Chapter 58

877 25 13
                                    

-SUGAR-

Tahimik na nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nasa tabi ko at nagmamaneho si Klint.

Patay ang aircon ng sasakyan pero ramdam ko pa rin ang malamig na hangin na humahaplos sa mukha ko.

Napangiwi ako. Bakit kasi ang windshield pa ang napagtripan kong basagin?

Nilingon ko si Klint. Seryoso siya habang nagda-drive at hawak ng isang kamay niya ang hita ko.

Mukha siyang pagod at hapong-hapo pero ito siya at ihahatid pa rin ako.

"I'm sorry I broke your windshield," mayamaya ay sabi ko para mabasag ang katahimikan.

Sumilay ang maliit na ngiti sa labi niya at pagkatapos ay tinapunan ako ng mabilis na tingin.

"Ang windshield, napapalitan. Pero ikaw, hindi. Kaya kahit na basagin mo pa pati ang mga bintana o tanggalan mo pa ng gulong ang sasakyan ko, hahanapin at hahanapin pa rin kita, Blade. Dahil ayaw ko nang maranasan muli ang naranasan ko noong muntik ka nang mawala sa akin. Masyadong masakit. Nakakabaliw sa sakit."

Nakita ko kung pano'ng nagkalambong ang mukha niya.

Kikiligin na sana ako nang bigla siyang magsalitang muli.

"At nakakasira ng kagwapuhan. Kaya pakiusap, babe, making ka na sa akin, ha?"

Hindi ko na napigilan at bumunghalit ako ng tawa.

Hanggang ngayon isang palaisipan pa rin sa akin kung pano'ng hindi ako natatangay sa hangin ng isang 'to.

"Napakayabang mo, Yuzon," nangingiting sabi ko at itinaas yung dalawang paa ko sa dashboard.

Nakita ko kung paanong sinundan ng tingin ni Klint ang mga hita ko at pagkatapos ay napalunok.

"B-blade, ibaba mo nga iyan. Nakaka-distract ka," he said as he licked his lips.

Napangisi ako.

"Kahlil Anthony," tawag ko sakanya.

"Hmm?"

"Your place or mine?"

Nagulat ako nang biglang lumihis ang sasakyan kaya napahawak ako nang mahigpit sa seatbelt na suot ko.

Pero agad ding naibalik sa ayos ni Klint ang takbo ng sasakyan.

"Yuzon! What the heck?!"

"Damn, woman. Huwag ka kasing magtanong nang gano'n kapag nagda-drive ako!" he hissed under his breath.

Mayamaya pa ay bumagal ang takbo ng sasakyan at pagkatapos ay tuluyang itinabi na niya iyon sa kalsada.

"You're serious, right?" nagniningning ang mga matang baling niya sa akin.

Hinawakan ko ang baba ko at pagkatapos ay umaktong parang nag-iisip.

"Hmm... On the other hand—"

"My place. Please, babe?" pakiusap niya at hinawakan pa ang dalawang kamay ko.

Mukha siyang maamong aso sa hitsura niya talaga pag nagmamakaawa. Sobrang cute!

"Okay. Bayad ko na rin sa pagsira ng sasakyan mo," nakangiting pagpayag ko.

But more than that, I owe him for not leaving my side kahit pa noong nalaman niya kung sino si Vince sa buhay ko.

Akmang hahalikan niya yung mga kamay ko nang bigla siyang tumigil at napakunot-noo.

Pagkatapos ay may kinalkal siya sa bag ko. Nangunot ang noo ko nang kinuha niya ang hand sanitizer ko at pagkatapos ay halos ubusin niya iyon sa mga kamay ko.

Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. BrokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon