Chapter 70

1K 31 1
                                    

-VINCE-

"Kyrelle... I will tour you around once I become available, okay? Just don't do the habit of wandering on your own. Philippines is different from US," sabi ko sa kapatid ko habang busy siyang naghuhugas ng mga plato.

"But when will you be available? You're busy with work and Ate Myca, where would that put me?" she said pouting.

"You know I'll make time for you, right? You're my favorite sister after all."

Napasimangot siya sa tinuran ko at pagkatapos ay iniikot ang mata.

"Coz I'm your only sister, Kuya! Hmp!"

Tumawa ako at pagkatapos ay kinuha mula sakanya yung sponge na hawak niya.

"Go to your room and rest. It's been a long day and I'm sure you're tired," sabi ko at ako na ang nagtuloy sa paghuhugas ng plato.

Napatingin ako sakanya nang bigla na lang siyang umatungal ng iyak.

"Kuya Kris! I thought you're really mad at me! I thought you don't love me anymore!" parang batang sabi niya habang pinupunasan yung luha sa mukha niya.

Nakakatawa siyang tingnan kasi ang tangkad niya para sa edad niya pero kung makaasta siya para siyang seven years old.

She shrieked when I put my hand full of bubbles on her face.

"Kuya! What did you do to my face?! Oh my God! What if I get allergies or worse pimples because of this?! Ughhh! I hate you!" sabi niya at hinampas ako sa braso bago nagmartsa paalis.

"I love you, lil sis!" malakas na sigaw ko.

Aminin ko man o hindi, na-miss ko ang pasaway na batang iyon dahil isa siya sa mga dahilan kung bakit hindi ako tuluyang nilamon ng kalungkutan noong panahong akala ko gumuho na ang mundo ko.

Mabilis na tinapos ko na ang paghuhugas ng plato. Konti lang naman iyon dahil yung mismong mga pinagkainan lang ang hinugasan ko.

Lahat ng ginamit ni Myca sa pagluto eh nahugasan na niya at ngayon ay tuyo na. Hindi ko mapigilang ngumiti. I missed her cooking and the way she would make sure everything is clean right after.

Pumunta na ako sa kwarto ko na ngayon ay kwarto na namin. Hindi ko siya nadatnan sa labas pero rinig na rinig ko ang wala sa tiyempong pagkanta niya sa banyo.

Nakangising lumapit ako at sumandal sa pader malapit sa pinto at pinakinggan lang ang pagkanta niya.

Damn. I could get used to hearing her off-key singing every day.

"My heart will go on and onnnn~~~ Ack! Jusko naman 'tong kantang 'to. Bakit sobrang taas?!"

Napapikit ako sa pagpipigil matawa nang pumiyok siya sa mataas na nota ng kanta. At talagang yung theme song pa ng Titanic ang kinanta niya?

I guess memorable sakanya yung gabing yun? The night when I confessed my feelings and almost took her virginity that same night.

At muli, kumalat ang mainit na pakiramdam sa puso ko dahil sa sobrang saya.

Umalis ako sa pagkakasandal sa pader at marahang binuksan ang pinto.

Nakatalikod siya mula sa akin, nakapikit ang mata at nakataas ang mukha niya sa shower.

I discarded my clothes one by one as I stared shamelessly at her perfection.

She's put on some weight, sure, but my damn body and mind appreciated it more. She was more than beautiful.

Maingat na binuksan ko ang glass door at pumasok doon.

Dun pa lang niya tila napansin ang presensiya ko.

Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. BrokeWhere stories live. Discover now