TB 18: Huli sa Akto

298 9 0
                                    


Kamille:

Bago ako umuwi ay tinawagan ko muna si Jonathan na bukas pa ang uwi ko pero ang totoo ay ngayong araw na ako uuwi.

Ewan ko ba at bigla kasi akong kinutuban.
May kakaiba akong naramdaman. Kagabi pa ako hindi mapakali. Parang may masamang mangyayari, o nangyari na. Parang may hindi sinasabi sa akin ang love kong si Jonathan.

I want to surprise him that's why I'm not telling him that I'm coming home.

Kaya alas dyes pa lang ng umaga ay nandito na ako sa loob ng subdivision na tinitirhan namin. Nasa labas lang ako. Hindi ko rin alam kung bakit hindi pa ako pumasok. Parang may nag-uudyok sa isipan ko na maghintay muna dito sa labas.

Sumakay lang ako nang taxi. Pinahinto ko muna ang taxi sa medyo 'di kalayuan ng bahay namin.

Naghintay ako.. Nang naghintay.. Hanggang sa nakita ko sa may garahe si Jonathan, at hindi siya nag-iisa dahil may kasama siyang babae.

Hindi ko kilala ang babaeng sumakay sa sasakyan ni Jonathan. May maleta siyang nilagay sa likod ng compartment ng kotse niya.

Sa isip ko habang wala ako ay nagpatira siya ng ibang babae sa pamamahay namin?
Sino naman kaya ang babaeng iyon?
Wala pa kasi akong nakilalang kamag-anak ni Jonathan.

'Yong Tita Beth lang niya ang pinakilala sa akin. Pero ang alam ko ay may kapatid siya sa labas. Baka kapatid niya iyon? Nagkita na pala sila. Hindi ako nainform.

Pero ewan ko ba at malakas ang kabog nang dibdib ko. Lumabas ang kotse sa gate ng bahay namin. Saka ko sinenyasan ang driver ng taxi na sundan ang sasakyan ni Jonathan.

Tumigil ang sasakyan niya sa isang apartelle. Umibis ang babaeng kasama niya. Pumasok sila sa loob.

Saka ako bumaba. Pinaghintay ko ang taxi driver.

Pumasok ako sa loob ng apartelle.

Nagtanong sa receptionist kung anong room naka-occupy ang dalawa.

Sa room 3D sila. Isang suite ang inookupahan nila. So, nagpareserve rin ako sa receptionist ng room na malapit sa room nila. Nasa room 3C ako.

Hindi sound proof ang mga rooms doon sa kadahilanang uso daw ang bugbugan na chinecheck- in. Kaya maririnig ko kung may sisigaw sa kabilang kwarto o magbabangayan nang malakas.

Bago ako umakyat sa room ko ay lumabas ulit ako at kinuha ang maleta ko at binayaran ko ang taxi driver. Kinuha ko ang susi at dumiretso sa kwartong inukopahan ko.

Nakikiramdam ako sa kabilang kwarto.
Hindi pa rin lumabas si Jonathan. Naghintay ako ng naghintay. Hanggang sa narinig kong bumukas ang pinto ng silid nila.

Dali- dali akong pumunta sa may pintuan ng room ko. Binuksan ko ng kunti ang pinto.

Kitang kita ng dalawang mga mata ko ang pagyakap at paghahalikan nilang dalawa bago nagpaalam si Jonathan sa babae.

Nangilid ang luha sa aking mga mata.

Pa'no niya ako nagawang lokohin? Hindi ko napaghandaan itong sitwasyon na 'to.

Ang lalaking akala kong hindi gagawa ng katarantaduhan, ay siya pa ang may tinatagong sekreto.

Tinawag pa siya ng babae na babe.
Wala pang isang buwan akong nawala pinagpalit agad ako ni Jonathan.

*****

Sumapit na lang ang gabi pero nagmumuni-muni pa rin ako. Hindi ko talaga lubos maisip at napabuntunghininga.

Dito muna ako magpalipas ng ilang araw.
Manmanan ko muna sila. Gagawan ko nalang ng alibi kung bakit hindi ako nakauwi.

Kaya pala pinaalis niya iyong babae sa bahay namin kasi paparating na ako. Napakagaling Jonathan.

THE BIRTHMARKWhere stories live. Discover now