Chapter 37

978 29 9
                                    

-MYCA-

Paglapag namin ng airport, may nakita kaming lalaki na may hawak na placard ng pangalan ni Vince. Isa pala siyang chauffeur ng hotel na tutuluyan namin. Take note, BMW pa yung sasakyang pansundo!

Na-stress ako nang slight. Ang mahal yata nitong binook ni Vann kung may kasamang chauffeur pa!

"Ang laki naman nitong maleta mo, Mine. Parang dinala mo na yung bahay, ah. Wala ka na bang balak umuwi?" nakangiting tanong sakin ni Vince habang inilalagay niya sa likod ng sasakyan yung maleta ko.

"Dinala ko kasi lahat ng sandata ko pang-akit sa'yo, Mine," sagot ko na ikinatigil niya.

Narinig ko ang biglang pagtawa ni Vann. Natawa na lang din ako nang makita kong mamula-mula na yung tenga at mukha ni Vince.

Ginulo lang niya yung buhok ko bago ako iginaya papasok ng sasakyan.

Mabilis lang yung biyahe. Wala man yatang 20 minutes, nakarating kami sa hotel.

Grabe, sobrang ganda ng lugar! Nakapunta na ako sa iba't ibang lugar sa mundo pero first time ko dito sa Boracay!

Hindi pala dinadaya yung mga nakikita kong pictures sa internet. Mas maganda pa pala ito sa personal.

"Good afternoon, Sir. How may I help you? Do you have any reservations?" tanong nung babae na nagpapa-cute kay Vann habang sinusulyap-sulyapan din si Vince.

Aba! Aba!

Agad na kumapit ako sa braso ni Vince habang siya naman ay hinapit ako sa bewang.

Napangisi ako kay ate na kiming nginitian lang ako.

Ayyy. Mabait siya. Na-guilty ako!

"Hi! Ahh, yes. We have a reservation for two rooms under Vince Torres," sagot ni Vann.

"Okay, Sir. Let me check... As per our records, you have reserved one executive suite for Mr. Vince and Ms. Myca. And one premium deluxe suite for Mr. Vann?"

"Yup! That's it."

"Okay, Sir. May I ask for one valid ID and a card for confirmation of details?"

Inabot ni Vann yung kailangan nung receptionist.

"Vann? What's the meaning of this?" tanong sakanya ni Vince.

"I'm getting a room for you two, Kuya," sagot ni Vann at kinuha yung mga key cards.

Nako baby bro! Ikaw ang pinakagwapong Ninong pag nabuo namin si Baby Bora dito!

"Ayaw mo ba, Mine?" tanong ko.

"Are you kidding me?"

Yumuko siya sa akin at bumulong sa tenga ko.

"Nanghihinayang lang ako sa ganda ng lugar kasi baka hindi na kita palabasin ng kwarto."

Naramdaman ko yung unti-unting pag-iinit ng mukha ko at pagbilis ng tibok ng puso ko.

Naiimagine ko ang hindi dapat imaginin!

Napatingin ako kay Vince nang bigla na lang siyang tumawa at pagkatapos ay hinila niya ang ulo ko papunta sakanya at niyakap.

"Joke lang, Mine. Breathe," natatawa pa ring sabi niya.

Ayy bakit niya binawi. Okay lang naman sa akin kung magkulong kami. Hehe!

-VINCE-

"Dito na ko sa floor na 'to. See you in... 30 minutes?" sabi ni Vann nang makarating kami sa 8th floor.

Oo, talagang magkaiba pa ng palapag ang mga kwartong binook niya. Siya nasa ikawalong palapag habang nasa ikasampung palapag kami ni Myca. That guy, really.

Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. BrokeWhere stories live. Discover now