TB 1: Pagtakas

1.2K 40 3
                                    

Antonette:

"Saklolo, Saklolo! Tulungan niyo po ako! Parang awa niyo na po! "

Halos maubusan na ako nang boses at naglalabasan na ang litid nang mga ugat ko sa leeg, sa paghingi ng saklolo, lakad takbo na ang ginawa ko, hindi ko na nga alam kung kaninong bahay ang pwede kong mahingan ng tulong.

"Tulungan ninyo ako, hinahabol ako ng mga hukluban." paos na sigaw ko pero animo'y mga bingi ang mga taong nakatira dito dahil wala man lang kahit ni isang nagtangkang lumabas para tulungan ako.

It seems like they're afraid of something.

They just keep on peeping on their windows and everytime I make lapit to their house ay bigla-bigla nilang sinasara ang mga bintana nila. 

"Someone help me please!"

Isa-isa ko pang kinatok ang mga pintuan nila para magbasakaling may mabuting puso na mahabag sa sitwasyon ko, pero, nagsasayang lang ata ako ng oras dahil wala talagang pag-asa na may tutulong sakin kaya nagpatuloy ako sa pagtakbo.

Kinakatakutan ba sa lugar na 'to ang mga huklubang uhugin na kasalukuyan kung tinatakasan ngayon? naitanong ko sa sarili ko na kahit ako ay hindi alam ang tamang sagot.

Sobrang lamig na ng pawis ko, sabog-sabog na ang kaninang nakatali kong buhok, hindi ko na nga alam kung ano nang hitsura ko ngayon kaya mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo dahil hindi talaga nila ako pwedeng maabutan.

Ayoko pang matyugi ang beauty ko. Sayang naman ang alindog ko kung babagsak lang ako sa mga halang ang kaluluwa. Hindi ako makakapayag.

Pinagsisihan ko tuloy na hindi ako sumabay sa mga ka-workmates ko at mas piniling tahakin ang daan na pa shortcut papunta sa tirahan ng ka live-in partner ko.

Naalala ko pa nga noong unang mapagawi kami rito ng daan ay nginingitian nga nila ako, sa isip ko.

Kilala ang pamilya ni Jonas sa lugar nila.

Hindi ko lang alam kung anong papel nila sa mga tao rito at kung bakit ganoon na lang ang ganda ng pakikitungo nila sakin noong unang salta pa lang ako rito.

Nasaan na nga ba si Jonas? 

Then, suddenly I had felt this unwanted feelings that always makes me sick everytime I will feel this.

Lagi na lang ba akong tumatakas?

Lagi na lang bang may humahabol sa aking mga hindi kanais-nais na bagay o tao?

Lagi ko na lang bang tatakasan ang mga taong pinipilit akong saktan?

Mga taong walang ibang ginawa kundi lapastangin ang aking pagkatao.

Mga taong walang ibang ginawa kundi dungisan ang aking dangal.

Pagod na akong tumakbo at takasan ang mga bagay bagay na hindi ko naman ginusto.

"Ayon mga tsong iyong bebot bilisan ninyo't pagtiba-tibain na natin. Bwahahahahahaha."

Nagising ang diwa ko nang marinig ko ang boses ng mga hangal ang kaluluwang humahabol sakin, "Jusko po Lord parang awa niyoyo na po, ilayo n'nyo po ako sa mga hayok sa laman na mga 'to."

Wow! Ako ba to?  
Mangiyak-ngiyak na ako sa takot na nararamdaman ko..  

Binilisan ko pa ang aking pagtakbo.

Swerte ng mga kumag na 'yon kapag naabutan nila ako.

Hindi sa nagmamayabang ako dahil kasali ako dati sa school bilang athlete ng track and field.

Marami na rin akong mga napanalunang competition. Maganda na sana ang career ko sa buhay bago ko makilala si Jonas, siya iyong kalive-in partner ko na dapat susundo sakin ngayon.

Haynaku, saang lupalop na naman kaya nagsusuot ang lalaking iyon. Kung kailan kailangan ko siya ay saka naman siya wala.

'Naku, Jonas saan ka na ba kasi?' Naiinis pa rin ako sa iisiping mas pinili ko siyang makasama kaysa magstay sa bahay nina Mommy pero ngayong nasa bingit ako ng kapahamakan ay hindi ko siya mahagilap.

Isang surgeon at businesswoman ang mga kinikilala kong mga magulang.

Laki ako sa layaw, lahat ng gusto ko binibigay nila. Gusto ko rin 'yon kaya lahat ng maisipan kung gawin, mapakalokohan man o kabutihan ay sinusuportahan nila, kasi sa mga materyal na bagay lang nila pinapakita at pinaparamdam na mahal nila ako..

Hindi kasi magkaanak si Mommy kaya nang inampon nila ako ay laking tuwa nila kaya wala na silang  ibang ginawa kundi busugin ako sa mga bagay at atensyon na matagal ko na ring gustong maramdaman at matagal na rin nilang pinapangarap na makamtan..

OO, isa akong ampon. Ah' ang masalimuot na buhay ko sa bahay ampunan. 

"Yari ka saming babae ka kapag naabutan ka namin! Ipapatikim namin ang langit sayo kaya 'wag ka ng tumakbo! HAHAHAHA!"

Nagising ulit ang diwa ko ng maulinigan ko ang  boses ng mga naghahabol sakin.

Kaya binilisan ko pa lalo ang aking  pagtakbo  at lumiko ako sa likod ng isang bahay at bongga.

Saktong pagkalabas ko ay may nakita akong apat na sanga-sangang daanan. Dalawang makipot na daan papasok ulit sa mga kabahayan, Pangatlo, ay isang maliit na daan na madilim, pang-apat ang isang malapad na daanan papunta sa hindi ko alam.

Ang pinaka-malapad na daan ang pinili ko, dahil kapag tumakbo ako doon ay may space pa para makaiwas ako sa mga humahabol sa akin, kaya dali-dali akong umikot sa likod ng pinakahuling bahay na nakita ko at sakto tumambad sakin ang isang malapad din na kalsada.

Nadismaya pa ako nang malamang walang katao-tao dito, ano pa nga ba ang i-expect ko sa lugar na ito, kahit naman maraming tao pero walang may gustong tutulong sa'kin ay wala pa ring pinagkaiba. Sa unahan ay may nakita ako na isang kotse na nakapark sa gilid ng kalsada.

Dali-dali akong tumakbo papalapit doon.

Medyo marami ng bahay dito banda at hindi na siguro iisipin nang mga adik na 'yon na dito ako magtatago.

Nabuhayan ako ng loob. Hindi na ako nagdalawang-isip. Palinga-linga pa ako habang  papalapit sa kotse na walang driver.

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng kotse ng makarinig ako ng kaluskos. Nagpanic agad ako kaya imbes sa loob mismo ng sasakyan ako magkubli, dali-dali akong umikot sa likuran ng sasakyan.
Saktong sakto pagkapihit ko ng compartment ng kotse ay bukas. Swerte ko naman at hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at dali-dali akong pumasok.

Bahala na si Batman, kung sino man ang nagmamay-ari nito ay sana mabuting tao. Sana hindi siya katulad ng mga huklubang naghahabol sa akin. Sana ilayo niya ako sa kapahamakan.

THE BIRTHMARKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon