Chapter 41

998 24 0
                                    

Chapter 41

-VANN-

Kanina pa nakaalis sina Kuya at Myca pero hanggang ngayon nandito pa rin ako sa sofa at hindi makakilos.

My chest felt heavy, so I started thumping on it. Pero kahit anong kabog ang gawin ko, hindi mawala-wala yung bigat at sakit.

Kaya pala dito kami nag-usap at hindi sa kwarto nila. I bet Kuya didn't want me imagining Myca naked on his bed.

Fuck. Fucking shit.

I drew a sharp breath. Pakiramdam ko nauubusan ako ng hininga. Bakit ba ako nasasaktan? Bakit ba sobrang apektado ako?

They were a couple, and it's normal. It was bound to happen. And I wasn't supposed to give a fuck.

Pero hindi matanggal sa utak ko, sa isip ko ang imahe nilang dalawa. And it's darn painful.

Kaya kahit alam kong naresolba ang problema ni Myca, kahit alam kong hindi na niya kailangang umalis, hindi na niya kailangang masaktan – hindi ko magawang maging masaya nang lubusan.

And I fucking hate that I'm like this.

Tumayo ako at ibinagsak ang katawan ko sa kama.

Mariing ipinikit ko ang mga mata ko nang maging sa kisame ay nakikita ko ang mukha niya.

Tangina talaga.

Siguro pagod lang ito at kakulangan ng tulog. I couldn't fucking sleep last night.

Pero kahit nakapikit ako at nakahiga ngayon, hindi pa rin ako inaantok. Masyadong gising ang utak ko.

Ahh. Fuck. I need a distraction. I got up and decided to call Gwen.

It's just 6am in the morning. Gising na kaya siya?

"Hello?" she answered on the third ring. Her voice was raspy.

"Hey, sorry. Did I wake you?"

"Vann?"

"Yup. Sorry kung nagising kita."

"Nah, it's fine. My alarm's about to go off anyway. What's up? Ang aga mong napatawag?"

"Wala naman. I just wanted to hear your voice."

Nakarinig ako ng mahinang pagtawa at pagkatapos ay kaluskos.

"Yeah right, Vann Kaizen. Now, tell me your problem."

I sighed. How can she know that? Wala naman akong sinasabi sakanyang may problema ako. Girls instincts sure are scary.

"What are you doing?" sa halip ay tanong ko nang makarinig pa ako ng kaluskos at pagkatapos ay daloy ng tubig.

"Just washing my face. You know how I look like a fucking potato in the morning."

Napangiti ako. Good. I knew Gwen will take my mind off this shit.

"That's not true. You're most beautiful in the morning, Gwen."

She just laughed again.

"Geez. Stop making me kilig, idiot. Anyway, may gagawin ka ba ngayon? Wanna hang out?"

"Can't. Nasa Boracay ako."

"What the heck?! Ginagawa mo diyan?"

"Third-wheeling."

She laughed yet again.

"Ohh... That was funny! Can't imagine you being one," sabi niya. At kahit di ko siya nakikita, alam kong nakangiti siya.

Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. BrokeWhere stories live. Discover now