Chapter 5

1.4K 44 1
                                    

-MYCA-

"Manong, heto po yung bayad," inabot ko sa Grab driver yung pamasahe at dinagdagan ko ng konting tip para sa pagtulong niya sakin sa pagbaba ng mga pinamili namin ni Vince.

"Salamat po, Ma'am," nakangiting sabi nito bago umalis.

Binitbit ko ang ilan sa mga plastic bags at ipapasok ko na sana sa loob nang lumabas si Vann.

"Myca? What's with those? Nag-grocery ka?" aniya sabay kuha ng mga bitbit ko at sabay kaming pumasok.

"Nag-grocery kaming dalawa ng kuya mo actually," sagot ko habang inilalagay sa mesa yung mga pinamili.

"Huh? Kung ganon nasan si Kuya?" 

"Hindi ko alam. Bigla na lang niya akong nilayasan kanina. Buti na lang iniwan niya sakin 'tong wallet niya kaya may pinambayad ako ng Grab."

Napakunot-noo si Vann.

"May nangyari ba? It is not like him to suddenly leave his groceries and wallet and run off."

"I don't know. Tanungin mo na lang siya pag nakauwi na."

Agad na bumalik sa alaala ko yung mukha ni Vince kanina bago siya biglang umalis.

He was crying and he looked like he was in so much pain. Saglit ko lang nakita yon but I knew he was hurting.

Why? Panong nangyaring ang isang antipatiko at supladong gaya niya ay basta na lang iiyak?

What was the reason? I hate that I feel restless not knowing the reason behind his tears!

Napatigil ako nang makita ko yung isang dosenang beer na binili ni Vince.

"Sir Vann? May problema ba si Sir Vince?" di ko mapigilang tanong ko.

Tiningnan ako ni Vann bago bumaba yung tingin niya sa mga beer na hawak ko.

He sighed at pagkatapos ay lumapit siya saakin at kinuha yung mga beer.

"I told you, may sakit siya sa puso," sabi niya at siya na yung naglagay ng mga beer sa ref.

I am so confused! Kailan pa naging gamot sa sakit sa puso yung beer?!

***

Lumipas yung mga oras at hindi pa rin umuuwi si Vince. Nakapaglinis at nakapagluto na ko at lahat pero hindi pa rin siya bumabalik.

Napatingin ako sa wall clock - mag-a alas diyes na ng gabi.

"Myca."

Napatingin ako kay Vann.

"I'll go out for a while. Hanapin ko lang si Kuya," pagpapaalam niya.

Parang sanay na siyang ganito. Yung laging naghahanap sa kuya niyang nawawala. Bakit ba ang lagalag ni Vince? Hindi ba niya alam na may nag-aalala sakanya?

"Sige po, Sir Vann. Hihintayin ko na lang din siya ditto kung sakaling umuwi siya."

"Okay, thanks," sabi nito at lumabas na.

Ako naman ay naupo sa sofa. Hindi ko alam bakit ganito na lang yung nararamdaman kong pag-aalala. Maybe because I saw him looking vulnerable?

Ahh ewan!

Tumayo ako at pumunta sa kusina para iinit na yung ulam na kanina ko pa naluto. Para kung sakaling dumating na sila, eh makakain na agad.

Hindi pa ako nagtatagal sa harap ng microwave nang makarinig ako ng mga katok.

Bakit kumakatok kung may doorbell naman?

Agad na lumapit ako sa pinto at nang makita kong si Vince yon, kaagad na binuksan ko yung pinto.

Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. BrokeWhere stories live. Discover now