Chapter 18

1.2K 36 0
                                    

-MYCA-

Malapit na bang magunaw ang mundo? Bakit sobrang weird ni Vince ngayon?!

Narito ako sa salas at naglilinis habang siya nakaupo sa sofa at nagbabasa ng magazines, baligtad naman!

Akala ba niya hindi ko alam na tinitingnan niya ako habang naglilinis??? Tapos pag titingnan ko siya itatakip niya sa mukha niya yung magazines?

Tapos kaninang umaga sa breakfast, nanibago ako sa aga ng gising niya at tinulungan pa akong maghain ng mesa. Tapos nung kukuha ako ng tubig ko, siya yung naglagay sa baso ko.

Hindi ko rin maintindihan bakit biglang ginusto niyang maghugas ng plato eh dati naman magkukulong na siya sa kwarto niya pagkatapos kumain.

Isa pa kaninang binubuhat ko yung bedsheets na natuyo para dalhin sa kwarto ko, nagulat na lang ako nang bigla niyang inagaw sa akin iyon at siya na yung naglagay non sa mismong higaan ko. Kulang na nga lang tupiin niya kung hindi ko siya pinigilan at pinaalalang trabaho ko yun.

Sobrang hindi talaga ako sanay na ganito siya! Pag naman tinatanong ko si Vann, hindi niya ako binibigyan ng matinong sagot! Hanggang sa pumasok na siya sa school, wala akong nakuhang sagot sakanya.

Imposibleng wala siyang alam sa nangyayaring kababalaghan sa Kuya niya. Yun pa? Eh numero unong chismoso yun.

Ano ba kasing nangyari? Diba galit siya kasi nagsayang ako ng tubig at Tide?!

Napatingin ako sakanya at nahuli ko ulit siyang nakatingin sa akin bago niya tinakpan na naman ng magazine yung mukha niya.

At dahil hindi ko na talaga mapigilan, lumapit ako sakanya habang hawak yung feather duster.

"Vince..." tawag ko.

Binaba niya nang konti yung hawak niya at pagkatapos ay tiningnan lang ako.

"Yes, Myca?" 

"Ano... galit ka ba sakin? Palalayasin mo na ba ako?" 

Pakiramdam ko kasi tinitingnan niya yung bawat galaw ko at naghihintay lang siya na magkamali ako para mapalayas na niya ako. Kulang na lang ipamukha niya sa akin na hindi na niya ako kailangan sa bahay kasi kaya niyang gawin lahat ng ginagawa ko.

"What? No! Bakit mo naisip 'yon?"

"Eh kasi kagabi diba umalis ka kasi inubos namin ni Vann yung Tide mo?" 

Maang lang siyang napatingin sa akin at pagkatapos ay tumawa.

"Of course not, Mycs. Kahit ilang Tide pa yung ubusin mo, hinding-hindi ako magagalit sa iyo at lalong hindi kita palalayasin," sabi niyang natatawa pa rin.

Bigla akong inusig ng konsensiya ko. Pa'no kung malaman niya yung mga pagsisinungaling ko? Di pa rin kaya siya magalit sakin? Di pa rin niya kaya ako palayasin?

"Eh ano... bakit ka ba nakatambay ngayon dito sa salas? Sawa ka nang magbantay ng stocks?"

"Uhm... O-oo. Alam mo naman diba masakit sa ulo."

"Kaya ba nagbabasa ka ng magazines nang pabaligtad?"

Agad na tiningnan niya yung magazine na hawak niya.

Mayamaya pa ay nakita ko kung pano mamula hindi lang yung tenga niya kundi buong mukha niya!

"Vince! Nagba-blush ka?!" Hinawakan ko yung pisngi niya saka yun pinisil. "Ang cute!"

Pero ang hindi ko inaasahan ay yung bigla niyang pagtayo kaya naman napaatras ako at muntik nang madulas pero nasalo ako ng mga matitigas na bisig ni Vince.

Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. BrokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon