha nila.

Dumaan muna ako sa supermarket para mag grocery bago umuwi. Out of stock na pala ako ngayon kasi wala si Kamille. Ayokong magutom. Need to feed myself in order to survive dahil isang buwan siyang wala. Dahil nasa field ang trabaho niya ngayon.

Pi-nark ko agad ang sasakyan ko sa bakanteng space sa parking lot ng naturang supermarket katabi ng isang dilaw na range rover.

Pagkatapos ko magpark, ay masigla akong umibis ng sasakyan at pumasok na sa supermarket para mamili ng mga kakailanganin ko.

Pinamili ko lang iyong enough for a month sa akin.

Bumili ako ng mga foods na healthy sa katawan, hindi nalang iyong puro canned goods lang, at pumila na para magbayad. Pagkatapos magbayad sa cashier ay lumabas na ako. Pero bago ako bumalik sa sasakyan ay dumaan muna ako sa isang booksale malapit doon at namili ng mga librong magugustuhan, dahil mahilig din naman magbasa nang libro si Kamille kaya bumili ako ng limang piraso. May nadaanan din akong mga video cds at bumili na rin. Pinakapaborito kasi naming bonding ang magmovie marathon.

*****

Nang makarating sa bahay ay dali-dali kung pi-nark ang sasakyan.

Pinasok ang mga pinamili ko at dumiretso agad sa kusina. Napagawi ang tingin ko sa maliit na garden na nakapwesto sa may bandang likuran ng kusina.

May garden ang bahay namin ni Kamille. "Ay oo nga pala, iyong mga halaman na pinamili ko. Baka malanta na iyon sa compartment ng kotse ko." Buti nalang at naalala ko.

Kaya nagmamadali kong pinuntahan ang sasakyan ko.

Pagkabukas ko agad ng compartment ay tumambad sa akin ang isang nakakabighaning tanawin na ikinapagpatataka ko.

A woman sleeping inside the compartment of my car? Is she dead? Malaking palaisipan sa akin kung papano siya napunta sa compartment ng sasakyan ko. Hindi kaya? Pero siguro naman hindi.

Yumukod ako para icheck kung humihinga pa ang estrangherang babae. May pulso pa ito.

"Ah! Thanks God, she's just sleeping. Uhm wait, who is she? " Kunot noong napatanong ako sa sarili ko.

Para matapos na 'yong katanungan ko.

Hinawi ko 'yong buhok ng babae. "Oh~ napatigil ako. Maganda ang babae, maputi, may katangusan ang ilong at may makipot na mapupulang mga labi.

Pinasadahan ko ito nang tingin habang mahimbing pa rin itong natutulog. Napansin kong biniyayaan ang babaeng ito. Naipilig ko ang aking ulo.

At tinapik sa mukha ang babaeng natutulog.

Shit! Ang lambot ng balat. Anak ng tokwa. Hindi mo siya kilala, self! Saway ko sa sarili ko.

Tinapik ko ulit siya sa balikat.

"Miss, Miss gising!" medyo malakas na pagkasabi ko. At hindi naman ako nabigo at nagdilat nang mata ang babae.

Kulay hazel brown ang mga mata niya na pinaresan ng may pagkasleepy eyes.

"Buti't gising ka na. Sino ka? Anong ginagawa mo sa loob ng compartment ng kotse ko? Bakit ka nandito? Budol budol gang ka noh? Ano sumagot ka?" Sunod sunod kung katanungan sa babae.

"Nasan ako?" Imbes sagutin niya ang tanong ko ay binalikan niya rin ako nang isang tanong.

"Nasa teritoryo kita babae, now answer me. Why you're here? What are you doing inside my car? Who are you?" Inuulit kong tanong sa kanya.

"Teka, sandali. Isa-isang tanong lang please. I'll explain everything if you let me and one thing, hindi ako magnanakaw, okay." Mahinahon niyang sagot.

"I'm Antonette," sabay lahad ng palad niya sa'kin.

Humahalukipkip ako..

"Okay ganito po kasi iyon, may humahabol po kasi sa akin kanina na mga adik, e wala na akong ibang mapagtaguan kanina. Kaya nang makita ko itong sasakyan mo ay hindi na ako nagdalawang isip na sa sasakyan mo ako magtago. Hindi ko rin naman kasi kabisado ang lugar na 'yon. Ito nalang kasi ang naisip na paraan para makatakas ako sa hayok sa laman na mga 'yon." Nangalumbabang pagpapaliwanag niya. Tama nga ang hinala ko. Siya 'yong babaeng hinahabol ng mga halang na lalaki kanina. Kaya pala nakaangat ang takip ng compartment ko kanina.

Tumango-tango pa ako habang pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa, paa hanggang ulo.

Napayakap s'ya sa sarili nya.

THE BIRTHMARKWhere stories live. Discover now