Chapter 1

5.2K 111 27
                                    

Chapter 1

-MYCA-

"What?!  Ano'ng kasal ang pinagsasabi niyo?! I won't marry whoever that guy is! Ang bata ko pa, Ma! All my life, sinunod ko ang gusto niyo. But not this time! Hinding-hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko mahal!"

"Watch your tongue, lady! We're doing this for you!"

"Really, dad? For me? O para lang sa kompanya niyo?!"

Pagkasabi ko no'n ay tinalikuran ko na sila. Naiinis ako! Bakit ba lahat na lang ng gagawin ko sa buhay ko, kailangan sila ang magdesisyon?

I have lived my life the way they wanted me to live it. Naging masunurin naman akong anak sa kanila and now they want me to marry a guy I have never even met?!

"Wala ka nang magagawa, Myca. You will marry Glen whether you like it or not!" Pahabol na sigaw pa ni mama.

Huh! Yun ang akala nila.

Pagkapasok ko sa kwarto ko, agad akong nag-impake.

Buo na ang pasya ko, tatakas ako mamayang gabi.

Because this time, I will defy their command.

----

-VINCE-

"Tama na nga yan, Kuya! Wala namang nagagawa yung pag-iinom mo! Hindi mo na mababalik pa sa'yo si Sugar! Just move on already, for Pete's sake!"

Dinig na dinig ko ang panenermon ng kapatid kong si Vann sakin. Masakit man ang mga sinasabi niya, pero lahat ng yun ay totoo.

Patuloy ako sa pag-inom. Hindi man ako natutulungan ng alak para ibalik sa 'kin ang mahal ko, natutulungan naman ako nito para kahit paano mamanhid yung pakiramdam ko.

Tumayo ako at lumabas. Masyadong istorbo sa pagsesenti ko si Vann at naiinis na ako. Palibhasa kasi wala pa siyang alam tungkol sa pag-ibig at ang sakit na maaaring idulot nito.

Ano bang magagawa ko? Forgetting and moving on are things that are easier said than done. I'm still hurting and I'm starting to love it. 

Magiging masokista pa yata ako.

Haay.. Shooey. I miss you so bad.

I got in my car and sped away. Patuloy lang ako sa pagda-drive hanggang sa may tangang babaeng bigla na lang humarang sa harapan ng kotse ko. Buti na lang at agad akong nakapag-preno.

Nag-init lalo ang ulo ko. Masama akong magalit lalo na't bigo ako. Buwisit.

I'm heartbroken, for Pete's sake tapos makakasagasa pa ko? Nakanang buhay 'to.

Frustrated, I got out of the car and yelled at the dumb woman who suddenly appeared out of nowhere.

"What the hell were you thinking?! Gagawin mo ba 'kong kriminal ha?!"

The woman still had her eyes closed. Napamulat lang siya nang sigawan ko.

"Oh my God! Oh, thank goodness! I'm still alive! Hallelujah!"

Aba't hindi ako pinansin?

"Hoy, Miss! Pwede ba? Kung magpapakamatay ka, wag kang mandamay ng ibang tao? Magbigti ka na lang. Buwisit!"

Napatingin naman siya sakin. At ang una kong napansin sakanya eh yung mga mata niya na nasisinagan ng ilaw na nanggaling sa sasakyan ko. They were coal black. At bilog na bilog. Agad siyang lumapit sakin.

"Mister! Pasensya na! Sa totoo lang, hindi naman ako magpapakamatay eh. May humahabol kasi sakin kanina. Kaya nang makita kong may sasakyan na parating, agad ko yung hinarang. Tulungan mo 'ko, please!" sabi niya.

Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. BrokeOnde as histórias ganham vida. Descobre agora