Chapter 12

1.2K 41 0
                                    

-VANN-

"Hala! Vann!!! Anong nangyari sa Kuya mo? Bakit nag-level down ako?! Tinawag ulit niya akong katulong! Dati kasama sa bahay na yun eh, tapos kasama sa buhay na dapat yung kasunod. Pero bakit ganon?!" nagpa-panic na tanong sakin ni Myca habang hinihila yung buhok ko.

Hindi ko maintindihan kung anong sinasabi niya dahil maang na nasundan ko na lang ng tingin si Kuya.

The last time I saw him get annoyed was when Sugar was kissing Klint. Okay, he was not just annoyed then - he was pissed and hurt, but still! This is new! 

I have never seen Kuya lose composure like that because of something so petty.

At lalong hindi siya magta-tantrum dahil lang wala siyang dinner. 

Why? Because he can fucking cook! He was the one preparing our meals before Myca came in our lives.

Napangisi ako at inakbayan sa leeg si Myca. I have a good feeling about this.

"Don't worry, Myca. I assure you, hindi ka nag-level down," sabi ko habang ginugulo yung buhok niya.

This is going to be fun.

-MYCA-

Hindi talaga ako mapakali na malaman na parang galit sakin si Vince kasi hindi ko siya naipagluto ng dinner.

Kasi naman masyado kaming nag-enjoy ni Vann sa pakikipag-usap kay Sugar. Tama nga si Vann, hindi lang siya magandang babae, mas maganda pa ang kalooban nito.

At sobrang bagay nila ni Klint! Tapos si Vince sobrang bagay sakin.

"Myca, Vince is not into flirts. He loved the past me, not the present me. So the only thing I can suggest you do is to just be yourself and let him fall for your natural charms. You like him, right? Then, follow what your heart is telling you to do because  the heart knows what it wants."

Pakiramdam ko tinamaan ako ng kidlat sa sinabing iyon ni Sugar.

Kaya ang nangyari, hindi panlalandi ang naituro sa akin ni Sugar kundi sinabi lang niya ang mga naaalala niyang likes at dislikes ni Vince.

"Vince is a great cook. He loves cooking but he loves it more when someone cooks for him."

Kaya naman heto ako ngayon at hinahatiran siya ng dinner. Kaagad na pinagluto ko siya kanina dahil nakita kong isang tsitsirya lang yung kinain niya at di pa naubos. Sobrang nakaka-guilty!

Agad na kumatok ako nang marating ko yung kwarto niya.

Ni-ready ko ang pinakamagandang ngiti ko at nang marinig kong binuksan na niya yung pinto, itinaas ko agad yung hinanda kong pagkain.

"Sir, sorry, Sir! Hindi na po mauulit! Heto na po ang din..."

Napalunok ako nang makita ko ang ayos ni Vince.

Mukhang katatapos lang nitong maligo dahil nakatapis lang siya ng tuwalya at nakalantad ang ultra yummy niyang upper body.

One, two, three, four, five, six, seven, eight!

Homayghad. Walong matitigas na pandesal!

Pakiramdam ko ako yung hinainan ng dinner ni Vince! Yan lang yung pandesal na kahit matigas, willing kong kainin kahit walang palaman!

"Aherm! Eyes up here, Myca," pagtawag ni Vince sa pansin ko.

Jusmiyo!!!

Parang gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko!

"V-vince, e-eto na yung pande-denner.. aherm! Dinner mo. Pasensiya na talaga at natagalan kami ni Vann. Hindi na mauulit, peksman!" sabi ko at tiningnan siya sa mukha.

Grabe. Sobrang fresh ng hitsura niya. Medyo nawawala na yung eyebags niya, baka natulog siya maghapon nung wala kami? Tapos ang pula ng labi niya... Pati tenga niya namumula.

Huh? May tenga ba talagang namumula pagkatapos maligo? Akala ko mata lang yung namumula.

"It's fine. Sorry for earlier. I was just... hungry, I guess," sagot niya at binuksan pang lalo yung pinto para maipasok ko yung dala ko.

Agad na humakbang ako papasok at nilagay sa mesa yung pagkain niya.

"Vin--!" Naputol yung sasabihin ko nang biglang pag-ikot ko ay parang naliyo ako at napahawak dun sa swivel chair niya.

Parang slowmo na unti-unting gumalaw yung upuan at nawalan ako ng balanse. Pikit-matang hinintay ko na lang ang mangyayari sa akin.

"Myca!" tawag ni Vince.

Pero sa halip na matigas na bagay ang sumalo sa ulo ko, malambot na bagay ang binagsakan nito.

Vince was holding my head protectively using both of his hands habang nakaluhod siya sa gilid ng ulo ko.

The towel is gone kaya napalunok ako ng tatlong beses.

Sayang at may suot pala siyang boxer shorts!

"Okay ka lang?" tanong niya at tinutulungan ako sa pag-upo.

"Uh-huh," pagtango ko habang nakatingin sa malapad niyang dibdib na up-close kong nakikita.

Nagulat ako nang bigla niya akong pitikin sa noo.

"Ow! Ang sakit, Sir ha!" sabi ko habang hinahawakan yung noo ko.

"Hindi ka ka kasi nag-iingat," aniya at saka na tumayo.

He held out his hand pero sa halip na sa kamay niya ako tumingin, iba yung sinusundan ng tingin ng mga mata ko.

Ano kasing sabi nung maid ko? Daks nga ba kapag uhm, biggie? Tapos juts pag tinnie winnie?

Then, si Vince ay isang bonggang bonggang D! Sure ako kahit di ko pa talaga nakikita in person!

Wooooh!

Bakit ba simula nung makilala ko ang lalaking 'to naging makamundo ang pag-iisip ko?

Masyadong malakas ang sex appeal niya!

Napahiyaw ako sa gulat nang bigla na lang akong buhatin ni Vince at pagkatapos ay maayos na itinayo.

"Kung sa'n-sa'n ka nakatingin. Did you like what you see?" tanong niyang nakangisi pero parang lalong namula yung tenga.

Ganon ba talaga ang epekto ng pagligo sa mga lalaki? Ang tagal naman.

"Yes. I like it very much," wala sa sariling sagot ko.

Napamaang ako nang bigla na lang siyang humalakhak at pagkatapos ay dahan-dahan niya akong itinulak palabas sa kwarto niya habang kami ay magkaharapan!

I can feel my senses tingling while his bare chest was on my freaking face. He smelled of aftershave cologne and soap - sobrang manly at bango.

And he is smiling. Litaw teeth! Nasilaw yata ako sa mga ngipin niya. Pwedeng pang-commercial ng toothpaste!

He patted my head when he finally tossed me out of his room.

"Mukhang nahipan ka ng masamang hangin sa paglabas mo kasama si Vann. Go take a rest now. Good night, Mycs. Thanks for the food," he said smiling before he shut the door on my face.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Nag-level up na ba ako ulit?

Alright!

Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. BrokeWhere stories live. Discover now