Chapter 53

835 22 1
                                    

-MYCA-

"Dad? Were you able to book another appointment with these investors?" tanong ko kay Dad na busy sa kabilang table at mukhang aalis na naman.

"Hmm? Yes, anak. Susubukan ko ulit na kausapin sila."

"Do you want me to come with you?"

"No, it's fine. Mas kailangan ka dito. Just ask Carmela if you need anything," sabi niya at tumayo na.

"Okay, Dad. You take care, ha?" sabi ko at tumayo para humalik sa pisngi niya.

"I will. See you later, Myca," he said and kissed me on my forehead before going out of the office.

Ilang araw ng ganito ang pangyayari sa buhay ko. I'd go to work everyday while my dad was busy trying to convince his business acquaintances to invest.

The work was tiring but fulfilling. Lalo na kapag nakikita mo kung gaano ka naa-appreciate ng mga empleyado.

Sa umaga, masaya ako dahil sa mga tao dito sa opisina.

Sa gabi, masaya ako dahil kay Vince. Panong hindi?! Gabi-gabi niya akong tinatawagan!

Para akong teenager na kinikilig pag nag-uusap kami kasi hindi maalis-alis yung ngiti ko kahit na wala naman talaga kaming ibang pinag-uusapan kung hindi yung mga nangyari sa amin sa araw 'yon.

I wonder kung nakangiti rin siya while we were talking?

"Ang saya natin, ah?"

Mabilis na napatingin ako sa taong nagsalita sa harap ko.

Napanganga ako nang makita ko siya.

"Hi, ate!" Nakangising sabi niya at umupo sa sofa.

"Baby bro?! Anong ginagawa mo dito? Pano ka nakapasok? Bakit di kita narinig?!" gulat pero natutuwang sabi ko.

Agad na nilapitan ko siya at ginulo yung buhok niya.

One week ko na din yatang di nakita ito! Huling nakita ko siya nung natulog sila sa bahay.

"Hmm. Let's just say na-miss kitang asarin, ate. Nakasalubong ko si Tito sa pagpunta dito kaya pinatuloy na lang niya ako."

"Ahh! Na-miss din kita! Ang busy mo na masyado ha," sabi ko at umupo sa tabi niya.

"Daming ginagawa sa school, eh. At busy ka rin naman, ah. How are you, by the way?"

"Hmmm? Sa school ba talaga? O sa tusukan? Nako, ha, Vann Kaizen! Huwag mo kaming unahan magka-baby ng Kuya mo! Aral ka munang mabuti kasi baby ka pa!"

Natatawang pinitik niya ako sa ulo.

"Utak mo talaga, ate. Pero teka, you know my second name?" tanong niya.

"Huh? Oo naman! Ikaw pa ba? Lakas mo sakin, eh!"

Kita ko kung pano'ng lumawak yung ngiti niya na para bang masaya siya sa narinig niya.

"Damn. I'm fine with just this," I think I heard him whisper to himself.

"Anong binubulong mo diyan, ha? At teka, bakit ka ba talaga nandito?" curious na tanong ko.

Ngumiti lang siya at pagkatapos ay kinuha ang isang kamay ko.

"This will be my last job as your Cupid, ate," sabi niya at may inilagay na susi sa palad ko.

Nagtatanong ang mga matang tumingin lang ako sakanya.

"Ano ito?"

"Susi ng condo. I'll be out tonight. And I think Kuya deserves some reward? He's been coming home really late dahil tumatambay siya sa harap ng bahay niyo pagka-uwi niya galing trabaho."

Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. BrokeWhere stories live. Discover now