TB 30: Pagtakas

297 8 2
                                    

Kamille:

Good thing, I was saved by Abbygail. We'll both catch up some things after these mess. All we have to do is to escape Tita Marga's obsession for Daddy.

Natigil ang pagmuni-muni ko nang may narinig akong mabilisang katok sa pintuan.

Kinabahan ako. Kanina pa kasi lumabas si Abbygail para bumili ng foods namin. Kaya imbes na pagbuksan ang pinto, ay sinilip ko muna sa butas para mapagsino ang kumakatok.

Nakita ko si Abbygail sa labas na panay lingon habang kumakatok. Para itong may iniiwasan.

Kaya dali-dali ko siyang pinagbuksan ng pinto at hinila agad papasok sa loob.

"What's wrong with you? May problema ba?" Tanong ko agad sa kanya. Nasense ko na agad na may problema.

"Yeah. I saw Mom's car at the basement. We need to hide. I know Mom so well. " Balisang sagot niya sa akin.

"How? And where?" Medyo nahawa rin ako sa pagiging balisa niya.

Imbes na sagutin niya ang tanong ko ay nginangatngat niya lang ang kuko niya.

"Abby? We need to escape. Baka maabutan niya tayo dito." Niyugyog ko ang balikat niya. Bigla kasi siyang natigilan.

Sumilip siya sa butas at dali-dali niya akong hinila palabas nang kwarto. Basta sumunod lang ako sa kanya.

Hinanap namin ang pantry ng floor namin at doon nagtago. Tahimik kami pareho.
Muntikan pa kaming mapasigaw nang mag-ring ang cellphone niya.

"Hello Daddy? Yes po. Pakibilisan niyo po at magtawag po kayo ng police. I saw Mom's car outside. Baka nalaman niyang nandito kami. Wait, ibigay ko po sa kanya." Sabay abot niya sa'kin ng phone niya.

"Dad? Daddy? I'm okay. Save us please. Take care po." Nanginginig ang mga kamay ko na binalik kay Abbygail ang cellphone niya.

Rinig ko pa ang boses ni Wacky sa background na nagmumura. Galit na galit ang boses niya habang sila Auntie Eliza at Auntie Tine umiiyak at parang narinig ko ang boses ni Jonathan.

Isang oras na katahimikan ang namamagitan sa aming dalawa. Walang kahit ni isa sa amin ang nag-ingay. Pero bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Halos mawalan ako ng ulirat ng marinig ko ang pagpihit nang doorknob ng pantry. Pakiramdam ko na tumigil din ata ang pagdaloy ng dugo ko sa aking sistema.

Dahan-dahan ang paraan nito sa pagbukas kaya nahigit ko pa ang aking hininga kasi baka si Tita Marga na ang pumasok. Kung ano-ano na ang naiisip ko. Namumuo na rin ang pawis sa aking noo dahil sa sobrang tensyon.

Saka pa lang ako nahimasmasan nang makita ko na isang Room Attendant lang pala ang pumasok.

May tulak tulak itong cart na puno ng bedsheet. Maski sya ay nagulat ng makita niya kaming dalawa ni Abby sa loob ng pantry. Akmang lalabas na sana ito para magtawag ng security pero maagap ko itong pinigilan.

"No, please don't shout. I beg you. We are harmless. Actually, we're hiding from someone who kidnapped her." At tinuro ako ni Abbygail.

"Paano ko masisigurong hindi kayo masasamang tao?" Matiim na titig samin n'ong babae.

"Here's my Identification card. We're sisters. Papunta na ang mga police dito para sunduin kami. But we need your help." Mabilis na sagot ni Abbygail sa Room Attendant.

"Anong klaseng tulong? " Hindi pa rin kumbinsidong wika nang R.A.

" Ituro mo sa amin ang exit ng inn na 'to." Nagbabasakaling wika ko sa kanya. Sana pumayag siya.

"Mukha naman kayong harmless. Sige tutulungan ko kayo." Nagbago agad ang eskpresyon ng hitsura nito at nakangiti na.

"We owe you for our safety." Chorused na sagot namin.

THE BIRTHMARKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon