Chapter 11

1.2K 48 1
                                    

-MYCA-

Kanina pa ako pabiling-biling sa higaan ko. Hindi maalis sa isip ko yung pagtitig sa akin ni Vince kanina.

My God. Hindi ba niya alam na kitang-kita ko siya sa sulok ng mga mata ko?

Buti na lang siya hindi niya nakita kung paano manginig yung mga daliri ko habang nagta-type dahil sa pagtitig niya. 

Kinuha ko yung isang unan at tinakip ko sa mukha  ko sabay tili.

Shemay!! Kinikilig ako! Ako yata talaga yung lalong mahuhulog sakanya! 

Nakangiting tumitig lang ako sa kisame. Lintik. Mukha na naman ni Vince yung nakita ko.

Itinaas ko yung palad ko at inimagine na hinahawakan ko ang mukha niya. 

Gagawin ko ang lahat mapasaya ka lang. Promise, crush!

Kinabukasan, maaga akong gumising para maghanda ng almusal.

"Morning, Myca," sabi ng isang tinig.

Nalingunan ko si Vann na nasa harapan ng ref at kumukuha ng tubig.

"Uy! Good morning, Vann!" nakangiting sabi ko.

Naibuga niya yung iniinom niyang tubig pagkakita sa akin.

"What happened to your eyes?!" natatawang tanong niya.

Pinatay ko yung kalan at hinango ko yung mga hotdog na niluto ko at nilagay sa plato.

"Hindi ako agad pinatulog ng Kuya mo kagabi!"

He looked shocked.

"What?"

"Grabe kasi siya. Nakakatunaw siya tumitig!" 

"Woahh! May hindi ka ba sinasabi sa akin, Myca?" tanong niya at tinulungan ako sa paghain ng mesa habang kinukwento ko yung mga nangyari sa amin ni Vince kahapon.

"So yun nga! Grabe siyang tumitig. Parang ganito oh," sabi ko at tinitigan ko nang diretso si Vann.

Pero wala pang ilang segundo eh napatid yung titigan namin kasi bigla na lang siyang tumawa.

"Sorry. Nakakatawa kasi yung mga eyebags mo. Hindi ko ma-imagine si Kuya na nakatitig sa iyo na may ganyang kalalang eyebags."

Naiinis na tinampal ko siya.

"Kaya nga sabi ko sayo hindi niya ako pinatulog! Sa pinto, sa dingding, sa bintana, at sa kisame nakikita ko yung mukha niya! Vann, sobrang like ko na talaga si Kuya mo. As in super like!"

Hindi na ako nahiyang sinabi 'yon kay Vann kasi boto naman sakin 'to. At pakiramdam ko sasabog ako kung wala akong pagsasabihan ng feelings ko.

Ang bilis naman kasing mag-level up ng crush ko - nung isang araw lang 'to naging like tapos ngayon super like na. Ano, bukas love na? Hehe!

"Don't worry, base sa mga kwento mo, nakikita ko namang malapit ka na ding maging crush ni Kuya. Konting push na lang kaya isasama kita mamaya," sabi ni Vann.

Napatingin ako sakanya.

"Saan?"

He grinned.

"We're meeting Sugar after lunch kaya mag-ayos ka mamaya, okay?" sabi niya.

O.M.G. Face-To-Face with the Ex? 

Kinabahan yata ako bigla!

"Good morning."

Sabay na napatingin kami ni Vann kay Vince.

Gwapo siya as usual kaso may bago sakanya - katulad ko rin siyang may eyebags!

Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. BrokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon