TB 22: Ang Katotohanan

285 12 2
                                    


Kamille:

Instead of going home I went to Wacky's place. I was so devastated at the moment.

I still can't imagine Nathan could do such thing. Well, anyways, I myself didn't know my past. Si Jonathan pa kaya. Hindi ko pa rin talaga kilala ang buong pagkatao niya.

Hilam sa luha ang mga mata ko habang nagda-drive. Nagulat pa nga si Wacky when he opened the door. He keep asking me what happened. Hagulhol lang ang isinagot ko sa kanya at nang mahimasmasan na ako, saka ko pa naikwento.

Napakuyom ng palad si Wacky after hearing my confession.

" H'wag siyang magpapakita sa akin. Babasagin ko ang bungo niya." Napatiimbagang na wika ni Wacky.

I decided to stay at Wacky's place muna.
Hindi ko nga rin sinabi kay Sherine kung nasaan ako. Kasi last night, I know she's the one who called Nathan.

I didn't received any calls coming from Nathan kasi naka call barring siya sa akin because I'm not ready din naman kasi to talk to him.

Nagfile rin ako ng leave sa work ko. I really need to fix myself first. Naputol ang pagmuni- muni ko ng makarinig ako ng mahihina at sunod sunod na katok sa pintuan.

Nang buksan ko ito. Natulala ako.
Gan'on din 'yong babaeng may edad na kaharap ko ngayon.

She looks familiar kasi. I don't know lang kung saan ko siya exactly nakita. Siguro nagkakilala na kami dati kasi maski siya napatitig din sa akin e. Then out of nowhere lumabas si Wacky.

"Sino 'yong kumakatok Kam's?" Tanong niya sa akin.

Hindi pa ako nakasagot nang magsalita 'yong babae sa harapan ko.

"Siya ba? Siya ba talaga 'to?" Manghang mangha na sambit ng ale sa harapan ko.

Ngumiti lang at tango ang isinagot ni Wacky. Hindi ko nga maintindihan ang mga senyasan nilang dalawa. Nagulat pa ako ng bigla akong yakapin ng babae sa harapan ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko.

After niya ako yakapin nang mahigpit ay
hinawakan naman niya ang magkabilang pisngi ko.

"Ang laki laki mo na. Halos hindi na kita makilala. Salamat at buhay ka. Tama nga ang kutob ko. Tiyak matutuwa si Tine kapag nakita ka niya." Mangiyak ngiyak talaga si Ate'ng na hindi ko kilala.

"Ah Kam's, si Ate Eliza pala. Panganay namin. " Pagpapakilala ni Wacky sa aming dalawa.

Ngumiti ako ng matipid. Clueless pa rin kasi ako sa nangyayari e.

"Hindi mo pa ba sinasabi sa kanya ? " Takang tanong ni Ate Eliza kay Wacky.

Napakamot ng batok si Wacky.

"Sabi kasi ni Ate Tine siya na raw ang magkwento e." Nahihiyang sagot ni Wacky.

"Ang alin po?" Takang tanong ko kay Ate Eliza.

"Tama, wait natin si Tine. On the way na raw kasi siya. " Sagot ni Ate Eliza na hindi pa rin ako tinigilan sa pagyakap.

Hinayaan ko nalang siya. Nakarinig na naman kami ng katok sa pintuan.

"Ako na ang magbubukas neng." Pagvoluntary ni Ate Eliza.

"Nasaan siya Ate?" Familiar sa'kin ang boses ng babaeng nagsalita.

"Nasa sala. Pasok ka muna. H'wag mo siyang biglain Tine. Mukhang hindi pa niya tayo natatandaan." Parang naiiyak ang boses ni Ate Eliza.

Kinakabahan ako. Ano bang nangyayari sa mga 'to? Kilala ba nila kung sino ako?

Sumulpot na naman si Wacky sa kung saan. Habang ang babaeng tinatawag nilang Tine ay nakatitig lamang sa akin.

"Ang ganda mo pa rin iha. Kamukhang kamukha mo ang iyong Mama." Umiiyak siya habang hinaplos niya ang pisngi ko.

"Nasaan ang paso mo sa pisngi?" Tanong niya sa'kin pero kay Wacky siya nakatingin.

"Wala siyang maalala Ate." Matipid na sagot ni Wacky.

"May paso po ako sa pisngi dati? " Naguguluhan akong nakatingin kay Wacky.

"Alam mo kung sino ako dati?" Nakakunot noo kung tanong kay Wacky.

"Honestly, Oo." Walang kagatol gatol na sagot niya sa akin.

"Bakit hindi mo sinabi kaagad?" Parang nakakaramdam ako ng tampo. All this time ay matagal na pala niyang alam ang tunay kung pagkatao tapos inilihim lang niya sa akin.

" Kasi hindi ako ang dapat magbunyag n'on. " Nakayukong sagot niya sa akin.

"Sino ba kayo sa buhay ko? Sino ba talaga ako?" Nagtatanong ang mga titig ko sa kanila. Parang maiiyak na ako ng wala sa oras.

At kinuwento lahat ni Ate Tine kung sino sila. Kung anong papel nila sa buhay ko.
At kung sino ako.. kung sino ang totoong ako.

I was 8 yrs old, n'ong inambush ang sasakyan namin ng Mom ko. Ate Eliza and Wacky are my Dad's cousins. So, Wacky is my uncle. Tita Marga is my Dad's bestfriend tapos after 2 or 3 years na nawala kami ni Mom ay naging sila ni Dad.

Ang kutob nila Ate Eliza na si Tita Marga ang may pakana ng pang- aambush sa amin ni Mom. Siya rin ata ang nagpasunog nang pisngi ko dati at siya rin ang may alam kung nasaan si Mom ngayon. Hindi na kasi maidentify 'yong katawan sa kotse, so hindi pa sila sure kung si Mama ba talaga iyon.

Matagal na rin pala nila akong sinubaybayan. Nagka-amnesia talaga ako. Medyo bumalik sa ala-ala ko iyong ibang kinukwento nila sa akin. Parang sinadya 'yong paglagay sa akin sa bahay ampunan at isa si Ate Tine ang isa mga madreng nakadestino doon.

Siya na nag-alaga sa'kin pero n'ong masunog ang bahay ampunan. Si Wacky pala ang nagligtas sa akin.

Pinatanggal niya 'yong paso sa mukha ko, na napaniwala ang lahat na balat ko iyon.
At buhay pa rin daw iyong batang babaeng may pakana ng muntikan kung pagkasunog at 'yon ang pumalit sa pwesto ko bilang heridera.

May ipinakita silang picture sa akin.
Natigilan ako ng makita ko ang larawan.
Sila ang dalawang batang babae sa panaginip ko. Parehas na may balat sa pisngi. At ako 'yong isang batang babae.

Ako iyong dalagitang may kulay abo ang mga mata. Ako si Vanessa? Biglang sumakit ang ulo ko sa mga nalaman ko.

Papa ko ang Daddy ni Abbygail? At ako ang totoong anak.

Ang Mommy ni Abbygail ay si Tita Marga na bestfriend ni Papa.

At sino ang babaeng kalbo sa panaginip ko? Anong koneksyon niya sa buhay ko? Bakit napapanaginipan ko siya?

Laking pasalamat ko dahil unti- unti ko nang na-a-alala ang lahat.

---

THE BIRTHMARKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon