Chapter 24

1K 28 0
                                    

-MYCA-

"Bakit kasi kailangang kasama ako sa pamimili mo ng tuxedo ha, Vann?" tanong ko dito kay Vann na kasalukuyang namimili ng mga coats dito sa isang sikat na Men's Shop.

"Sinabi ko na nga di ba? Kailangan ko ng kasamang magsasabi kung bagay ko ba o hindi yung isusuot ko."

"Edi sana sinama mo na lang yung date mo?"

"I can't. Buong araw kong i-eentertain si Gwen and it's tiring. Come on, ate. Show a little gratitude. You have the best brother-in-law after all," nakangising sabi niya.

"Correction, future brother-in-law," I said rolling my eyes. 

Naikwento niya na inimbitahan siyang maging partner ng isang chix sa university nila sa Seniors Graduation Ball. 

Bigla na lang niya akong niyakag kasi daw wala siyang coat na susuotin. Hindi sumama si Vince kasi daw may tatapusin pa siyang trabaho kaya hinayaan na lang namin.

Pero itong si Vann hindi ako tinigilan hangga't di ako napapapayag. Kinonsensiya niya ako na kung hindi raw dahil sa pagtulong niya sakin, edi sana daw katulong pa rin ang lebel ko sa buhay ni Vince.

At dahil may point naman siya kaya sumama na rin ako.

Habang pumipili siya dun sa mga coats at kausap yung sales lady na kulang na lang lumuwa ang mga mata habang sinusundan si Vann, umikot muna ako dito sa shop at nagtingin-tingin.

Agad na napadako ang mga mata ko sa hilera ng mga neckties.

Pamilyar sakin ang mga ganitong shops dahil madalas ring mamili sa mga ganito si Dad kaya hindi na ako nagugulat sa mga presyo.

Kinuha ko iyong isang necktie. Kulay itim yon at simple lang yung disenyo, may mga guhit siya na darker shade of black na glossy kaya litaw pa rin naman yung disenyo.

Naisip ko tuloy ano kayang hitsura ni Vince kapag naka-formal attire? Since sa bahay lang siya lagi, hindi ko pa siya nakikitang magsuot ng pormal na damit. Laging casual lang.

Baka sa kasal na namin doon ko siya makitang nakapormal?

Napangisi ako sa naisip ko. Ang saya sana kung si Vince nga yung papakasalan ko.

"Myca, how do I look?"

Napalingon ako kay Vann. Inaayos niya yung coat sa harap ng salamin at pagkatapos ay tumingin sa akin.

Aba. Akalain mong nagmukha siyang tao. 

Nilapitan ko siya at tiningnan ko mula ulo hanggang paa. 

Parang baliw na nagpalit-palit siya ng pose na parang modelo na ikinakilig naman ng mga sales ladies at ng mga ilang customer na nasa loob.

Iba rin ang alindog nitong isang 'to. Magkapatid nga sila ni Vince.

Vince had the looks of a good-boy type of guy - yung sobrang bait at gentleman na mahihiya ka pag tumabi ka sakanya.

Habang itong si Vann ay yung mala boy-next door na pilyo ang charms pero pagkakaguluhan ng mga girls.

Pero sa suot niya ngayon, sinong mag-aakalang maloko itong isang 'to? He looked very mature sa suot niya.

"Hmm... Nagmukha kang tao sa suot mo. Hindi ka na ikakahiya ng date mo," pabirong sabi ko.

"Gwapong tao naman ba?"

"Pwede na," nakangiting sabi ko at tinanggal yung nakakapit na dumi sa coat at inayos iyon sa pagkakabutones.

Pagkatapos ay iniabot ko sakanya yung necktie na nagustuhan ko.

"Pero mas lalo kang gugwapo kung gagamitin mo itong necktie na napili ko," nakangiting sabi ko at inilapat sa dibdib niya yung necktie. Nice, bagay nga.

Perfect Couple 2: Mr. Broken Meets Ms. BrokeWhere stories live. Discover now