TB 32: The Finale

430 13 0
                                    


Third person's POV:

Walang tigil ang pag- iyak ni Ate Eliza sa tabi ko. Hindi sana namin siya isasama kasi baka mag collapsed siya doon kaso nagpupumilit siya.

Kuya Theodore and Juaquin is so tensed habang papalapit ang sinasakyan namin sa location na binigay ni Abbygail ay sobra-sobra na rin ang kabang nararamdaman ko.

Sasakyan naman ni Nathan ang nasa likod kasama niya doon sina Ate Elvie at si  Mr. Ang na ex husband ni Margarette.

Apat na patrol car at isang pang medics.

Kung tutuusin madali lang mahuli si Margarette kasi tatatlo lang sila. Pero tuso ito. Mautak pa sa matsing ang babaeng ito.

Ganitong ganito rin ang eksena dati ng sinugod namin ang lugal kung saan ang ambush na naganap. Sabog at wasak na wasak ang sasakyan ni Ate Elvie noon.

At isang pekeng bangkay ni Ate Elvie ang bumulagta sa amin.

Sekreto akong nagpaimbestiga. At nalaman kong buhay pa si Vanessa. Kaya saktong kakagraduate ko lang sa pagiging nobisyada ay nagpadestino ako doon mismo sa bahay ampunang pinagsadlakan niya sa pamangkin ko. Saktong sakto na nilipat ang nakatoka doon.

Alam kung makasalanan ang magtanim ng galit sa kapwa pero noong nalaman kong ang anak ni Margarette na si Abbygail ang nagsunog nang bahay ampunan ay hindi ko maiwasang maramdaman iyon.

Sa murang edad niya ay capable na siyang gumawa nang malaking gulo. Pero sa tingin ko ay nasulsulan lang siya ng Mama niya.

May good side pa rin naman siyang natitira kagaya ngayon na siya ang naging guide namin sa lokasyon nila Vanessa.

Naputol ang pagbabaliktanaw  ko n'ong makarinig ako ng mga putok. Akmang lalabas na sana ako kaso mahigpit akong pinigilan ni Juaquin.

Kaya nanahimik nalang ako sa loob ng sasakyan habang inaalo si Ate Eliza.

Kitang kita ko sa loob ng convenience store si Vanessa, na hinostage ni Margarette at ang nakahandusay na duguang si Abbygail.

Hindi ko alam kung patay na ba ito o buhay pa. Hindi ko maimagine na kahit ang sarili niyang anak ay kaya niyang saktan dahil sa kahibangan niya kay Kuya Theodore.

Nakita kong lumapit si Kuya Theodore sa loob ng convenience store. Sumunod sa kanya si Mr. Ang at Nathan.

Ginamitan ng megaphone ng mga pulis sa labas. Pinapasuko si Margarette. Pero nagmamatigas ito.

Napaatras sabay sabay ang tatlong lalaki na pumasok habang kasunod nilang lumabas ay ang dalawang bodyguards ni Margarette.

Kitang kita ng mga mata ko ang paglabas ni Margarette sa convenience store habang kinaladkad si Vanessa papalabas na may nakatutok na baril sa sintido neto.

Mabilis na lumabas nang sasakyan si Ate Elvie. Naalarma ako at lumabas din ng sasakyan para daluhan siya.

"Wow! Reunion pala tayo dito ngayon! What a scene! Hahaha!" Malakas na halakhak ni Margarette.

"Margie, parang awa mo na, pakawalan mo  ang anak ko. Ako nalang ang saktan mo, please." Pagsusumamo ni Ate Elvie kay Margarette.

Akmang lalapit na si Ate Elvie kay Margarette ng mabilisang hinila siya ni Juaquin.

"H'wag na h'wag mong sasaktan si Kamille, Mommy. " Sigaw ni Nathan kay Margarette.

Lahat kaming nandoon ay nalito sa sinabi niya. Maski ang galit na mukha ni Margarette ay biglang nagbago.

