Chapter 56

838 29 0
                                    

-MYCA-

"Daaaad! Thank youuuu! Sure ka ayaw mong sumama? Papapasukin naman siguro nila tayo ro'n," sabi ko kay Dad.

Nagpaalam kasi ako kung pwedeng puntahan ko si Vince sa kompanya nila. Aayain ko siyang mag-date. Nabitin ako sa kilig, eh.

"Nah, it's fine, anak. Kasama mo naman si Edu kaya alam kong magiging maayos ka. And I trust Vince will take care of you so I'm good."

Talaga naman! Botong-boto, ah. Pwede na kaya akong mag-propose?

"Okay, Dad! Aalis na ako. I love you! See you later at home," paalam ko at hinalikan siya sa pisngi.

"Take care, okay? Tell Vince I said Hi."

"Yes, Dad," nangingiting sabi ko.

Lumabas na ako ng opisina at masayang nagpaalam sa bawat empleyadong nadaanan ko.

Nasanay na sila sa mga pagbati ko kaya ngayon hindi na sila yumuyuko kundi nginingitian na lang ako pabalik katulad ng sinabi ko sakanila.

Paglabas ng building, nandoon na at naghihintay sa akin si Kuya Edu.

"Kuya, alam niyo naman po yung daan papunta sa Torres Group, 'no?" tanong ko.

"Opo, Ma'am. Dati ko pong hinahatid doon ang Daddy niyo," wala sa loob na sabi niya.

Napakunot-noo ako.

Nagpupunta doon si Daddy noon? Bakit?

"Magkakilala ba si Dad at si Mr. Torres, Kuya Edu?" curious na tanong ko.

Hindi niya ako agad sinagot at inayos ang seatbelt niya.

"Ano lang po, Ma'am, dati po silang magkasosyo sa negosyo po."

Really? Bakit hindi ko alam?

"Hmmm... Oh sige po. Tara na dun, Kuya Ed!" sa halip ay sabi ko.

Saka ko na lang tatanungin si Dad tungkol doon.

Ilang sandali pa ay nasa daan na kami papunta kina Vince.

Kinuha ko yung phone ko at tinawagan siya.

Pero nakailang tawag na ako, walang Vince na sumasagot. Eh samantalang dati, siya pa yung unang tatawag sa akin pagkalabas na pagkalabas niya ng kompanya.

"Kuya Edu, pwedeng pakibilisan po ng konti? Thank you po," sabi ko kay Kuya Ed. Nag-aalala kasi ako. May nangyari kaya?

Bigla kasi akong kinabahan na ewan.

Napapikit ako at napausal ng dasal. Sana ayos lang si Vince.

"Ma'am Myca, mukhang may komosyon po sa kompanya nina Sir Vince."

Napamulat ako nang marinig ko ang sinabi ni Kuya Ed.

Narito na pala kami sa tapat ng kompanya nina Vince, pero napanganga ako sa bumungad sa akin.

Ang daming media na kinukunan ng litrato si Sugar habang pinipitserahan niya ang sa tingin ko ay isang paparazzi!

Pigil-pigil naman siya nina Vann at Vince.

Teka, anong nangyayari?!

Mabilis na bumaba ako ng sasakyan at nagmamadaling pumunta do'n.

"Bawiin mo yung sinabi mong gago ka," rinig kong sabi ni Sugar.

"Why would I? Eh totoo namang gold-digging bitch yung Myca Lee! Alam niyang mas may mapapala siya kay Torres kaya yun ang kamang pinili niya!"

Natigilan ako.

Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. BrokeWhere stories live. Discover now