TB 19: Ang Nakikiapid

296 12 1
                                    


Antonette:

Kakaalis lang ni Karen ay saka naman dumating si babe Jonathan ko.

My new friend is kinda weirdo. Parang wala sa sarili.

"Hi babe!" Masiglang bati ko kay Jonathan.

Mabilis akong tumayo at umangkla sa leeg niya at binigyan siya ng matunog na halik sa mga labi. Wala akong pakealaman kung pinagtitinginan na kami ng ibang mga bisita rito.

"Whoaa, wait teka! Hindi ka naman excited masyado niyan babe." Natatawang wika ni Jonathan.

"E namiss kita ke-she e." Maarte kong sagot sa kanya.

Pangiti ngiti lang 'tong damuho na 'to.

"Buti naman at hindi pa umuwi si Kamille noh. Makakasama pa ulit kita ng matagal." Nakakandong ako sa kanya ngayon.

I don't care kung nasa cafeteria kami basta maging PDA ako.

Hindi naman ako pinaalis ni Jonathan. Hinayaan lang niya ako.

"You're lucky huh? Makakasama mo ang gwapong mukha ko ng matagal." Mayabang na wika niya sa akin.

"Yabang." Sabay kurot ko sa braso niya.

Pailag din siya sa kurot ko.

"H'wag tayong makapante babe. Baka biglang tumawag na naman 'yon tapos uuwi." Biglang sumeryoso ang hitsura niya.

"No worries babe. H'wag na muna natin iisipin 'yan. Ang mahalaga sa importante ngayon ay magkasama tayo." Pinugpog ko siya ng mga mumunting halik sa pisngi.

Pero may nakakuha ng atensyon ko, teka si Karen 'yon ah. Akala ko ba ay matutulog na siya. Hawak hawak niya ang cellphone niya at nakaupo siya sa pinakasulok sulokang parte ng cafeteria. Hindi mapakali ang hitsura nito.

Naagaw ang atensyon ko ng biglang magring ang cellphone ni Jonathan.

Wifey Calling..

Pinalipat ako ng upo ni Jonathan sa kabilang silya. Pero imbes na sundin ko siya ay hindi ako umalis sa pagkakandong sa kanya.

Nilagay ko ang headset sa tig- iisang tainga namin. Hindi na siya nakapalag nang pinindot ko ang answer button.

Akmang magsasalita na sana siya ng padiin ang tono nang boses ng babaeng kausap niya sa kabilang linya.

" Where are you?!" Medyo paasik ang boses nito.

"I went to your office kanina, to surprise you, pero ako ang nasurprise dahil wala ka roon at sinabing naka-file ka ng leave for a month." May diin ang bawat katagang binibitawan ni Kamille sa kabilang linya.

"Na--sa ba-bahay love." Medyo nauutal na sagot ni Jonathan. Ang damuho masyadong halata.

" Bakit ka naka-on leave?" Seryoso pa rin ang boses sa kabilang linya. Naiimagine ko ang hitsura ni Kamille sa kabilang linya.

"Diba nagkadiarrhea ako? Nadehydrate ako. Nilubos ko na. Para makaipon ng lakas." Pagsisinungaling ni Jonathan.

"Gan'on ba?" Matipid na sagot ni Kamille na halata namang hindi naniniwala.

"Saan ka na? At susunduin kita." Pinagpapawisan na si Jonathan. Ramdam ko ang panginginig ng mga hita nito na ikinagewang gewang ko sa kinauupuan ko.

Nakasimangot ako. Nakakainis naman.
Akala ko ba ay hindi pa makakauwi pero bakit ngayon..

"No need. I know you're lying Jonathan!" Paasik na ang boses ni Kamille. Naku po!

"Hindi love," medyo taranta na si babe ko. Para itong maamong tuta na kumakawag ang buntot pagkakita sa totoong may-ari.

" Nandito ako sa bahay natin ngayon. I've been waiting for you here for almost two hours but kahit isang anino mo ay wala akong makita." Nagcrack na ang boses ni Kamille sa kabilang linya. Parang hindi na nakayanan ang pagpigil nito sa emosyong nararamdaman.

"Ohh love. I'm sorry I just go out to buy some foods. Wait for me there. I'll be there in 30 minutes." Mabilis na tumayo si Jonathan na ikinabagsak ko sa sahig. Wala man lang pasabi ang damuhong ito.

"Ouch!" Napaaray ako sa sakit. Ang balakang ko.

Tinakpan agad ni Jonathan 'yong bibig ko.

" Sino 'yang kasama mo?!" Galit na talaga si Kamille. Naiimagine ko na umuusok na ang ilong nito sa galit.

" Nasa store ako love.. Nasanggi ko kasi ang isang customer na nasa pila." Galing talaga mag-alibi. Napakasinungaling.

"Okay. I'm leaving. H'wag ka na umuwi. " Sabay patay ni Kams sa kabilang linya.

Nasapo ni Jonathan ang ulo niya.

Naimbyerna pa rin ako. Hindi naman pala sila magkikita ngayon. Tumawag tawag pa. Atribidang babae 'yon ah.

"Uwi muna ako ha. Balik na lang ako kapag okay na," Hinging paumanhin sa'kin ni Jonathan.

"Ano pa nga ba!" Pagtataboy ko sa kanya.

Dissappointed ako. Akala ko ay magkakaroon kami ng matinding labanan ngayon. Kaso paasa lang lahat. Nanggagalaiti ako sa inis ng mapansin ko si Karen na papasok sa comfort room. Kakaalis lang ni Jonathan kaya sinundan ko agad si Karen kung saan ko siya nakita.

Ayain ko sana siyang magbar mamaya para pampawala ng badtrip.

Pero pagkapasok ko ng CR. Narinig ko siya sa isang cubicle na humahagulhol.

Kunwari ay hindi ko siya sinundan at hindi ko alam na siya ang nandoon sa loob.

"Miss, are you okay?" Pag-alala ko kay Karen. Mukhang malaki ang problema ng isang to.

"Yes, I'm okay. " Sabay labas ng cubicle. Halatang halata na umiiyak siya dahil namumula ang mga mata nito at kumalat ang eyeliner nito.

Medyo gulat pa nga siya nang makita ako sa labas ng pinto.

"May probs ka ba? Care to share?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

Pero hindi siya umiimik.

"Ako kasi meron," malungkot kung kwento sa kanya. Damay damay na kami sa lungkot.

Tiningnan niya lang ako.

"Pa'nong meron? E masaya nga kayo ng hubby mo kanina habang nag-uusap." Pambabarang wika niya sa akin. Ay ampalaya si girl.

"Bakit hindi ka lumapit sa amin? Ipapakilala sana kita." Imbes na patulan ko ang ka bitteran ng pananalita ay iniba ko ang sagot sa kanya.

"Next time na lang," matipid na sagot niya.

"Bar tayo mam'ya. Sama ka?" Napabuntunghininga ako. Gusto ko talagang may malabasan ng sama ng loob ko ngayon kung hindi ay sasabog ako.

"Sure. Can I invite a friend?" Biglang nagbago ang mood niya. Magkakasundo agad kami neto.

"Oo ba. The more the merrier." Nagagalak na wika ko. Mabuti naman at pinaunlakan niya ang pag-aya ko sa kanya.

"Mam'ya nalang tayo magkita ulit," At nagpaalam na siya. Nakaalis na siya ay napaisip pa rin ako.

"Ano kaya ang probs niya? Katulad din kaya ng probs ko ang problema niya?" Napaisip tuloy ako. Parang magkakasundo ata kami sa ganitong sitwasyon pa.

Ang hirap pala ng ganitong sitwasyon.

'Yong tipong mamalimos ka ng atensyon sa ibang tao. Hanggang ngayon ay pangalawa na naman ako. Hindi na ako makawala sa pagiging pangalawa.

Umakyat na ako sa room ko at hinintay ang oras na magkikita kami ni Karen.

----
A/N: Late update ulit. Always say sorry. Hehe. Busy langs talaga is me. I won't promise pero I will finish this story ngayong taon. Para makaproceed sa ibang pending stories ko.. paalam muna readers.

Feel free to comment lang po.

Magrereply naman po ako e.
Hihihi.

THE BIRTHMARKDonde viven las historias. Descúbrelo ahora