Chapter 32

959 27 1
                                    

-VANN-

Konting-konti na lang masasapak ko na itong si Kuya para kumalma siya.

Hindi ko raw siya naiintindihan? Aba'y ano na lang sakanya ang ilang taong inintindi ko siya at sinamahan sa kamiserablehan niya?

"How is she, Doc? Is she going to be okay?" tanong ni Kuya.

"She's not dying, is she? I'm begging you. Please save her," sabi naman ni Klint.

Magkasabay nilang nilapitan at hinarass ang doctor.

"She's okay for now. Natanggal na namin yung bala sa tiyan niya. Thankfully, walang vital organs na natamaan kaya walang magiging complications. Pero masyadong marami ang dugong nawala sakanya so it might take her a while to wake up. But you can rest easy now. She's out of danger," sabi nito na hindi alam kung kanino magpapaliwanag.

Klint grabbed the doctor and hugged him real tight habang si Kuya naman ay napasandal sa pader at napahinga nang maluwag.

Naiiling na inalis ko ang tingin ko sakanila at napunta iyon sa babaeng tahimik na nakaupo at nanginginig ang mga balikat.

My lips parted when I realized it was Myca. And she was silently crying.

Mabilis na inalis ko yung coat ko at tinaklob ko sa ulo niya at idiniin ko ang kamay ko sa taas ng ulo niya.

"Stop crying, Myca. You're getting this all wrong."

But can I blame her? Masyadong insensitive itong si Kuya. Naunahan na naman siya ng emosyon, not realizing he was with his current girlfriend.

Hinila ko siya patayo. I can't bear seeing her cry. Masakit sa dibdib.

Nilapitan ko si Kuya.

"I'm taking your girlfriend home. Stay here for as long as you want," I said, visibly pissed.

Kuya looked at me and then at Myca whose back was currently facing us. Bumaba yung tingin niya sa mga kamay namin na kasalukuyang magkasalikop.

Napamaang siya at bago pa siya makapagsalita, tinalikuran ko na siya at hinila si Myca paalis sa lugar na iyon.

One last chance, Kuya.

If you let us go just like that, then I won't let go of Myca's hand anymore.

"Thank you, Vann," mayamaya ay sabi ni Myca.

"What for?"

"Kasi niligtas mo ko sa kahihiyan?"

"Ayaw ko ng thank you lang."

"Grabe naman. Walang-wala na ako. Ano bang gusto mo?"

I stopped walking and I stared at her. Nahinto rin siya sa paglakad.

And before I could say "Ikaw", humahangos na nakahabol samin si Kuya at agad na kinuha niya mula sa akin ang kamay ni Myca.

Napangiti ako nang mapait. I knew he'd come. I expected him to.

"Chocolate cake," sabi ko na lang at hinarap si Kuya.

"Fix your shit, bro. Susuntukin na talaga kita at kakalimutan kong mas matanda ka sa akin."

Bumaling ako kay Myca.

"Stop crying, okay? Ang pangit mong umiyak, ate," sabi ko sakanya at pinitik siya sa noo at pagkatapos ay tinalikuran ko na sila.

I walked away while staring at my hand which was holding Myca's just a minute ago.

Ahh. Sobrang bilis naman no'n.

Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. BrokeWhere stories live. Discover now