TB 29: Reconciliation

277 9 0
                                    


Jonathan:

Nabuhayan ako ng loob ng malaman kong buhay pa ang Mama ni Kamille, kaya sinadya kong kontakin si Sherine para malaman kung nasaan si Kamille. At hindi naman niya ako binigo, binigay niya iyong contact number ng Auntie ni Kamille sa'kin.

Kinontak ko agad si Aunt Eliza, 'yon kasi 'yong name na sinabi ni Sherine. Sinabi ko agad sa kaniya na nasa custody namin si Auntie Elvie. At laking pasalamat nila sa nalaman nila.

Pero may malaking problema. Nawawala si Kamille. Nangyari raw iyon habang nagbabakasyon grande sila sa Europe.

Nabahala ako sa balitang natanggap ko. Pero naghanda rin ako sa pagdating nila.

Gusto raw muna nilang makita si Auntie Elvie. Nagpablotter na raw sila sa mga police kasi 3 days nang hindi nagpaparamdam si Kamille.

I even get the chance to met his father. No wonder why Kamille is so beautiful.

And unexpectedly, Dad and Tito Theodore was shocked to see each other. They are schoolmates before. Tito Theodore is my mom's bestfriend while daddy is mom's boyfriend at that time.

Kaya pala familiar kay dad si Tita Elvie. Happy for them sa pagkikita nila.

Ang problema nalang namin ay kung nasaan si Kamille. Sana nasa mabuting kalagayan siya.

Tinawagan ko si Tonette na cancel muna ang pagsama ko sa kanya para hindi siya magtampo sa akin. Sinabe ko ang reasons kung bakit. Tutulungan daw niya ako. Akala ko ay magagalit siya pero nagkakamali ako doon.

Antonette:

Nakauwi na ako sa bahay namin kasi my mom called me that she's coming home.

Pero pagdating ko ng bahay, ay wala man lang katao-tao.

Maski si Daddy ay hindi ko rin mahagilap.

Tapos kakatawag lang ni Nathan na cancel iyong pagpunta niya dito 'coz Kamille is missing.

Since wala naman akong pinagkaka-abalahang iba, kaya I promised Nathan to help find Kamille.

Gigil na talaga ako sa babaeng iyon. Masyadong paimportante. Hmmp!

Sa sobrang pagkabagot ko sa bahay ay napagdesisyonan kong pumunta sa isang pub house sa Alabang.

I know out of way na siya masyado but gusto ko lang pumunta, bagong bukas kasi.

When I'm on my way, sa coastal pa lang ay may isang familiar na sasakyan akong namataan.

Instead of partying tonight, I followed the car. Tinatahak neto ang daan papuntang Cavitex.

Mabilis ang byahe since it's already past 11pm na rin naman.

Tinitingnan ko ang daan sa bintana. Nasa boundary na ako ng Cavite - Batangas.

"What the heck she's doing here?" Tanong ko sa sarili ko n'ong nakita kung papasok ang sasakyan niya sa isang Rehab Center.

I parked my car sa labas lang. Then I waited for about two minutes bago ako sumunod.

Umibis siya sa sasakyan at nagpunta sa front desk area.

Naghintay ulit ako ng isang minuto bago siya sundan.

I ask the receiving clerk kung what floor siya nagpunta. Hindi naman sila nag-usyoso pa. Basta diretso bigay lang.

Medyo kabado ako sa ginagawa ko 'coz I know my mom so well. Ayaw niya ng pinapakealaman siya sa mga ginagawa niya. Pero nacurious talaga ako kung sinong pinupuntahan niya dito ng dis-oras ng gabi. Why on earth would she do that? Unless, that person is very important.

Nagtago ako sa gilid. Sinilip ko muna siya kung anong room siya pumasok at hinintay siyang lumabas.

After 20 minutes ay nakarinig ako ng pagbukas ng pinto. Nagkubli agad ako sa cabinet sa gilid ng hagdanan.

