Chapter 44

933 25 0
                                    

-MYCA-

Kinabukasan, maaga akong bumangon para maghanda ng mga ireregalo ko kina Vince at Vann.

Kagabi pa sana ito kaso nauna akong nakatulog dahil nga sa sobrang kabusugan.

Siyempre, malaki ang utang na loob ko sakanila kasi hindi ako napariwara sa paglalayas ko. Bagkus, ibang klaseng saya ang nasumpungan ko sa katauhan nila. At napakarami kong natutunan. Kaya naman gusto kong makabawi kahit sa simpleng bagay lang na ito.

Una kong ginawa ay ang utang kong chocolate cake para kay Vann. Hindi ko alam kung kailan ko siya maipagbe-bake ulit kaya talagang nilakihan ko na. Pagkatapos ay nilagyan ko ng dedication...

"Thanks for everything, baby bro. <3 Ate <3"

Pagkatapos no'n ay inilagay ko muna iyon sa ref at sunod na ginawa ko ay nagluto na ako ng almusal para tuloy-tuloy na lang mamaya.

Pagkatapos magluto ng almusal, pumunta ako sa kwarto ko para i-ready naman yung regalo ko kay Vince.

Hinalughog ko doon sa malaking maleta ko yung isang terno ko ng undies. Paborito ko 'to pero iiwan ko sakanya kasi love ko siya at ayaw kong ma-miss niya ako nang todo.

Inamoy ko pa iyon para masiguradong hindi pa gamit 'yon. At nang makasiguro ako, kinuha ko yung maliit na paper bag na pinaglagyan ng swimsuit at doon ko inilagay kasama nung maikling love letter na ginawa ko para sakanya.

Nilagyan ko pa ng pabango para talagang humahalimuyak at mabaliw sa akin si Mine. Hehe!

Pumunta ako sa kwarto niya at marahang isinilid iyon doon sa cabinet sa bedside table niya at pagkatapos ay umupo ako sa gilid ng kama niya.

Bakit kahit tulog ang gwapo pa rin nitong si Vince? Samantalang ako, pag nagigising ako, lagi akong nakanganga kaya lagi ring may natuyong laway sa gilid ng labi ko. Kainis!

At dahil isang malaking tukso talaga ang mukha ni Mine, hindi ko napigilan ang sarili ko.

I leaned in and gently gave him a peck on the lips.

Tingin ko talaga nagpapanggap lang na tulog itong si Vince eh! Kasi tulad ng dati, bigla na lang gumalaw yung mga labi niya at pagkatapos ay hinawakan ako sa likod para pigilan akong umalis.

He opened his eyes and stared directly at my widening ones. Seryoso, naghahalikan kami habang dilat na dilat pareho ang aming mga mata!

I was gasping for breath when he ended the kiss. Pero nakapatong pa rin yung kalahati ng katawan ko sa dibdib niya.

Pakiramdam ko nagpapaligsahan sa bilis ng tibok yung mga puso namin.

"Good morning, Mine," he huskily said as he touched my face.

"G-good morning, M-mine," mautal-utal na sabi ko. Ibang klase siyang mang-akit talaga sa umaga! Sobrang effortless pero nakakapanginig ng tuhod!

"Is breakfast ready?" tanong niya habang yung buhok ko naman yung nilalaro niya.

"O-oo," nanunuyo ang lalamunang sagot ko. Bakit ba ako kinakabahan nang ganito?!

His eyes became hooded and his stare was now burning.

"Good. Dahil kagabi pa ako gutom sa'yo," sagot niya.

Suddenly, I was the one lying in bed and Vince was the one on top of me.

He unceremoniously kissed me on the mouth while his hands started wandering on my body.

Hindi pala ako kinakabahan kanina dahil sa takot, kinakabahan ako dahil sa excitement. Iba pala yung breakfast na tinutukoy niya...

Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. BrokeWhere stories live. Discover now