Chapter 14

1.1K 36 0
                                    

-MYCA-

"Myca, I'll just go out for a while. Can you clean my room? It's not that messy actually. But could you please change my bedsheets? Thank you. Be back in an hour."

Lumuwang lalo yung ngiti ko nang maalala ko ang habilin sakin ni Vince. Biruin mo, aalis siya at ipagkakatiwala niya ang kwarto niya sa akin?

Ganoon na kalaki ang tiwala sa akin ni crush!

Kaya naman, self, don't give up. Mapapasaakin din si Vince, tiwala lang din! 

Nang masiguro kong nakaalis na siya, agad akong humiga sa kama niya at sininghot ang kumapit na amoy ni Vince sa bedsheet, sa unan, at sa kumot niya.

Sobrang bango! Amoy gwapo!

Sana kama na lang din ako para dinadapaan din niya ako. Ayy, parang bastos pakinggan. Sige hinihigaan na lang.

Ako lang mag-isa ngayon dahil si Vann ay pumasok sa school. Hindi ko nga alam kung nag-aaral ba talaga iyon o nangchi-chix lang.

Mabilis na pinalitan ko yung bedsheets at punda ng mga unan ni Vince at pagkatapos ay nilinis ko na din ang kwarto niya na kung tutuusin sy wala naman talagang gaanong dumi.

Inayos ko lang yung mga papel na medyo magulo sa mesa niya.

Lalabas na sana ako nang mapansin ko yung gitara sa likod ng pinto niya.

Ngayon ko pa lang nakita yun. 

Naggigitara si Vince? Grabe naman sobra na yun! Nasa kanya na ang lahat pag ganon!

Kinuha ko yung gitara at sinubukang ini-strum. Wala iyon sa tono.

Pumunta ako sa upuan ni Vince at itinono iyon. Marunong din kasi akong maggitara. Actually, pati ng piano at violin dahil nung bata ako, pinilit ako ng mga magulang ko na mag-take ng mga lessons. 

Pero ang pinakapaborito ko talagang tugtuging instrumento ay gitara kasi ito yung instrumento na inaral ko sa sariling sikap. 

Nang maitono ko na yun, sinimulan kong tugtugin yung paborito ko - ang kantang With A Smile ng Eraserheads. Ito yung pinakaunang kantang natutunan kong tugtugin sa gitara kaya naman napaka-espesyal nito para sa akin.

Ipinikit ko ang mga mata ko at nagpatuloy lang ako sa pagtugtog na sinabayan ko ng pag-hum. 

Kasabay ng pagtatapos ko sa kanta ang siyang pagpalakpak ng kung sino.

Agad na napalingon ako sa pinto.

Nakasandal si Vince sa hamba ng pinto habang nakangiting nakatingin sa akin.

"Didn't know you had it in you, Mycs. Ang galing mong tumugtog," sabi pa niya at naglakad papunta sa akin. 

"S-Salamat. Pasensiya na pinakialaman  ko itong gitara mo," biglang nahiya kong sagot. Hindi ako sanay na pinupuri niya ako.

"Nah, it's fine," sabi niya at pagkatapos ay kinuha ang isa pang upuan at umupo sa harap ko.

"Tugtog ka pa. I'll try to sing," he said then winked.

Holy sweet. Nag-level up na yata yung superlike ko kay Vince. 

Mahal ko na yata siya. At hindi ako makapaniwalang dahil lang yun sa kinindatan niya ako! 

Grabe ganito pala ako karupok.

Pag kumindat ka, akin ka. Tipong ganon.

"A-alam mo yung Your Song/My One and Only You ng Parokya ni Edgar?" tanong ko sakanya.

Ito kasi yung kanta ko para kay Vince. 

He smiled and nodded. "Of course, who wouldn't?"

Ang lapit niya. Sobrang malapitan kong nakikita yung ngiti niya. Yung puso ko dumoble yung bilis sa pagtibok.

I started strumming at kulang na lang mapatid ko yung strings dahil nabigla ako sa pasok ng malamig na boses ni Vince. Agad na napatingin ako sakanya.

It took one look
And forever laid out in front of me

One smile then I died
Only to be revived by you

Why, he could actually sing! 

Patuloy lang ako sa pagtugtog habang si Vince ay patuloy lang din sa pagkanta at hindi inaalis ang tingin niya sa akin.

Dear Lord. Sobra-sobra na pong kilig itong nararamdaman ko. Hindi kaya may sobra-sobra ding sakit na kapalit ito sa susunod? Huwag naman sana!

I take one step away
And I find myself coming back
To you
My one and only
One and only you

Now I know
That I know not a thing at all
Except the fact that I am yours
And that you are mine

Oh my God. Sasabog yata ako sa sobrang kaba. Talagang direkta siyang nakatingin sa mata ko habang kinakanta niya yung last two lines.

Sana totoo na lang. Ang kaso, I am his, but he's not mine... YET.

I take one step away
And I find myself coming back
To you
My one and only
One and only you

I played the last chord kasabay ng panghuling salita ng kanta.

Natapos na yung kanta pero yung titigan namin ni Vince, hindi pa.

I licked my lips because I was so nervous! 

Nakita ko kung panong mapatingin sa mga labi ko si Vince at pagkatapos ay napalunok.

And seconds later, dahang-dahang lumapit yung mukha niya. 

At dahil masyado akong atat, I closed my eyes at inilapit ko din yung mukha ko sakanya.

Our lips touched and sparks flew all over, well at least for me.

Naramdaman ko ang pagngiti ni Vince against my closed lips and then he held my neck and pulled my head closer to him.

He angled my face and kissed me fully on the mouth until we are both out of breath.

"Myca." 

Sa wakas, pangalan ko na yung tinawag niya at hindi na ang pangalan ng iba.

I opened my eyes when the kiss finally ended and saw Vince's conflicting emotions in his eyes - desire and doubt, happiness and fear.

And then his eyes became apologetic. No, Vince. That's the last thing I wanted to hear from you.

Alam kong sobrang naguguluhan siya sa nararamdaman niya ngayon kaya bago pa siya makapagsalita, inunahan ko na siya.

"I love you, Vince. I sincerely, wholeheartedly love you."

Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. BrokeWhere stories live. Discover now