Nang nakita kong nakababa na siya ay saka ko pinuntahan 'yong room kung saan siya pumasok. Kakaiba ang tahip ng dibdib ko habang papalapit sa pintuan ng naturang kwarto. Pinihit ko ang doorknob. It was locked. So to cut my curiosity, gumawa ako ng way. Gawain ko ito nung nasa bahay ampunan ako at hindi naman ako nabigo. I slowly opened the door. Pero sinilip ko muna kung bumalik na ba si mommy.

I saw darkness. Kinapa ko ang switch. I switch on and lightness was all over the room. Medyo nanibago pa ang mata ko sa liwanag. Pero nang okay na, I roamed my eyes every corners of the room.

Tapos may kurtina. Kahit kinakabahan ako ay dahan-dahan kung hinawi ito.

May isang higaan at sa ibabaw neto nakita ko ang isang nilalang na kilalang kilala ko.

I was shocked to see her there, sitting at nakatali patalikod ang dalawang kamay.

Maski siya ay nagulat din ng makita ako.

"My goodness! Karen, anong nangyari? What are you doing here? May hindi ba ako alam?" Sunod sunod kong tanong sa kanya. Bakit siya nandito? Anong koneksyon nila ni mommy?
Pero hindi niya ako inimikan.

"Don't worry, wala akong gagawing masama sayo. But please tell me, what's going on here?" Kabado na nalilito kung tanong sa kanya. Mas lalong lumakas ang kabang nararamdaman ko.

"Tita Marga kidnapped me, " At hindi na niya napigilang umiyak.

"Wha--att?! How?! W-why would mom do that?" Naguguluhan na talaga ako.

" Because she wanted to get rid of me. She's also the reason why I lost my memory. Kung bakit noong unang kita natin ay may malaking balat ako sa pagmumukha, " Umiyak na sagot niya sa akin. Teka, hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi niya.

"Huh? " Medyo late nag- sink- in sa utak ko ang mga sinabi niya.

"Tama ang narinig mo. Ako si Vanessa. Ako iyong bata sa bahay ampunan na nakasama mo. " Dire-diretso niyang sagot.

"T-te-ka, naguguluhan ako. " Totoong loading ako sa mga sinasabi niya. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Napasuklay ako ng buhok ng wala sa oras. Wala akong panahon sa prank pero mukhang seryoso siya.

"Mamaya, ipaliwanag ko sayo lahat. Kaya please kalagan mo na ako. Itakas mo ako dito. Please Abbygail. Magsimula tayo ng bagong buhay. " Pagmamakaawa niya sa akin. Tama ba ang narinig ko, tinawag niya akong Abbygail.

"Please," untag niya ulit sa'kin.

Parang natauhan ako. Dali-dali ko siyang kinalagan at dahan-dahan kaming lumabas. Lakad- takbo ang ginawa namin sa hagdanan.

Nakita kong natutulog ang nagbabantay kaya hinila ko agad siya patakbo papunta sa sasakyan ko. Hindi ko na rin kasi nakikita si mommy. Kaya malaya kung naitakas si Vanessa.

Habang nasa byahe ay parehong tahimik lang kaming dalawa.

"Van, bukas na tayo bumiyahe pabalik ng Maynila. Kailangan muna natin magpalipas ng gabi dito sa Batangas." Aniya ko sa kanya. Na sinang-ayonan naman niya.

Kaya naghanap agad kami ng matutuluyang inn. Nang makahanap na kami. Nag- check- in agad ako. At doon namin pinag-usapan ang nangyayari.

Nalaman ko sa kanya na siya si Vanessa at magkapatid kami. Actually, noon pa niya nalaman. Pero naghahanap pa raw siya ng tamang pagkakataon kung papaano ipaliwanag sa akin.

Napatawad na niya ako sa ginawa ko sa kanya. Humingi rin naman ako ng kapatawaran. Dahil sa inggit kaya ko nag gawa iyon. Hindi nga ako makapaniwala sa nalaman ko about my mom.

Tinawagan namin si daddy Theodore at tuwang-tuwa silang malaman na ligtas na si Vanessa. Binigay agad namin ang address ng inn na tinutuluyan namin. Mahirap na. Mabuti nang safe. Dapat safe kami parehas. Ang dami pa naming need to catch up. Gusto kong makabawe sa pangalawang pagkakataon.

THE BIRTHMARKWhere stories live. Discover now