Chapter 39

991 21 2
                                    

-MYCA-

We just cuddled after our very intimate lovemaking.

Nakahiga ako ngayon sa braso niya habang hinahaplos-haplos ng kamay niya yung buhok ko.

"Mine..." tawag ko kay Vince.

"Hmm?"

"When did you realize you were in love with me?" I asked while drawing circles on his broad chest.

"What's this? Another fast talk?" nangingiting tanong niya.

"Yep. Kaya sagot na, dali!"

"Hmmm... I think it was the time when you went out with Vann, looking all dressed up and pretty."

Teka. Hindi kaya...

"Yun ba yung nagalit ka nung ginabi kami ng uwi tapos hindi kita naipagluto?"

"Oo."

Mahinang tinampal ko yung dibdib niya at tumawa ako nang malakas.

"What? Bakit ka tumatawa?"

"Eh kasi nakakatawa ka!"

"In what way?"

"Were you seriously jealous of Vann?"

"Not really," sagot niya at pagkatapos ay tumikhim. "Well, a bit."

Hindi ko na naman napigilang matawa. Sobrang cute nitong mahal ko!

"Stop laughing, woman."

"But I can't! Kasi ang cute cute mo," sabi ko at pinisil ko ang magkabilang pisngi niya.

"Baby bro nga ang tawag ko kay Vann tapos pagseselosan mo?"

"You're awfully close with Vann."

"Close din naman tayo, ah?"

"You two went out on a date."

"It wasn't a date!"

"You wore a skirt on your date."

"Hindi nga sabi yun date!"

"You forgot to cook me dinner because you were busy on your date."

"Tumigil ka nga. Hindi nga sabi yun date. You have no idea what you're talking about," maluluha-luhang sabi ko dahil sobrang natatawa ako sa inaakto ni Vince.

"Then, why did you wear a skirt? Kapag ako yung kasama mo, T-shirt at jeans lang ang suot mo. What made Vann so special?"

"Nakipagkita kami kay Sugar."

"Huh?"

"Nung araw na 'yon, na nagsuot ako ng skirt at nagpaganda at kasamang lumabas si Vann, nakipagkita kami kay Sugar."

Tiningnan ko siya at napangisi ako nang makita kong nagsisimula nang mamula yung mukha niya.

"Nakipagkita kami kay Sugar kasi desperada na akong mapa-inlove sa akin yung isa diyan," dagdag ko.

Lalo siyang namula.

"Akalain mong nagawa kong makipagkita sa ex niya para lang humingi ng tips? Para lang mas makilala ko siya?" dagdag na pang-aasar ko pa.

Nang hindi na niya ma-take ang pang-aasar ko, ibinaon niya yung mukha niya sa leeg ko at niyakap ko.

"I get it already, Mine. Stop, please. This is embarrassing."

"Cute mo kasi. Ano? Pagseselosan mo pa si Vann?"

Parang batang umiling siya habang nakabaon pa rin yung mukha niya sa leeg ko.

Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. BrokeWhere stories live. Discover now