TB 13: Ang Sagot

328 10 0
                                    


Kamille:

Pasado alas siyete na nang gabi ng tumawag si Wacky sa akin. Need ko ng umuwi dahil may bagong balita na raw silang ibabalita sa akin pero hindi ko naman pwedeng iwanan ang pad ni Sherine kasi kakaalis pa lang niya.

Ewan ko ba sa babaeng 'yon at nagmamadaling umalis. Nagpaalam lang siya sa'kin na may importante siyang pupuntahan.
At kailangan niya muna akong iwanan dito.

Gusto ko pa namang surpresahin si Nathan. Miss na miss ko na siya. Mukhang mauunsyami pa ata.

Kaya bago muna ako pumunta sa kanila ni Wacky ay sa bahay muna ako di-diretso. Pero hindi ko pa alam kung anong oras makakauwi 'yong bestfriend ko. Sana magparamdam na siya para makaalis na ako.

Habang naghihintay ay inaalala ko muna ang sinabi nang espesyalistang sumuri sa'kin.
Nagkaroon daw ako ng localized amnesia.
It's a type of amnesia na magkakaroon ako ng memory gap where-in prior neto ang mga stress na experience ko sa buhay na pansamantalang mawawala.

Honestly, kahit nga mukha ng parents ko ay hindi ko na matandaan at kung paano ako napunta sa poder nila Wacky. Ang naalala ko lang noong kabataan ko ay nakatira ako sa isang bahay ampunan. At si Sister Celestine ang tumatayong magulang ko and the rest is Wacky and his Mom.

Kaya nga, everytime, na nanaginip ako ay wala talaga akong maalala kahit kunti. Puro familiar lang na mga tao at kahit anong pilit kung alalahanin kong anong mga koneksyon nila sa buhay ko, sumasakit lang ang ulo ko.

Ayon kay Wacky natagpuan daw nila akong nakahandusay at walang malay sa labas ng gate nila. Kinupkop nila ako kasi naawa sila sa kalagayan ko na walang matandaan.

I'm so blessed to have them. They treated me like as if I'm a part of their family. Pinaaral nila ako hanggang sa makapagtapos at makapagtrabaho.

Malaki ang utang na loob ko sa kanila. Hanggang ngayon ay tinutulongan pa rin nila akong mahanap kung sino ang tunay kung mga magulang at kung nasaan si Sister Celestine.

Oo, si Sister Celestine. Nagbabasakali kasi kami na may alam siya kung sino ang totoo kung mga magulang.

Eight years ago na kasi ang nakalipas ay wala pa rin akong maalala puro panaginip lamang. Hindi naman ako nawawalan ng pag-asa sa tulong ni Tita at Wacky.

Tiningnan ko ang relong de pulso ko, alas otso kinse na nang gabi. Pero wala pa ring Sherine ang dumating. Dahil nababagot na akong hintayin siya kaya nagluto na lang ako dahil nakakaramdam na rin ako ng pagkalam ng sikmura.

After an hour, mag-alas nuybe na lang ng gabi pero wala pa rin si Sherine. Siguro natraffic? Napasarap ang kwentuhan? Baka may emergency. Ano ba 'yan. Kung kailan may importante akong lakad.

Nagdadalawang isip pa ako kung uuwi ngayon. O ipagpabukas ko na lang? Ayoko rin kasing bumiyahe ng late sa daan. Antukin pa man din ako. Mahirap na makatulog sa byahe.

Ma-text nga si bes.

"She, dito ka ba magdidinner?" Paunang text ko.

I waited for 30 minutes pero wala pa ring nagrereply.

So I texted her again.

"Are you coming home late?"
"You okay there?"
"Text me asap if you read my messages."
Sunod sunod kong text sa kanya.

Another 30 minutes ang lumipas pero wala pa ring nagrereply. So, I immediately called Wacky to postponed our meet up.

Then I dialled Sherine's number..

Ring lang ng ring ang cellphone niya. I stared at the wall clock. Past 10 na. Wala pa rin siya. Wala ring reply.

So I called Nathan. Naka ten rings muna ako bago niya ito sinagot.

"Love, sorry ngayon ko lang nasagot. Nasa banyo kasi ako nang tumawag ka." Hingal na sagot niya.

"It's okay love. I just called to say I missed you." Malambing na sagot ko sa kanya.

"I miss you more love. Isang linggo na lang at magkakasama na ulit tayo." Humihingal pa ring sagot niya.

Napakunot noo ako. Is he sick? Parang galing siyang nakikipaghabulan. E kakasabi lang niya na sa banyo siya galing.

"Love? Are you okay?" Nag-aalalang tanong ko sakan'ya

"Uhm, yeah. Why?" Medyo mahinahon na niyang sagot sa akin.

" Parang hinihingal ka kasi e. Kumain ka na ba? You really okay d'yan? Sabihin mo lang at magpaalam ako para makauwi agad d'yan." Nag-aalala pa ring sabi ko sa kanya.

"I'm fine love. Yes love tapos na ako kumain. Don't worry too much. One week to go." Masigla niyang sagot.

"Sige love. Tawagan kita ulit bukas ha. Magpahinga ka na d'yan. Iloveyou." Malambing na sagot ko.

"I love you so much love. Can't wait to see you. 'H'wag kang masiyadong magpapagod d'yan ha.. See you next week. Mwah!" Masayang sagot ni Nathan.

"I will. Mwah." I ended the call.

Tapos tinawagan ko si Sherine.

" Oh bes, zup? " Parang gulat niyang sagot sa akin.

" Where are you?" I rolled my eyes. Nakakainis 'tong babaeng 'to. Saang lupalop na naman nagpupunta.

"I'm with a friend. Sorry, I didn't notice your message. " Naiimagine ko na naka peace sign sya ngayon.

" Mamayang kunti ay uuwi na ako. Don't wait for me nalang kasi tapos na akong kumain. Ay! Ano ka ba? May kausap pa ako." Natawa ako sa narinig ko.

"Okay. Mukhang nakakadistorbo na ako. So see you later." Ino-off ko agad ang tawag.

She's with a friend daw. Napailing na lang ako.

Sa sobrang busy ko sa trabaho at balisa sa buhay ko. Nakalimutan ko na tuloy makipagkwentuhan about sa lovelife ng bestfriend ko. Ang dami ko ng namiss na bondings namin. Pati si Nathan ay malapit ko ng mapabayaan.

Kaya I need to fix myself before it would totally ruin my life. Ayokong magising na lang ako isang araw na wala na ang mga mahalagang tao sa buhay ko.

But how? Ang hirap mangapa ng mga bagay na hindi ko alam kung kelan ko mabigyan ng solusyon. Nahihirapan akong mag-umpisa dahil hindi ko rin naman alam kung saan ako magsisimula. But I didn't lose my hope.

Naniniwala pa rin ako na lahat ng problema ay may solusyon, na masasagot ko rin ang mga katanungang matagal ng hindi nabigyan ng kasagutan. Hopefully..

THE BIRTHMARKWhere stories live. Discover now