Chapter 52

834 28 1
                                    

-VANN-

Ang boring naman ng ganito. Dati pag-uwi ko, yung mga nagkalat na beer ni Kuya yung nililinis ko at si Kuya mismo.

Tapos nung dumating si Myca, yung mga kapalpakan naman niya yung inatupag ko. Para sa isang taong lumaking mayaman, kakaiba talaga itong si Myca. Wala akong masabi sa trabaho niya sa gawaing bahay kasi pulido talaga, kaso nakakatuwa lang yung mga fail na pagpapapansin niya kay Kuya.

Tuloy, pati ako napansin siya.

Ahhh. Nakakainip talaga.

Kahit gusto kong tumulong sa mga pinagdadaanan ni Myca ngayon, ano pa bang gagawin ko kung nagawa na halos lahat ni Kuya?

Sana naman maayos na lahat. Ang hirap makita nang ganito sila. At ang hirap ng ganitong mag-isa ako.

Parang bigla na-miss ko yung kulitan namin dito sa condo. Ngayon, sino na lang ang kukulitin ko?

Napabangon ako mula sa pagkakahiga sa sofa nang tumunog ang phone ko. Kaya agad na tiningnan ko iyon. It was a text message.

From: Gwen

Hey, Zen! Wanna hang out?

Damn, Gwen. Konektado ba ang isip mo sa isip ko? Bakit laging alam mo kapag kailangan ko ng makakasama? Sa tuwing kailangan kita?

I typed in my reply.

To: Gwen

Where are you? I'll pick you up.

Dali-daling kinuha ko yung car keys sa mesa at lumabas ng unit. Mayamaya pa ay naramdaman kong nag-reply na siya.

From: Gwen

My place. I don't really want to go out. Say, Netflix and chill? ;)

Napangisi ako. It's been days since the last! Hell, if I'd reject that.

To: Gwen

Be there in 20. Put 'Lucifer' on and take your clothes off, aight?

Nilagay ko na sa bulsa ko yung phone ko at mabilis na sumakay na ako sa kotse at pinaharurot na yun paalis.

Suddenly, the night wasn't so boring anymore.

-ELEAZAR-

"I didn't think you'd really come and see me, Kai," bati ko sa lalaking halos limang taon ko ring hindi kinausap at kinamayan siya.

Simula nang makausap ko ang anak niyang si Vince nang sarilinan, gusto ko nang kitain siya at pag-usapan ang mga bagay-bagay.

Then things about Myca got worse and I didn't have the time to do so. But now that everything seems going well, there was no way I'd let this go.

"It's been years, Eli. Of course, I wanted to see an old friend," simpleng sabi niya.

Umupo kami at binigay ang order sa waiter na naghihintay sa amin.

"I'm sure you know what this is about, Kai."

"Of course. It's about my son and your daughter, yes?"

Tumango ako.

"Your son has to marry my daughter this time for real. Tulad ng napagkasunduan natin years ago."

Malakas na tumawa siya.

"What? Hindi ka na ba galit sa akin, Eli? You wanted to kill me when I sent Vince to the States, remember?"

Napailing ako.

"Because you were doing the wrong thing! You were supposed to support your son, not abandon him," sabi ko.

Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. BrokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon