TB 27: Ang Alas!

276 12 0
                                    


Antonette:

After 8 months, Nathan called me. Gusto niyang makipagkita sa akin. Dahil sobrang na miss ko na rin siya kaya pumayag agad ako.

Nagkita kami sa gateway. Doon kami nagstay sa taas. Iyong may garden sa taas ng mall. Nagstay kami ng half hour. Magkatabi lang habang nakasandal ako sa balikat niya.

Sobrang laki nang ipinayat niya. Nanlalalim ang mga mata niya. Halatang walang tulog.  Nalaman ko na iniwan siya ni Kamille sa ere. Pero hindi niya sinabi kung bakit. Hindi nga niya alam kung bakit bigla na lang daw itong umalis ng hindi nagpapaalam.

Sobrang nahabag ako sa hitsura niya. Pero hindi pa rin naman nababawasan ang pagiging gwapo niya.

Nagrequest siya sa'kin na samahan ko siya kasi sobrang depressed na siya at need niya nang makakausap. Dahil ayoko namang siyang pabayaan kaya pumayag agad ako.

"Babe, lipat tayo. You need some rest. Mukhang hindi ka pa natutulog. Don't worry hindi kita iiwanan katulad ng pang-iiwan ni Kamille sayo." Hinahaplos ko ang mukha niya habang nakayakap ang isang braso ko sa kanya.

Tinanguan niya lang ako. At nagpatianod sa paghila ko sa kanya na tumayo.

"I know a place na makapagrelax ka. May privacy din tayo doon." Nakayakap pa rin ako sa kanya habang naglalakad kami papunta sa sinasabi kong lugar.

Ako na ang nakipag-usap sa receptionist. Pagkapasok namin sa room namin ay tumawag agad ako sa F&B nila para umorder ng foods namin at drinks, of course.

"I missed you so much babe, " hinila ko agad siya sa higaan.

Nakahiga lang kami. Nakaunan ako sa braso niya. Habang nakayakap sa kanya ng patagilid. Nakatihaya lang kasi siya. Nakatingin sa kisame. Tagos ang tingin nito, sobrang lalim parang mahirap abutin.

Hindi nga siya pumalag ng iniisa-isa kong buksan ang butones ng polo niya.

Itinukod ko ang braso sa higaan para mahalikan siya. Aba, ni hindi pumalag ang damuho. Gusto ko pa naman ang mga lalaking mapagbigay. Napahagikhik ako.

I kissed him hungrily and he responded hungrily too. We both moan n'ong magkahiwalay na ang mga labi namin.

Kumakatok na kasi sa pintuan 'yong waiter.

"Wait babe, nand'yan na ang inorder kong food para satin." Nginitian lang niya ako.

Pinagbuksan ko ng pinto ang waiter at after niya mailatag iyong order namin ay binigyan ko siya ng tip. Tuwang tuwa nama ito at nagpapasalamat bago umalis na.

"Kain muna tayo babe. Bago, alam mo na." Tapos kinindatan ko siya.

Hinila niya ko pakandong sa kanya. Medyo nagulat ako at the same time ay na-e-excite.

Pagkalapat pa lang ng butt ko sa mga hita niya ay binackhug agad niya ako. His teasingly massaging my mountains. Nakikiliti ako sa ginagawa niya lalo na nang dinilaan niya ang leeg ko.

"Ahhh babe. Aren't we going to ate first?" Pagpipigil ko sa ginagawa niya.

"Let's eat later babe. I want to eat you first." Kinilig ako sa sinabi niya at hindi na pumalag. Syempre 8 months ba naman kaming hindi nagkita.

We shared a savoring steamy moment. Grabe 'yong feeling na parang I'm wanting more. Pero syempre I'm really hungry na talaga. Kaya kumain muna kami. We talked and talked and we even planned na magtravel together.

Then, napatigil kami sa momentum namin ng magring ang cellphone ko.

Mommy is calling..

Tumawag siya para ipaalam sa'kin na nakauwi na pala siya from America and she wants me to be there kasi may importanteng bisita raw, siyang ipapakilala sa akin.

Malaki ang utang na loob ko sa kanya kaya hindi ko talaga siya mahindian. I even invited Nathan to come with me. At hindi naman niya ako binigo. Pumayag agad siya.

Jonathan:

After nang gabing 'yon ay naglaho na lang bigla si Kamille. Ni hindi ko alam kung saan siya nagpunta.

Kinausap ko ang Dad ni Vince. Hiningi ko ang picture ng real mom ko. At hindi naman nila pinagkait sa'kin 'yon.

Magkapatid pala kami ni Vince sa ama. Hindi naman ako nagtanim ng galit. Thankful pa rin ako na pinag-aral nila ako at itinuring na kapamilya.

Nalaman ko sa kanila na nasa ibang bansa ang tunay kong Ina. May iba na siyang pamilya kasama 'yong half sister ko. Alam ko namang may kapatid akong babae. Pero I'm not expecting na magkapatid lang kami sa Mama.

Malas siguro ako. Iniwan ako ni Sherine. Iniwan ako ni Kamille at mas iniwan ako ni Mama. Kaya si Antonette ang kinontak ko. At hindi ako nagkakamali, sinamahan niya ako. One call away lang siya.

She invited me to come with her. Kasi uuwi na ang Mom niya. Tumanaw lang ako ng utang na loob  dahil sinamahan niya ako kaya pinaunlakan ko na rin siya.

Mababaliw na kasi ako e. Mabuti nalamg nandito si Tonette. Pansamantalang pinunan niya iyong kahungkagan na nararamdaman ko ngayon.

Pero bago nangyari 'yon ay tinawagan ako ni Vince. Oo, naging okay naman din kami after ng nangyari kasi magkapatid pa rin naman kami kahit papaano. Nagpasalamat pa nga siya sa'kin dahil baka naikasal na siya sa babaeng hindi pa niya lubos na kilala.

Naikwento ko kasi sa kanila dati 'yong about kay Kamille. May balita daw sila sa akin. Pinaimbestigahan pala nila si Kamille. Kung papano siya nagka-amnesia and they found out that buhay pa ang mom niya.

Ito daw 'yong magiging alas ko kung sakaling mahanap ko si Kamille. Kasi si Kamille daw ang nakasalubong niya na umiiyak n'ong malaman niyang may namamagitan sa amin ni Sherine. Alam ni Kamille ang pagtataksil ko sa kanya. Kaya malaking tulong daw para sa'kin 'yon.

Pinuntahan agad namin 'yong lugar kung saan namin makikita ang Mommy ni Kamille.

Isang Rehabilitation Center ang bumulaga sa amin. Hindi ko lubos maisip na nandito ang Mama niya.

Nagtanong agad kami sa front desk. At itinuro ang pinakadulong kwarto sa 3rd floor.

Awa ang nakikita ko sa hitsura ng Mom niya. Ang laki siguro ng galit sa kanila ang may gawa neto.

Kinausap namin ang may-ari ng Rehab Center na inutusan kami ng kamag-anak na ilipat sa ibang rehab ang Mom niya. Hindi naman nagtaka ang mga staff doon. Malakas din kasi ang Daddy namin ni Vince. Kaya nailabas namin ng safe si Tita Elvie, at sa nakikita ko ay tuwang tuwa na nailabas na siya sa impyernong kinasadlakan niya.

Dinala siya ng pamilya ni Vince sa resthouse nila sa Visayas. Doon daw muna siya habang nagpapagaling. Ang dami niya kasing paso sa katawan. Mga bruises na hindi mo alam kung anong ginamit. Kinalbo siya at mukhang hindi nakakain nang maayos ng ilang taon. Good thing, she'd a fighter because  she survived at 'yon ang mahalaga.

THE BIRTHMARKWhere stories live. Discover now