Chapter 25

1K 27 0
                                    

-MYCA-

Mabilis ang tibok ng puso ko habang humahakbang ako papasok ng condo.

Nakakainis kasi wala akong kaalam-alam na birthday ni Vince ngayon! 

Nakapatay ang mga ilaw kaya medyo madilim. Tanging yung mga maliliit na kandilang nakahilera sa sala ang nagbibigay ng liwanag.

Mukhang iniusog ni Vince ang mga sofa kaya ang luwang ng space ngayon.

Kahit mapusyaw lang ang ilaw, kitang-kita ko ang mga paper roses na nakakalat. 

Oo, paper roses. Maybe because Vince was allergic to flowers kaya ito yung naisip niya. Siya ba ang gumawa nito? Ang dami nila, may mga malalaking roses at may mga maliit tapos puro pula at puti yung kulay.

Natatawa na naiiyak ako na kumuha ng ilan sa mga yon at tiningnan. Inamoy ko yung mga yon kahit wala silang amoy kasi walang mapagsidlan yung saya ko.

Hindi ako yung may birthday pero bakit ako yung nakakaramdam ng ganitong saya?

Sa gitna ng sala ay naka-set up ang table na nakatakip ng kulay maroon na table cloth. May isang kandila sa pinakagitna, dalawang plato, wine glass at mga kutsara, tinidor at table knife.

Napalingon ako sa likod ko nang makarinig ako ng tunog ng gitara.

And there he was - the love of my life - Vince.

Nakangiti siya habang mabagal na naglalakad palapit sa akin at patuloy sa pag-strum ng gitara.

Kung dati ay sobrang gwapo na ni Vince sa paningin ko, naging triple yata ngayon.

Nakasuot siya ng puting long sleeves polo na nakarolyo ang sleeves hanggang sa may siko niya at black na jeans na pinaresan niya ng Vans na sneakers. Sobrang simple pero ang lakas ng dating sakanya. 

Akala ko wala nang ibibilis yung tibok ng puso hanggang sa marinig ko yung boses niya.

Pakiramdam ko lalabas na yung puso ko! Why? Because he started singing while playing the guitar!

Now Playing: "I Do" by A Rocket to the Moon

You get lost on your way back home, just about anywhere.
You sing off key to the radio, like nobody's there.
And I love that your Sunday's best is a holey pair of jeans
And I don't stand a chance when you smile.

I bit my lip to keep from screaming. Pigil na pigil kong tumili sa kilig.

Kasi ang gwapo gwapo ng crush ko tapos kinakantahan pa niya ako!

His ears were already turning pink but he continued singing and playing the guitar while looking directly in my eyes.

Yeah the longer that we're together,
The good keeps on getting better,
I never thought that I would ever find someone like you.
Every day you show me I can,
Just when I think that I can't love you anymore than I do, I do.

Wala bang kapintasan itong lalaking 'to? Bakit sobrang perfect niya?

Para kaming tangang nagkakatitigan lang at nangingiti.

Hindi ko na napigilan at unti-unting pumatak yung mga luha ko.

Hindi ko akalaing darating yung panahon na mararamdaman ko yung maiyak sa sobrang tuwa. At hindi ko kailanman inisip na isang lalaki ang makakagawa non sa akin.

At hindi lang siya basta-bastang lalaki.

Inalis ni Vince yung gitara sa katawan niya at pagkatapos ay lumapit sa akin at hinawakan ang mukha ko at sa halip na kantahin niya yung sumunod na lyrics ng kanta, sinabi niya iyon na para bang iyon talaga yung gusto niyang sabihin sakin.

Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. BrokeWhere stories live. Discover now