"Anak mo siya sa akin Margarette. Siya 'yong batang lalaking iniwan mo sa akin after mong sumama kay Theodore." Malungkot na saad ni Mr. Ang.

Hindi na ako nagulat. Matagal ko ng alam na may anak siya pero ang  hindi ko inexpect ay si Nathan pala iyon.

"Mom, please I beg you." Pagsusumamo ni Nathan kay Margarette.

"Anong ibig sabihin neto Mom?" Agaw pansing pagsasalita ni Abbygail sa likod ni Margarette.

Nawalan lang pala siya ng malay.  Pero puno ng dugo ang buong katawan niya.

"Magkapatid tayo, babe?" Hindi makapaniwalang tanong niya kay Nathan.

Naguluhan din si Nathan. Gulat din siya ng malamang si Abbygail ay kapatid niya sa ina.

"And you ? Hindi Karen ang name mo? You're Kamille na fiancee ni Nathan ? " Umiiyak na wika niya kay Vanessa.

"Ikaw Jonas,  kasabwat ka rin nila?" She's now facing Joaquin.

"Mom? I need an explanation! You didn't told  me about these things." Hagulhol ni Abbygail.

"Shut up! Mas paniniwalaan mo ba sila kaysa sa akin na nagluwal sayo?!" Galit pa ring reaksyon ni Margarette.

"Paano kita papaniwalaan Mom, e ni hindi mo nga ako inangking totoo mong anak! You let me believe all your lies! I can't imagine I fuck with  my own brother and stole him away from my sister, Vanessa." Todo iyak ni Abbygail. Nahabag ako sa batang si Abby. Alam kung mas matindi rin ang pinagdaanan niya ngayon. Idagdag pa ang mga katotohanang isiniwalat sa amin ngayon.

"Akala ko Mommy ni Vanessa ang umagaw kay Daddy pero ikaw pala. Mom are you insane?!" Singhal ni Abby kay Marga.

"No baby I'm not. Bakit ayaw mo maniwala sa akin?" Parang baliw na si Marga sa inakto nito.

"Mom sumuko ka na please.." Yakap ni Abbygail kay Margarette.

"Margarette, ako nalang ang sasama sayo. Total ako naman ang dahilan ng lahat ng ito. But please let go of Vanessa." Dahan dahang lumapit si Kuya Theodore kay Margarette.

"Talaga? Sasama ka na sa akin? Ako talaga ang pinili mo?" Parang bata na si Margarette sa tinuran niya.

Saktong pagkabitaw niya kay Vanessa ng hilahin agad ni Nathan ito papalayo kay Margarette.

Tinaas ni Kuya Theodore ang mga kamay. Sensyales na walang kikilos. Inakay niya si Margarette papasok ng kotse. Pinagbuksan at ng isasara na sana ni Kuya Theodore ang pintuan ng sasakyan ay biglang nagwala si Margarette sa loob.

Andon na kasi ang dalawang pulis at dalawang medics na tinurukan siya ng pampatulog. Pinusasan siya. Pero nagwawala pa rin ito.

"Mga wala kayong puso! Ang damot damot ninyo! Mga sakim! Diba akin lang siya? Ibalik niyo sa akin ang boyfriend koooo.." Yan ang huling narinig namin kay Margarette.

Isinakay namin sa ambulansya si Abbygail at ang dalawang staff ng convenience store na sugatan.

Pinusasan ang dalawang bodyguards ni Margarette na hindi naman pumalag.

Si Margarette ay dinala sa mental institution. Matagal na siyang may record doon. Sakit sa utak!

Pabalik balik na siya doon. Sa sobrang pagka obsess niya kay Kuya Theodore kaya nakagawa siya ng gan'ong kabaliwan.

----
A/N: sorry kung hindi kayo satisfied sa story ko. First time gumawa ng action e. Hehehe. Sana nag- enjoy po kayo.

THE BIRTHMARKМесто, где живут истории. Откройте их для себя