Chapter 54

869 24 3
                                    

-VANN-

"Here you go," sabi ni Gwen at inilapag sa mesa ang ulam na 'niluto' niya.

Napalunok ako, hindi dahil sa masarap siyang tingnan kundi dahil mukhang mamamatay ako kapag tinikman ko yun.

I looked at her. She was smiling proudly with her cooking. Naka-apron pa siya at nakatali ang buhok.

Ugh. Pa'no ko ba sasabihing hindi mukhang masarap yung luto niya in a way na di siya masasaktan?

"Zen! Tikman mo na dali! Sinunod ko naman lahat ng instructions sa Youtube sa pagluluto ng adabang manacc!" panggagaya niya dun sa accent ng pinanood niya saka siya tumawa nang tumawa.

Isa ring baliw talaga ito, eh.

Napatingin akong muli sa niluto niya. Adobo ba 'to? Bakit nasobrahan yata sa toyo kaya naging itim?

"Gwen..."

"Hmm? Eat up!"

Huminga ako nang malalim.

"Tingin ko mas masarap ka pa rin sa ulam na niluto mo," sabi ko at pilit kong nginitian siya.

Ilang sandali siyang nakatingin sa akin bago humagalpak ng tawa.

She was clutching her stomach while she threw her head back and laughed like crazy.

I have never seen Gwen laugh like this. At di ko akalaing makikita ko siyang tumawa nang ganito.

Hindi ko namalayang napapangiti na lang ako sa nakikita kong saya sa mukha niya.

"Bastard. You're too damn nice, Zen. Pwede mo namang sabihin sakin nang diretsa na hindi iyan masarap. Bobolahin mo pa ako, eh," natatawang pa ring sabi niya.

Tinanggal niya yung apron niya at pagkatapos ay kinuhang muli iyong mangkok ng adobo. Napatingin ako sa mga daliri niya. Namumula ang mga iyon at parang may mga maliliit na sugat.

Inusig ako ng konsensiya ko. Gwen had been with me through ups and downs. Tapos ito lang hindi ko kayang gawin para sakanya?

Pinigilan ko ang kamay niya.

"Leave that. I'll eat. And you're eating with me," sabi ko at naglagay na ng kanin sa plato ko at plato niya.

At least the rice was okay. Dadamihan ko na lang ang kanin.

"Ahhh. Too nice, too nice," nakangising sabi niya bago umupo.

Kumuha ako ng isang piraso ng manok at hinalo iyon sa kanin.

She was watching me as I eat, clearly waiting for my expression.

Pagkasubo ko, kulang na lang lunukin ko agad iyon pero nang matikman ko yung lasa, medyo nalito ako.

It didn't taste like the usual adobo but it wasn't so bad either.

"Masarap, ano?" nakangiting tanong niya habang kumukuha ng ulam.

"Not bad. Nagulat ako sa lasa. Adobo ba talaga ito? Bakit parang manamis-namis at bakit sobrang itim?"

Tumawa pa muna siya.

"Oyster sauce kasi yung nalagay ko, sa halip na soy sauce. Tapos nilagyan ko pa ng konting asukal. Ewan ko ba nalito ako dun sa pinanood ko eh. Kaya kung ano-ano na lang nilagay ko diyan."

Napailing ako. Sana lang huwag sumakit ang tiyan ko.

"Thanks for the food, Gwen," I said appreciatively.

I missed Myca's cooking, but that part was gone now.

"Uh-huh. How are you, Zen?" kapagkuwa'y tanong niya habang ngumunguya.

Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. BrokeWhere stories live. Discover now